CHAPTER 12: Outweigh

343 35 6
                                    

CHAPTER 12: Outweigh

Lance's P.O.V.

Sinabi ko na nga ba! Hindi nga ako nagkamali!

Matapos kong marinig ang pangalan no'ng ungas na 'yon kanina ay agad akong umalis at hinanap siya. Pumunta ako sa building nila pero maski anino niya ay hindi ko nakita. Bagkus ay si Chat ang nakita ko kaya nilapitan ko siya.

"Nasaan si ungas?!" galit na tanong ko sa kaniya. Kita naman sa mukha niya ang pagkagulat.

"Ungas? Si Next ba?"

"Oo! Nasaan siya?!"

"H-Hindi ko alam, eh. Bigla na lang siyang umalis kanina." Pagkatapos ng sinabi niya ay agad na akong umalis. "Lance! Anong nangyari?!" habol na sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon.

Agad akong pumunta sa lugar kung saan posibleng nandoon siya at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko siya sa locker room ng Swimming Club.

"Hoy!" sigaw ko na idinuro pa siya. "Hoy ungas! Anong karapatan mo para pagtripan ako, ha?!" Kinuwelyuhan ko siya!

"So, alam mo na pala?" nakangising sagot niya.

Lalong naningkit ang mga mata ko at mas diniinan ko ang paghawak ko sa kuwelyo niya. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at balak na tanggalin 'yon mula sa pagkakahawak ko sa kuwelyo niya. At ako na ang kusang bumitaw sa kaniya.

"Akala mo ba nakakatuwa 'yon?! Ha?! Alam mo bang naghintay ako ng sobrang tagal do'n! Ha?! Dahil sa kaloko-"

"Akala mo ba nakakatuwa rin na itulak ka sa pool ng walang dahilan?!"

Natigilan ako sa biglang pagsigaw niya. So, gumaganti siya? Gano'n?!

"Kaya gumaganti ka?!"

"Kung 'yon ang tingin mo, e 'di sige! Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nagsimula nito," madiin na wika niya.

Lalo akong nakaramdam ng inis at galit. Bigla niya naman akong hinawakan sa balikat.

"All two..." bulong niya sa may tainga ko.

Tinapik ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko! Saka siya umalis. Naikuyom ko ang dalawa kong kamao. Napapikit pa ako para kontrolin ang galit na gustong sumabog sa loob ko. Hindi ka magpapatalo, huh?! I smirked.

***

"Lance! Saan ka ba nagpunta?" bungad ni Mad sa akin pagkaupo ko sa tabi niya. Nandito na silang dalawa ni King sa next class namin at wala pa ang prof namin.

"Pinuntahan ko si ungas," mahinahon ngunit may bahid ng inis na tugon ko.

"Anong nangyari? May nalaman ka ba?" tanong ni King na siyang nasa tabi naman ni Mad.

"Oo," mabilis kong sagot.

"Ano?" curious na tanong naman ni Mad.

"Siya ang gumawa ng lahat ng 'yon."

"Ha? Paano?" usisa ni King.

Bumuntong-hininga ako. "Gumaganti siya sa akin," madiin na sagot ko.

"Ha? Bakit naman? Bakit ka naman niya ginantihan?" tanong ni Mad.

"Tss. Itinulak ko kasi siya sa pool."

"Ano?!" reaksiyon nila pareho. OA. Parang wala naman silang alam.

"Ano ba?! Kung maka-react naman kayo parang hindi niyo alam kung anong meron sa pagitan namin?"

"Bakit mo naman din kasi ginawa 'yon?" dismayadong komento ni Mad.

1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon