CHAPTER 40: You Complete Me
Lance's P.O.V.
Magkakasama kaming lima nina Aira, Mad, Chat, Next, at ako sa iisang mesa dito sa cafeteria habang kumakain. Madalas din kaming magkuwentuhan at magtawanan. Okay na sina Next at Chat dahil nagkausap na silang dalawa. Natutuwa ako dahil ngayon ay balik na sila sa dati.
Napalingon ako sa katabi kong si Next nang hawakan niya ang kamay ko na siyang nasa hita ko. Ngumiti lang siya sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko.
"Hays. Mabuti naman at maayos na kayong dalawa. Noon palagi kaming nag-aalala ni King kung ano ang mangyayari sa inyo," naiiling-iling na wika ni Mad habang nakatingin sa amin ni Next. Oo nga pala, wala pa silang alam tungkol sa relasyon namin.
"Speaking of King... where is he?" tanong ko nang ma-realize kong hindi namin siya kasama. Hindi ko na rin siya madalas na nakikita.
Mad shrugged. "Ewan ko. Baka kasama ni Oab."
"Oab? Bakit naman sila magkasama?" usisa ko, dahil ang alam ko ay hindi naman sila close.
"Iyan nga rin ang tanong ko. Masyado siyang abala pero minsan nakikita ko siyang kasama niya si Oab," tugon niya.
"Hindi ba si King 'yon?" Napatingin kami kay Aira nang magsalita siya. Dumako naman ang mga mata namin sa direksiyon kung saan siya nakatingin. Nakita namin si King na kakapasok lang ng cafeteria habang palinga-linga na animo'y may hinahanap.
"King!" Itinaas ni Mad ang isang kamay niya para kunin ang atensiyon ni King. Hindi naman siya nabigo dahil agad niya kaming nakita at patakbo siyang nagtungo sa kinaroroonan namin.
"Lance... Si Aranya!" unang sambit niya nang makalapit na siya sa amin.
"Anong nangyari kay Aranya?" Agad akong napatayo kaya naman nabitawan ko ang kamay ni Next.
"Galing siyang faculty room. Nakausap ko siya at... paalis na siya," he declared while gasping.
"Paalis? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
"Lance, lilipat na siya ng school."
Nakaramdam ako ng panlulumo sa narinig. Ano bang iniisip ni Aranya? Bakit siya aalis? Bakit siya lilipat?
"Nasaan siya ngayon?"
"I think, paalis na siya—"
Hindi ko na pinatapos pa si King at walang pagdadalawang-isip akong kumaripas ng takbo para hanapin si Aranya. Hindi ko pa siya nakakausap, at hindi ako makakapayag na hindi kami mag-usap lalo na at alam kong maaaring ako ang dahilan kung bakit siya aalis.
-
Aranya's P.O.V.
Mabigat ang mga paa na naglalakad ako palabas ng university. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, dahil ito na ang huling beses na makikita ko ang school na 'to. Alam kong ang tanga ko dahil nakinig ako sa payo ni Aira na lumipat ng school. Pero tama kasi ang sinabi niya. Baka hindi ko kayanin ang kahihiyan na puwede kong pagdaanan sa oras na kumalat ang tsismis.
Isa pang dahilan kaya nag-decide akong lumipat na lang ay dahil hindi ko kaya ang sakit...
Nang makita ko si Lance at Next kahapon habang magkadikit ang mga labi ay para bang may tumusok sa puso ko. Hindi ko lang basta gusto si Lance, dahil mahal ko na siya. Noon pa iyon na ang nararamdaman ko sa kaniya, wala lang akong lakas ng loob na umamin.
Mamimiss ko ang school na 'to... Mamimiss ko rin siya...
"Aranya!"
Natigilan ako at agad napalingon sa likuran nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko si Lance na tumatakbo palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)
Storie d'amoreLance Teepakorn. The hot-cutie guy, who's most popular in university and used to be praised for his natural good-looking appearance. One day, a rival came. Next Guntithanon. Lance describes his existence as irksome. The rivalry started when Next bec...