CHAPTER 49: Unfortunate Me

247 15 1
                                    

CHAPTER 49: Unfortunate Me

Third Person's P.O.V.

Nang buksan nina King at Chat ang pinto ay nagulantang sila sa bumungad sa kanila. Maraming bote ng beer na walang laman ang nakakalat sa sahig habang si Lance ay nakahandusay na animo'y lasing na lasing.

"Eyy, shit!" Hindi makapaniwala si King sa tumambad sa kanila, pero mas nangibabaw sa kaniya ang pag-aalala para sa kaibigan kaya agad niya itong nilapitan. "Eyy, Lance!" Iniluhod niya ang isang tuhod at niyugyog si Lance na siya ring nagising at bumangon habang pumupungay-pungay ang mga mata.

"Are you okay?" agad na tanong ni Chat sa kaniya.

Idinilat ni Lance ang isang mata niya habang dahan-dahan na idinidilat ang isa pa. Medyo magulo pa ang mga buhok nito. Papalit-palit naman niyang tinitigan ang dalawa. "Paano kayo nakapasok?" takang tanong niya.

Nagkatinginan naman ang dalawa at ipinakita ni King ang susi na hawak niya. "We borrowed a spare key from the front desk."

Muli namang napapikit si Lance at naglandas ang mga daliri niya patungo sa sentido niya. Malamang ay masakit ang ulo niya dahil sa dami ng nainom niya.

"Hays. I can't believe you..." Napailing-iling si King habang inililibot ang mga mata sa mga boteng nakakalat. Napayuko lang si Lance at hindi alam ang sasabihin. "Ininom mo 'tong lahat nang mag-isa?" Itinuro ni King ang mga boteng nasa sahig. "Ibang klase ka talaga! Hindi mo man lang kami inimbitahan?! Talagang mag-isa kang uminom? Tch!"

Napa-angat ng tingin si Lance sa kaibigan niya habang si Chat ay nakakunot ang noong sumulyap kay King. Bahagyang tumaas ang itaas na sulok ng labi ni Lance. Masyado siyang nabalot ng lungkot kaya mas pinili niyang mag-isa ng buong gabi.

"Teka, paano mo nadala lahat ng 'to rito?" takang tanong ni King.

Inalala naman ni Lance noong gabing lumabas siya para bumili ng mga alak. Abala ang guard kaya naman hindi na nito napansin ang pagpasok ni Lance habang dala ang mga beer.

Biglang may kumatok sa pinto kaya nagkatinginan silang tatlo. "May inaasahan ka bang bisita?" Chat asked.

Mabilis na umiling si Lance. "Wala."

"Kung gano'n, sino 'yan?"

"Ewan. Imposible rin namang siya 'yan..." bulong ni Lance na marahil ay ang tinutukoy ay si Next.

"Anong araw ngayon?" biglang tanong ni King sa kanila.

"Sunday. Last week of the month," Chat answered.

"Shit!" King chided as if he remembered something. "Baka 'yong supervisor 'yan!"

"Supervisor?" Lance creased his forehead.

"For room inspection..." sambit ni King. Biglang nanlaki ang mga mata ng tatlo nang ma-realize nila na baka nga ang supervisor ang nasa labas na siyang kumakatok sa pinto. The supervisor is conducting unannounce room inspection once in a month, but it happens every last week of the month.

"Darn!" mura ni Lance at mabilis silang tatlo na kumilos para ligpitin ang mga boteng nakakalat.

"Go! Fix yourself!" utos ni King kay Lance at itinuro ang pinto ng banyo. Mabilis namang gumalaw si Lance patungo roon.

Inayos ni Lance ang sarili niya; naghilamos, nagmumog, at hinubad ang suot na damit upang maalis sa katawan niya ang amoy ng alak. Sina King at Chat naman ay inilagay sa isang kahon ang mga bote na siyang itinago ni Chat sa ilalim ng kama. Habang abala sila sa paglilinis at pag-aayos ay mas lumakas ang katok sa pinto.

Nang masigurong malinis na ang sahig ay binuksan ni King ang pinto. Tumambad sa kanila ang isang lalaking nakakunot ang noo. Walang pasintabi itong pumasok sa loob at inilibot ang tingin sa buong kuwarto.

1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon