EIGHTEEN

1.3K 20 3
                                    

Isang masamang balita ang bumungad sa umaga ni Ayaka.  Nakatanggap siya ng tawag mula sa Pilipinas galing sa Kuya niya.

"Ayaka, you need to go home. Dad's in the hospital. He's not in a good condition" malungkot ang tono ng boses ng Kuya at batid niya ang sobrang pag aalala nito.

"W-what? Since when?" halos mapaupo siya dahil nanghina ang mga tuhod niya sa narinig na balita. Buti na lang ay nakaalalay ang lamesa na nasa tabi niya.

Napatingin siya kay Haru, tahimik lang ito habang nakain ng breakfast na hinanda niya para sa kanilang dalawa. Gabi ngayon sa Pilipinas kaya nag aalala si Ayaka hindi lang sa Dad niya kundi pati sa Kuya niya siguradong wala pa itong pahinga.

"He collapsed kanina while he's in his office and... he's in the ICU now. I still don't know...really...but his doctors are closely monitoring him....He's unconcious." punong puno ng pangamba ang boses ng Kuya niya.

Napatakip ng bibig si Ayaka. Hindi makapaniwala sa mga naririnig. She didn't contact her father even once. Never din nitong nakilala si Haru. Even Haru didn't know about him. Dahil nga nagdecide si Ayaka na magbuild ng sariling buhay sa America, malayo sa impluwensya ng kanyang Ama.

She remembered the time na inamin niya sa Ama na buntis siya.

It was the last memory of him kay Ayaka. First time in her life na sobrang takot na takot siya dito.

"Get married." maikling sabi nito

"N-no. I..I don't know who he is."

Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ayaka. Halos mapaiyak si Ayaka sa sakit na naramdaman. Pero hinding hindi niya makakalimutan ang itsura ng kanyang Ama. It was written all over his face, hatred, disgust.

"You are a disgrace to this family."

And then he left.

After that her Kuya help her settle sa America. He supported her hanggang sa makatayo na siya sa sarili niyang paa.

Ayaka knows that she doesn't hate her father. Kahit una't sapul hindi sila yung natural na father-daughter relationship ay mahal pa din niya ito. She knows deep down that he still cares for her and he is still her father.

Kaya sobra siyang nagulat sa binalita ng Kuya niya.

"Ayaka, I already booked you and Haru a flight. My secretary emailed you the flight details. Please...come home." saad ng Kuya niya.

Hindi panahon para pag isipan pa ni Ayaka ang pag uwi sa Pilipinas. Ibang usapan na pag Ama niya ang tinutukoy. She needs to go home, pero hindi naman niya pwedeng iwanan si Haru dito just to protect him. He also needs to meet his grandfather. She has no choice but to go back to Philippines with Haru.

She will...

But she'll protect Haru at all cost.

***************

"Are you sure you're going to be okay?" nag aalalang tanong ni Charles nang matapos niyang tulungan maibaba ang mga bagahe nila Ayaka.

Hinatid ni Charles sila Ayaka papunta sa Airport.

Tumango tango si Ayaka dito, "We will."

"I'm sorry to hear about your father. I hope he gets well."

"Thank you Charles." malungkot na ngiti nito. "So... see you when we get back?" paalam ni Ayaka dito.

Maglalakad na sana papasok sila Ayaka ng pigilan siya ulit ni Charles.

"Is there any chance of meeting Haru's father while you're there?" may pag aalangan pa sa tono ng pagtatanong nito.

This is the first time na nagtanong si Charles tungkol sa tatay ni Haru. Kaya maski si Ayaka ay na caught off guard at hindi agad nakasagot.

Napakagat sa labi si Ayaka at tumango tango. There's a big chance...very big chance really, dahil asawa ito ng pinsan niyang si Aiko. At siguradong magku-krus ang mga landas nila kahit pilit niyang iwasan.

"Do you want me to come?" sabi nito na ikinagulat ni Ayaka.

"Huh?"

"Susunod ako. If it's okay with you...I'll be the acting father of Haru. I want to protect both of you." seryoso ang pagkakasabi nito kay Ayaka.

Napaisip si Ayaka, kung sasama si Charles at magpapakilala na ama ni Haru mapo-protektahan niya ang identity ng anak. Hindi na niya kailangan gumawa ng kung ano anong storya lalo na kapag may nagtanong especially ang pinsan niyang si Aiko.

It's been five years at for sure magkakamustahan silang dalawa. Hindi din niya alam, baka galit o may tampo ito sa kanya dahil hindi siya kumontak dito sa loob ng limang taon.

"C-charles...you don't have to.. You did so much for us already. Ayokong gawin kang panakip butas."

"No. Don't worry. Gagawin ko to, para kay Haru. Please let me." hinawakan ni Charles ang dalawang kamay ni Ayaka at tumingin sa mga mata nito habang nagsasalita.

Napabuntong hininga si Ayaka. "I...I don't know.. but... if it's ok with you. Thank you." nakangiting saad niya dito.

Napangiti si Charles dahil sa naging sagot ni Ayaka. Niyakap niya ito.

"Thank you Ayaka. Susunod ako. May mga aayusin lang ako before I get there. Wait for me. Okay?"

Napatango lang si Ayaka. Hinalikan ni Charles sa noo si Haru at nagpaalam na sila dito.

Hinintay sila ni Charles hanggang sa makapasok sa airport atsaka ito sumakay ng sasakyan niya at umalis na.

Sobrang thankful si Ayaka na merong isang Charles Lim sa buhay nila mag ina.

Madami ng bagay ang napatunayan nito sa kanya. He did so much for them.

Maybe it's time for her to give back what he deserve.

"After this visit in the Philippines. I give Charles a chance." sabi ni Ayaka sa sarili.

Naka move on na kaya talaga siya?

************

Sobrang haba ng flight nila. This is Haru's first flight kaya alangan din si Ayaka sa ikikilos ng anak niya. Buti na lang at madali itong makaintindi. Si Haru yung tipo ng batang kapag pinaliwanagan mo maiintindihan niya agad. Di naman mawawala ang kulit at tigas ng ulo sa mga bata pero si Haru yung tipo ng bata na madaling alagaan kaya hindi siya ganun nahirapan. Matalino din ito at madali makapick up ng mga bagay na nakikita at naririnig niya. She's so proud of her son.

Nakahiga si Haru sa dibdib ni Ayaka. Ang sarap pagmasdan nito pag natutulog pero di makakaila ni Ayaka na kitang kita ang resemblance sa tatay nito. Siguro kaya nahirapan din siyang kalimutan lahat dahil isang malaking paalala si Haru sa lahat ng memory na meron siya about sa lalaking yun. Simula sa mata at ilong. Kitang kita niya ang itsura nito sa anak. His eyes were her son's eyes. Mapupungay na parang nangungusap.

Napapikit si Ayaka, after 5 years tatapak ulit siya sa Pilipinas. Hindi niya sigurado kung anong mga mangyayari kaya yun ang pinaka kinakatakot niya. Hindi pa niya ma imagine kung magkataong makita niya ulit ng harapan ang lalaking yun. The memories with him is still fresh from Ayaka's mind. Everything. She don't know kung anong gagawin niya once na mag krus ang landas nila after she left him without a clue.

Pinilit ni Ayaka na makatulog. This will be the longest flight of her life. And deep down she's praying that everything will turn out fine once they landed.

A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon