CHAPTER 52: Flashback
— Continuation —
"Pangako po, Lola. Pakakasalan ko po si Suri. Hindi ko po siya iiwan at sasaktan. I'll stay with her no matter what, I promise." Ipinikit ko ang mata ko nang sabihin ko ang mga salitang iyon.
"S-Sigurado ka ba riyan?" Idinilat niya ang mga mata niya at malamlam akong tinitigan.
Tumango ako. "Opo. Tutuparin ko po ang pangakong 'yon. Magpapakasal po kami ni Suri."
"Masaya ako kung gano'n. Ngayon, mapapanatag akong mawawala sa mundo." Kahit na hirap na hirap na siya ay nagawa niya pa ring ngumiti. "G-Gusto ko sana, na dito ka na lang tumira sa bahay namin. Tutal, magiging bahay mo na rin naman 'to kapag kinasal na kayo ng apo ko. Gusto ko rin na masanay na kayong dalawa na kasama ang isa't isa para kapag kasal na kayo ay handa na kayong pareho... Sayang, gusto ko sanang makita ang mga apo ko pero hindi na mangyayari iyon. Alagaan mo sana ang apo ko, Next."
"Don't worry po, aalagaan ko po siya... pati na rin po ang mga magiging anak namin."
"Natutuwa akong marinig 'yan. Paano, magpapahinga muna ako?"
"Sige po."
Lumabas ako ng kuwarto at ilang segundo rin akong natulala. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi lahat ng iyon. Ngunit nakapagbitiw na ako ng pangako ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Next..."
Napatingin ako sa kaliwang bahagi at doon ko lang napansin na nakatayo roon si Suri. Hindi ko siya pinansin at tinalikuran ko siya.
"Next," muli niyang sambit sa pangalan ko kaya napahinto ako. "Narinig ko noon ang pag-uusap ninyo ni Lola. Gusto ni Lola na magpakasal tayo. Hindi mo siya agad sinagot dahil gusto mo pang pag-isipan. Sinabi mo rin na wala kang nobya... pero bakit naglihim ka sa amin?"
Kumunot ang noo ko at humarap sa kaniya. "Anong sinasabi mo?"
"Bakit ka nagsinungaling?"
Mas lalo pa akong naguluhan. "Ano ba talagang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."
"Sinabi mong wala kang nobya... kasi nobyo ang meron ka. Tama ba?" Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakasagot. "You have a boyfriend at Lance ang pangalan niya, 'di ba?"
"T-Teka, paano mo nalaman 'yan?"
"Nakita ko sa phone mo. Nakita ko ang mga pictures ninyong dalawa at ang mga messages ninyo sa isa't isa."
"Ano?! And who do you think you are para pakialaman ang phone ko?!"
"Masisisi mo ba ako? Pakiramdam ko may itinatago ka sa amin ni Lola. At tama nga ako. Nagsinungaling ka, Next! Nagsinungaling ka kay Lola!"
"I'm sorry. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin," I uttered in a low voice.
"Pero hindi na mahalaga 'yon. Ngayon lang ay narinig ko ang pag-uusap ninyo ni Lola at nangako ka sa kaniya. You have no choice but to keep your promise."
My eyes narrowed into slit. "Aminin mo nga sa 'kin, pinlano mo ba 'tong lahat? Sinabi mo ba kay Lola lahat 'yon para mangako ako sa kaniya na pakasalan ka?"
"W-What?! You lied to us and then now you're accusing me that I planned everything?! This is ridiculous! Oo, mga bata pa lang tayo at gusto na kita! Mahal nga kita Next pero hindi ko magagawang gamitin ang lola ko para sa sarili ko! Gusto rin ni Lola 'to! She's dying, Next!" Tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya kaya napayuko ako. Hindi ko alam, masyado akong nadadala ng emosyon ko.
Muli ko siyang tinalikuran at nagsimulang humakbang pero hindi rin iyon natuloy nang muli siyang magsalita. "You have no choice, Next. You have no choice but to end everything you have with him up." Ipinikit ko ang mga mata ko. Masyadong masakit ang sinabi niya. "Gusto rin ni Lola na dito ka na tumira. Wala kang magagawa kundi ang iwan siya..."
BINABASA MO ANG
1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)
RomanceLance Teepakorn. The hot-cutie guy, who's most popular in university and used to be praised for his natural good-looking appearance. One day, a rival came. Next Guntithanon. Lance describes his existence as irksome. The rivalry started when Next bec...