CHAPTER 13: Weakness
Lance's P.O.V.
Pumunta ako ng grocery store para mamili. Magluluto kasi ako sa bahay ni Mad. May group study kaming tatlo doon sa bahay niya at doon na rin kami mag-o-overnight. Nilagay ko sa cart ang mga pinamili ko at pumunta naman ako sa noodles section. Dumampot ako ng noodles pero may kasabay rin akong dumampot no'n. Nilingon ko 'yong taong nakasabay ko sa pagkuha non at bahagya pa akong nagulat.
"Oh, Lance!" gulat niyang sambit. "Nandito ka rin pala?"
"Oo." Binitawan ko 'yong noodles na pareho naming nahawakan at kumuha na lang ako ng iba.
"Magluluto ka?" tanong niya nang dumako ang tingin niya sa cart ko.
"Oo," tipid kong sagot.
"'Di ba, hindi puwedeng magluto sa dorm?"
"Ahh. Hindi ako sa dorm magluluto. Doon ako sa bahay ni Mad. May group study kasi kami ro'n, eh. Doon na rin kami mag-o-overnight," paliwanag ko.
"Ahh. Gano'n ba?"
"Teka, 'di ba mahilig ka rin magluto?" tanong ko at tumango naman siya. "Kung gano'n, ano pala 'yong madalas mong lutuin?" usisa ko sa kaniya.
"Madalas kong lutuin 'yong Pad Thai."
"Pad Thai? Pareho pala tayo! Paborito ko kasi 'yon, eh," natutuwang saad ko. What a coincidence.
"Talaga? Wow!" Bakas sa mukha niya na hindi rin siya makapaniwala.
"Pero bakit Pad Thai?" tanong ko.
"Paborito kasi 'yon ni Next."
Sandali akong natigilan. Tss. Si ungas na naman.
"Paborito niya 'yon. Kaya ipinagluluto ko siya no'n," dagdag pa niya. Gano'n nga siguro sila ka-close sa isa't isa para ipagluto niya ang ungas na 'yon.
"Masarap naman kasi talaga ang Pad Thai. Lalo na 'yong may peanut."
"Pero, walang halong peanut 'yong niluluto ko." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman?" nagtatakang usisa ko.
"Allergic kasi si Next sa peanut."
Allergic siya sa peanut?
"Bukas gagawan ko siya. Uuwi kasi ako sa amin."
"Ahh. Gano'n ba?..." Kumuha ako ng mga kailangan at gusto ko at inilagay 'yon sa cart ko. Gano'n din naman siya. Ibinaling ko ang mukha ko sa ibang direksiyon at palihim na ngumisi...
***
Pagdating ko sa bahay ni Mad ay sinalubong agad nila ako. Kinuha nila 'yong dala-dala ko at umupo ako sa sofa.
"Oh, anong meron? Bakit mukha yatang may iniisip ka na naman?" Umupo si King sa single sofa na nasa tapat ko.
Ngumiti ako sa kaniya. "Iniisip? Hmm, tama ka may iniisip nga ako."
"Ano naman 'yon? Puwede ko bang malaman?"
"Huwag na. 'Wag kang tsismoso."
"Tss. Ang damot mo!" singhal niya. Natawa lang ako sa kaniya at humiga ako sa sofa.
-
Third Person's P.O.V.
Nasa klase sina Lance at ang mga kaibigan niya at taimtim lang na nakikinig. Hanggang sa matapos ang klase. Samantalang sina Chat at Next ay pumunta sa isang café na malapit lang sa campus.
-
Next's P.O.V.
Umupo kami ni Chat sa bakanteng table. Inilabas ni Chat 'yong dala niyang Pad Thai na para sa akin. Nakaramdam naman ako ng excitement dahil ngayon ko na lang ulit 'yon matitikman. Bata pa lang kasi ako ay favorite ko na talaga ang Pad Thai. Si Mommy ang gumagawa no'n para sa akin noon. Pero si Chat na ang gumagawa sa akin niyan ngayon.
BINABASA MO ANG
1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)
RomanceLance Teepakorn. The hot-cutie guy, who's most popular in university and used to be praised for his natural good-looking appearance. One day, a rival came. Next Guntithanon. Lance describes his existence as irksome. The rivalry started when Next bec...