CHAPTER 08: Vexation

356 40 0
                                    

CHAPTER 08: Vexation

Lance's P.O.V.

"Sorry ul—" Natigilan ako no'ng iangat ko ang paningin ko sa taong nakabanggaan ko.

"Ayos lang," nakangiting sambit niya.

"Pasensiya na... kasalanan ko," nakangiting paghingi ko ng paumanhin.

"Hindi. Hindi mo kasalanan. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko," pag-ako niya pa. Pareho lang tayo. Tsk.

Nginitian ko lang siya. "Anyway, Lance nga pala," pakilala ko at inilahad ko sa kaniya ang kamay ko. Bahagya pa siyang natigilan at ilang segundo rin na tinitigan lang ang kamay ko.

"Kilala na kita." Inabot naman niya 'yong kamay ko, "I'm Chat. Nice to meet you," he said at nakipag-shakehands. Siya 'yong kaibigan at palaging kasama ni ungas!

"Nice to meet you, too." Nagbitiw na ang mga kamay namin nang sabihin ko iyan.

"Sige, mauna na ako. See you around," paalam niya. Tinanguan ko lang siya at naglakad na siya palayo. Hinabol ko lang siya ng tingin nang dahan-dahan akong napangisi.

***

Pagkatapos ng class namin ay dumiretso kaming tatlo sa field at nanood ng mga naglalaro doon ng soccer.

"Hoy Lance, okay ka na ba?" biglang tanong ni King sa akin pagkaupo namin sa isa sa mga bench na nandoon.

"Tsk," singhal ko lang.

"Mukhang bad mood pa rin, ah?" mahinang bulong ni Mad. Malamang tungkol na naman 'to sa inaasta ko simula pa kahapon. Tsk! Pinaalala pa!

Napansin kasi nilang pareho na hindi ako masdyadong nagsasalita. Ultimo sa klase ay tahimik lang ako at walang imik. Hindi ko pa rin kasi talaga maiwasan na hindi mainis. Lalo na sa nangyari kahapon! Masama talaga ang loob ko dahil alam kong napahiya ako! Paano kung pinagtatawanan ako ng ungas na 'yon?! Kung bakit ba naman kasi nagkataon pang sila ang naka-room doon?! Bwisit talaga! Napakayabang niya!

BOG!

"Aray!" Napahawak ako sa noo ko na NATAMAAN NG BOLA! Parang umikot ang mundo ko dahil sa sakit na naramdaman ko!

"Sorry—"

"Ano ba?!" Tumayo ako at kinwelyuhan 'yong lalaking nakatama sa akin!

"Sorry—"

"Nananadya ka ba?! Ha?!" galit na sigaw ko sa mukha niya.

"S-Sorry h-hindi ko sinasadya..." nanginginig na sabi niya.

"Hindi mo sinasadya?! Hindi mo sinasadya?!" galit na galit na usal ko at... sinapak ko siya!

"Lance!" sigaw nina Mad at King pero hindi ko sila pinansin.

Natumba siya sa lakas ng pagkakasapak ko sa kaniya. At nakita kong nagtakbuhan palapit sa kaniya ang iba pa niyang mga kasamang naglalaro.

"Hindi mo sinasadya! Ha?!" Akmang susugurin ko sana ulit siya nang bigla akong pigilan nina King.

"Lance! Tama na!" pigil sa 'kin ni Mad na kasalukuyang nakahawak sa kaliwang braso ko. At sa kanang braso ko naman nakahawak si King.

"Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo 'to sinasadya!" sigaw kong muli ro'n sa lalaki na inaalalayang tumayo no'ng mga kasama niya habang itinuturo ko ang kanang bahagi ng noo ko. Sana naman 'wag mag-iwan ng bukol 'yon! Naku! Ang guwapo kong mukha!

"P-Pasensiya na t-talaga—"

"Manahimik ka!"

"Lance!" muling awat sa 'kin nina Mad. Mabilis kong binawi sa kanila ang mga braso ko habang habol-habol ko ang hininga ko. Ngunit, mas lalong kumulo ang dugo ko nang makita ko na naman ang ngising iyon! Si ungas na nakatayo sa hindi kalayuan! Pagkatapos akong ngisian ay umalis!

1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon