CHAPTER 16: Memory

285 30 0
                                    

CHAPTER 16: Memory

King's P.O.V.

Nang magising ako ay agad akong nag-shower. Paglabas ko mula sa banyo ay nakahiga pa rin si Lance. Hindi ko na muna siguro siya gigisingin, tutal maaga pa naman.

Nagbihis ako at hinanda na ang mga gamit ko. Pagkatapos ay tinitigan ko lang siya habang natutulog. Kagabi sobrang nag-alala kami sa kaniya. Mabuti na lang at umuwi rin siya bago mag-curfew. Hindi ko na rin siya nakausap kagabi dahil nakatulog na siya. Habang nakaupo ako sa kama ko ay napansin ko ang paggalaw niya.

"Oh, King. Anong oras na?" tanong niya nang bumangon siya.

"Don't worry. Maaga pa naman."

"Bakit hindi mo 'ko ginising?"

"Bukod sa maaga pa, naisip ko kailangan mo rin ng sapat na tulog."

I heard him sigh. "Sige, magsa-shower na ako." Nang sabihin niya iyon ay kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan. Bakas naman sa mukha niya ang pagka-dismaya bago siya tuluyang nagtungo sa banyo.

Habang hinihintay siyang matapos maligo ay malalim akong nag-isip.

***

"Lance, saan ka pala nagpunta kahapon? Hinanap ka namin ni King pero hindi ka naman namin nakita. Hindi ka rin pumasok sa mga classes mo," usal ni Mad nang makaupo kami sa bench.

"Ahm... Sa rooftop lang."

"Sa rooftop? Bakit ko ba nakalimutan na puntahan ang rooftop. Hays."

"King, anong problema? Kanina ka pa tahimik, ah?" Itinuon naman sa akin ni Mad ang atensiyon niya.

Umiling ako. "Wala naman," tipid na sagot ko lang.

Ang totoo kasi niyan, iniisip ko talaga kung paano ko matutulungan si Lance. Hindi kasi puwedeng laging may hidwaan sa kanila ni Next. Baka mamaya may mapahamak na sa kanila. Bilang kaibigan ni Lance, hindi ko hahayaan na mangyari 'yon.

Lumipas ang oras at nagkahiwa-hiwalay na rin kami at pumunta sa kaniya-kaniya naming classes.

Habang naglalakad ay natanaw ko si Chat...

-

Lance's P.O.V.

Matapos ang ilan sa mga klase ko ay tinext ko sina King at Mad para sabay-sabay kaming mag-lunch. Simula umaga hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin ang text o tawag ni Aranya pero wala. Hindi ko pa rin siya makita sa campus. Ayoko naman siyang puntahan sa building nila dahil baka makita ko si ungas at mamaya magkasama pa sila baka hindi ko rin kayanin.

Nang makarating ako sa cafeteria ay natanaw ko sila agad. Nilapitan ko sila pero hindi ako umupo.

"May problema ba, Lance?" nagtatakang tanong ni Mad.

"Sa labas ng campus na tayo mag-lunch," walang emosyon na turan ko. Hindi naman na sila nagtanong pa at lumabas na lang kami. Hangga't maaari ayoko na muna sana ulit makasalamuha ang taong 'yon.

Pumunta kami sa malapit na restaurant at doon na kumain.

"So, pa'no? Babalik na ba agad tayo ng campus?" tanong ni Mad sa amin paglabas namin mula sa restaurant.

"Mamaya pa naman 'yong klase ko kaya may oras pa tayo," ani King.

"Ikaw ba, Lance?" Tumingin sila sa akin pareho.

"Same. Mamaya pa 'yong class ko," sagot ko.

"Mabuti kung gano'n. Tara mag-mall na muna tayo!" parang batang bulalas ni Mad at nauna nang umalis.

1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon