CHAPTER 07: Neighbour
Lance's P.O.V.
Saturday ngayon at wala kaming pasok. Kaya naisip namin ni King na lumabas para bumili ng makakain dahil balak namin na doon muna kami kina Mad mag-stay.
"Lance. Siya nga pala, tingin ko naka-dorm din sila sa building natin," biglang saad ni King habang kumukuha kami ng mga groceries.
"Huh? Sino naman 'yang tinutukoy mo?" walang lingon-lingon na tanong ko habang kumukuha ako ng mga chips.
"Eh di, sino pa ba? Eh di, 'yong dalawang bagong transferee sa school."
Bahagya akong natigilan at salubong ang kilay na tumingin sa kaniya. "Ano? 'yong ungas na 'yon?!" medyo malakas na tanong ko.
"Oo. Nakita ko kasi sila kahapon sa may building. But I'm not sure kung saan sila naka-room."
"Tsk! 'Wag ko lang sana silang makita!"
"I think... sakto na 'to," sabi niya habang nakatingin sa laman ng cart namin. "Tara. Bayaran na natin 'to."
Pumunta na kami sa counter at nagbayad. Mayamaya lang ay nakarating na kami sa bahay ni Mad. Oo. Bahay niya lang. Siya lang naman kasi ang nakatira ro'n. 'Yong parents niya ay nasa ibang bansa kaya mag-isa lang siya rito.
Pinagbuksan niya kami ng pinto at pinapasok. "Akala ko hindi na kayo darating," salubong niya sa amin.
"Puwede ba 'yon?" tugon ko lang sa kaniya. Pumunta kami sa sala at inilagay namin ni King sa mini table 'yong mga pinamili namin.
Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming mag-aral. Dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit pumupunta kami ni King dito sa bahay ni Mad kapag weekends. Minsan naman kapag gusto lang talaga naming mag-stay which is ayos lang naman kay Mad.
"By the way, mamaya nga pala kailangan kong umuwi sa amin. Namiss na raw kasi ako ni Mommy kaya dadalaw muna ako," usal ni King na kasalukuyang nagsusulat habang nasa study table siya. Kasalukuyan kaming nandito sa kuwarto ni Mad.
"Pero madalas ka namang dumalaw sa inyo, ah? Namiss ka nila kaagad?" sabat ni Mad na nakahiga sa sofa.
"Gano'n talaga. Mahal ako ng pamilya ko, eh," proud na ani ni King.
"Eh, ikaw Lance? Anong plano mo?" baling naman sa akin ni Mad.
"Ha? Anong... Anong plano?" kunwaring tanong ko habang nakahiga ako sa kama at nakatuon lang ang pansin sa libro na hawak ko.
"Kung aalis ka rin ba para dumalaw sa family mo?"
"Tss. Wala akong plano."
"Kung gusto mo puwede ka namang mag-overnight dito sa bahay ko. Ayos lang naman sa akin 'yon," suhestiyon ni Mad.
"Hindi na. Doon na lang ako sa dorm. Baka mamaya gapangin mo pa ako eh," pabirong tugon ko.
"Hoy! Ano naman ang tingin mo sa akin ha?! Bakla?!" singhal niya.
"Ikaw nagsabi niyan."
"Tss. Asa ka naman na gagapangin kita! Babae type ko, 'no! Kadiri ka! Yuckk!"
"HAHAHAHA!" Natawa lang si King sa aming dalawa kaya nakitawa na lang din ako dahil sa reaksiyon ni Mad. Sininghalan pa muna ako ni Mad bago kami tumuloy sa mga ginagawa namin.
Hanggang sa sumapit ang hapon at kailangan na naming umalis ni King para bumalik sa dorm. Kumuha siya ng mga ilang gamit niya at nagpaalam na siya sa akin.
"Hayy." Bagsak ang balikat na umupo ako sa kama ko. "Mag-isa na naman ako." Humiga ako sa kama ko hanggang sa hindi ko namalayan na gabi na pala. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng kuwarto. Napatingin naman ako sa pinto na kasunod namin na siyang kasasara lang.
BINABASA MO ANG
1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)
RomanceLance Teepakorn. The hot-cutie guy, who's most popular in university and used to be praised for his natural good-looking appearance. One day, a rival came. Next Guntithanon. Lance describes his existence as irksome. The rivalry started when Next bec...