TWENTY SEVEN

1.1K 31 17
                                    

" Ouch" bulalas ng babae matapos siyang itulak pabalik sa passenger seat ni Kionne.

"What's your problem?" inis na tanong niya dito habang nagmamadali itong isara ang pang ibabang damit.

"Leave." maikling sagot sa kanya nito.

"What?" halos di makapaniwalang sabi ng babae. Hawak niya sa may dibdib ang damit na hinubad niya.

"I said LEAVE!" nakakagulat na sigaw ni Kionne sa kanya.

Wala ng nagawa ang babae kundi lumabas ng sasakyan habang nakatapis lang sa kanya ang suot na damit.

"YOU'RE A FUCKING ASSHOLE!" sigaw niya pabalik sabay padabog na sara ng pintuan ng sasakyan. Sa labas na ito nakapagbihis at dali daling naglakad palayo.

Ni hindi na tiningnan ni Kionne kung saan nagpunta ang babae. Isa lang ang nasa isip niya ngayon.

He saw her. This time his imagination is not playing with him. She was there looking at him.

Agad siyang bumaba ng sasakyan ng maisara niya ang pantalon. Halos patakbo siyang bumaba sa direksyon kung saan huling nagtama ang mga mata nila.

Hindi lang iisang bar ang nandito. Napapaligiran din ito ng iba't ibang kainan. Kaya di sigurado ni Kionne kung saan ba dapat siya pumunta.

"Fuck. Fuck. Fuck!!" inis na sigaw niya ng di niya na alam kung saan ba dapat siya magpunta.

Nag pass through siya sa mga iilang restaurant para silipin ang loob. Bumalik siya sa inalisang bar pero bigo pa din siya. Wala siyang nakita ni anino nito.

Is his imagination playing with him again?

Hindi na naman ba totoo ang nakita niya kanina?

Ilang taon na ba? Ilang taon na bang pilit niyang kinakalimutan pero di niya magawa? Ilang taon na ba siyang nakakulong sa nakaraang bigla na lang siya iniwan? Hanggang kelan ba siya maghahabol sa isang taong wala naman siyang balak balikan?

Hanggang kailan ba siya aasa na isang araw babalik siya at ipapaliwanag sa kanya ang lahat?

T*NG INA. HANGGANG KAILAN BA TONG KAHIBANGAN NA TO?

Napaupo na lang si Kionne sa isang gutter habang nakatakip ang dalawang kamay niya sa mukha niya.

Ano ba talagang iniintay niya?

Bakit pa ba siya umaasa na isang araw babalik ito?

Explanation.

He wanted to hear her explanation. He's longing to hear her sorry.

He just...

need her.

***********

'I'm home' pinadalang mensahe ni Ayaka kay Charles ng makauwi siya galing sa catch up nilang magkakaibigan.

Inabot na din sila ng midnight dahil sa walang katapusang kwentuhan. Ang daming nangyaring pagbabago sa mga buhay ng kaibigan niya pero nung time na siya na ang hinihingian ng kwento ay wala siya agad nasabi.

"I was a hotel supervisor." tanging nasabi lang ni Ayaka sa mga ito. Hinamay himay niya ang buong limang taon niya sa Amerika. Sinabi lang niya na nag aral siya duon para matutunang maging independent. Iniwan niya sa sarili ang lahat ng tungkol kay Haru. May balak naman siya ipaalam sa mga kaibigan pero hindi pa siguro ngayon.

Walang reply si Charles sa kanya, kaya nagbihis na siya para magpahinga dahil mahaba habang araw na naman ang kakaharapin niya sa opisina bukas.

************

A night with my Cousin's Fiancee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon