CHAPTER 26: Past Trauma

261 17 0
                                    

CHAPTER 26: Past Trauma

Lance's P.O.V.

After ng mga nalaman ko kanina tungkol sa mga keychains na iyon ay mas lalo lang akong nakaramdam ng guilt. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit gano'n na lamang siya kagalit no'ng time na nawala ang isang keychain niya.

Pero kasalanan ko ba iyon? Hays.

Pumasok ako sa loob ng dorm at nadatnan ko siyang nasa study table niya. Nakatungo at nakapikit ang mga mata. Natutulog yata.

Tinanggal ko mula sa pagkakasukbit ang bag ko sa isang balikat ko at inilapag iyon sa study table at umupo roon. I looked at him at hindi ko naiwasan na hindi siya pagmasdan. Itinukod ko ang braso ko sa mesa at saka ipinatong ko ang ulo ko habang nakatitig pa rin ako sa mukha niya. He looks peaceful at hindi nga maikakaila na guwapo nga siya. Mukha rin siyang mabait kapag natutulog.

Kung sana lang natuloy ang pagtatapat ko noon kay Aranya baka sakaling hindi ako nagalit sa kaniya at hindi siya ang sinisi ko. Pero mayabang din naman siya at isa iyon sa nakakainis.

Bigla akong napapitlag nang dumilat ang mga mata niya. Agad kong iniwas ang paningin ko at umayos ng upo sa puwesto ko.

"Nandito ka na pala," sabi niya.

"Uhm," I just answered without looking at him.

"Kumain ka na ba?" he asked in a sleepy tone.

"Uh... Oo. Kumain na ako bago umuwi."

"Okay." Bigla siyang tumayo at lumabas ng pinto kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Kinuha ko rin ang pagkakataon na iyon para kunin sa loob ng drawer iyong keychain niya.

Paano ko ba ito ibabalik sa kaniya?

Tumayo ako at nagpalakad-lakad sa kuwarto habang iniisip kung paano ko ibabalik sa kaniya itong keychain niya. Kapag nalaman niyang nasa akin lang pala ito all these times ay natural magagalit siya at malalaman niyang ako ang gumulo sa mga gamit niya noon.

"Hayst! Ano bang gagawin ko?!" Napasabunot ako ng buhok habang palakad-lakad pa rin.

Hindi ako mapakali. Hindi rin ako makapag-isip. Malay ko ba kasi na sobrang importante pala sa kaniya ng keychain na ito? Hindi ko naman alam na may sentimental value ito dahil ang akala ko collection lang niya ang mga iyon.

Mayamaya lang ay biglang bumukas ang pinto kaya naman dagli kong ipinasok sa bulsa ng pants ko ang kamay ko na may hawak ng keychain niya.

"Anong problema? Ayos ka lang?" tanong niya. Magkatapat kami ngayon at hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko.

"Ahm..."

"Is there something you want to say?" he asked kaya naman humugot ako ng buntong-hininga.

Naguguluhan ang utak ko ngayon. Nagtatalo ito kung dapat ko bang ibalik o hindi. Puwede ko naman kasing hindi na lang ito ibalik dahil kapag ibinalik ko 'to sa kaniya ay paniguradong magagalit siya. Kaso mahalaga ito sa kaniya. Hays. Bahala na nga!

"Ahm... May gusto sana akong isuli sa 'yo," panimula ko.

"Ano 'yon?"

Sandali pa akong nag-isip bago ko hinawakan nang mabuti ang keychain sa loob ng bulsa ko. I took off my hand from my pocket and extended it to him.

"Ano 'yan?" usisa niya habang nakatingin lang sa kamay ko.

I opened my fist at ipinakita sa kaniya ang hawak ko. Bakas ang pagkagulat at pagkatuwa sa mukha niya nang makita niya ang hawak ko.

1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon