SIX

3.8K 46 0
                                    

SIX

Ilang araw ding nasa bahay lang si Ayaka. Walang ganap dahil nasa bakasyon ang dalawa niyang kaibigan. Busy naman sa pag kuha ng summer classes ang pinsan niyang si Aiko.

Naging masaya si Aiko ng ikwento ni Ayaka ang last meeting nila ng fiancee nito. Nabuhayan ito ng loob. Lumakas ang pakiramdam nito na hindi matutuloy ang kasal niya sa lalaking di naman niya gusto.

Pero para kay Ayaka, nakatatak pa din sa isip niya ang reaksyon ng mukha ng lalaki ng marinig ang huling sinabi niya dito. Mayroon pa ding guilt. Kahit papaano ay wala naman pinakitang masama ang lalaki sa kanya. Kaya parang nakakaramdam siya ng panghihinayang.

Naka ilang beses na din siyang tumingin sa cellphone niya na nakapatong sa side table ng kama niya. Hindi man lang ito umilaw sa loob ng tatlong araw. Binalik niya ulit ang tingin niya sa binabasa niyang libro.

'Hindi na siguro niya ko kokontakin kahit kailan', isip isip niya.

Agad niyang binura ang pag iisip na iyon. Dapat lang na di na siya kontakin ng lalaking yun para wala na siyang isipin pa!

Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya kaya agad niyang inabot at para siyang excited na bata na tiningnan ang caller ID.

"Boyfriend"

napasimangot siya ng bahagya ng makita kung sino ang tumatawag pero agad din niya itong sinagot.

"Hey, Kuya"

Ang kuya niya ang nag set ng name sa cellphone niya. Ang tawag daw sa technique na yun ay camouflage para makaligtas si ayaka sa mga prey(boys). Sobrang protective kasi ng kuya niya sa kanya.

"Sunduin mo naman ako. Kakadating ko lang." galing sa Cebu ang Kuya niya para sa business meeting.

"Ayoko."

"Sige na baby girl"

"Kuya malaki ka na."

"KJ naman. Sige na treat kita." pagba bribe ng kuya niya.

"No thanks. Busog ako."

"Ang sarap pa naman mag yogurt ice cream ngayon. Yung punong puno ng strawberries. Tapos may cookie bits na kasama."

Ang weakness ni Ayaka.

"Ugh! Sige na! Nasaan ka ba?"

"Yes! Terminal 3 baby girl. Dalhan mo din si Kuya ng tsinelas."

"K."

Inend call na ni Ayaka ang phone at dali daling lumabas ng kwarto. Kinuha niya ang favorite tsinelas ng kuya niya tska kinuha ang susi ng kotse niya.

Routine na nila yun magkapatid. Kahit 27 years old na ang kuya niya ay sweet pa din ito sa kanya. Magpapasundo ito, magpapahatid. Ayaw kasi nitong magdrive mag isa. May trauma ang kuya niya sa pagsakay sa kotse. Kung hindi si Ayaka ang kasama niya sa kotse hindi siya sasakay. Kaya madalas nagco-commute ito dahil madaming tao naman siyang kasabay.

Ang kwento sa kanya ay nakidnap ang kuya niya nung 7 yrs old pa lang ito. Galing ito sa school at may humarang sa sasakyan nila. Kinuha siya, piniringan at ginawang hostage for 5 days hanggang sa nailigtas siya.

Dumaan sa grabeng trauma ang kuya niya na kinailangan niya ng medical help. Pahirapan dahil ilang buwan din siyang hindi nagsasalita.

Nung dumating si Ayaka. Parang naging safe place niya si Ayaka. Duon lang siya nag open up at bumalik sa dating sigla.

Kaya hanggang ngayon ay ganun na lang din ang pag aalala niya sa kuya niya.

Natuto si Ayaka mag drive 16yrs old pa lang siya. Talagang pinursige niyang mag aral mag drive dahil pinangako niya sa kuya niya na ipagda drive niya ito para di na siya matakot sa pagsakay sa kotse.

A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon