CHAPTER 47: Leaving

256 16 1
                                    

CHAPTER 47: Leaving

Lance's P.O.V.

Tulad ng inaasahan ay nagising ako ng umaga na wala na siya sa kama niya. Bumangon ako, nag-shower, at pumasok na ng school. Tulad ng palagi kong ginagawa ay chine-check ko ang phone ko nang madalas to see kung may message na ba siya. Pero lagi rin akong bigo dahil sa hindi niya pagpaparamdam.

Buong araw na siya ang iniisip ko. Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala para sa kaniya. Hindi ko rin maiwasan na hindi ma-guilty dahil sa sinabi niya kagabi. Pero mali bang magtanong? Gusto ko lang naman malaman ang totoo dahil pakiramdam ko ay may itinatago siya sa akin.

Ayoko ng ganitong pakiramdam. Bago sa akin ang ganitong pakiramdam at hindi ko ito nagugustuhan. Sana naman kung ano man ang problema niya ay matapos na. Kung ayaw niyang sabihin, naiintindihan ko iyon. Pero sana naman isipin niya rin ang nararamdaman ko. Sana naiisip niya rin na boyfriend niya pa rin ako.

"Lance, okay ka lang?" tanong ni Aira na siyang nakaupo sa tapat ko rito sa wooden bench.

Tumango lang ako sa kaniya. "Uhm." Mag-isa lang ako kanina dito pero sinamahan niya ako nang makita niya ako.

"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?" Alam kong si Next ang tinutukoy niya kaya bahagyang nanikip ang dibdib ko nang maalala ko ang nangyari kagabi.

"Nag-usap kami kagabi, kaya lang..." Humugot ako ng malalim na buntong-hininga, "... Hindi naging maganda ang pag-uusap namin na 'yon."

"Baka dahil lang 'yon sa problema niya. Intindihin mo na lang siya. Pero sa totoo lang, iniisip ko kung ano bang emergency ang tinutukoy niya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakausap ko kasi si Tita Alice, tita siya ni Next at siya na ang naging pamilya niya. Pero ayos lang naman siya at wala siyang nabanggit na kahit ano na may kinalaman kay Next... That's why, I wonder what's that emergency he's talking about."

Hindi ako nakaimik at pilit ina-absorb ang mga sinabi niya. Gusto ko sana itanong kung kilala niya ang babaeng 'yon pero hindi ko talaga magawang banggitin sa kanila ang tungkol do'n.

"By the way, mauna na ako, ha? Pupuntahan ko lang si Mad," paalam niya nang tingnan niya ang cellphone niya na biglang tumunog.

Tumango ako sa kaniya. "Sige."

Inayos niya ang mga gamit niya at umalis. Naiwan naman akong tulala sa kinauupuan ko. Dahil sa mga sinabi niya, lalo tuloy dumami ang mga tanong sa isip ko, muli ring nabuhay ang pagdududa ko na siyang inalis ko na noon.

Is it possible that he's lying?

Is there really an emergency?

Anong emergency naman 'yon?

Bakit hindi niya sinasabi sa akin o kahit sa mga kaibigan niya?

Ano ba talagang pinagkakaabalahan niya?

Saan ka ba talaga abala, Next?

LUMIPAS ang ilan pang mga araw na hindi na naman kami nagkausap o nagkita man lang. Wala rin akong ideya kung umuuwi ba siya ng gabi o hindi. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Galit ba siya? Ano ba talaga ang problema niya? At ano ba talaga ang emergency na sinasabi niya?

Pagkagaling sa school ay dumiretso na ako sa dorm. Walang buhay na umupo ako sa sahig habang nakasandal ang likod ko sa edge ng kama. Hawak ang cellphone at iniisip kung ime-message ko ba siya. Sa huli ay ang mga daliri ko ang kusang nag-desisyon.

To: 1-4-3 N<3
Aren't you going home?
1-4-3
I miss you, Next.

Matapos kong ma-send ang message ay bigla na lamang tumulo ang mga luha ko. Miss na miss ko na siya sobra...

1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon