CHAPTER 37: Assume

259 20 0
                                    

CHAPTER 37: Assume

Lance's P.O.V.

"Bakit kayo magkasama?" salubong na tanong ni Next pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng kuwarto. Nakaupo siya sa upuan, naka-krus ang mga braso at nakade-kuwatro habang seryosong nakatingin sa akin. Cool.

"Si Chat ba ang tinutukoy mo?" Inilapag ko ang bag ko sa study table at pasandal na umupo roon.

"Sino pa nga ba?"

"Ano namang masama ro'n kung magkasama kami? Isa pa, kaibigan mo naman siya, 'di ba?"

"Ayokong kasama mo siya—"

"Bakit naman? Nagtanong lang naman ako sa kaniya kung anong problema ninyong dalawa."

Natigilan siya. "At a-ano naman ang sinabi niya?" mausisang tanong niya.

Humugot ako ng buntong-hininga bago sumagot, "Ang sabi niya lang may misunderstanding lang kayo at ayaw mo raw siyang kausapin. Teka nga, bakit ba ayaw mo siyang kausapin? Ano bang nangyari? May kasalanan ba siya sa 'yo?"

"Huwag ka nang magtanong." Tumayo siya at pumunta sa harapan ko. "Basta ayokong makita na kasama mo siya," seryosong wika niya sa harap ko.

Ngumisi ako at inilapit ang mukha ko sa kaniya. "Bakit? Nagseselos ka ba?" mapanghamon na tanong ko.

Natigilan siya at hindi nakasagot agad. "H-Hindi! H-Hindi gano'n 'yon," depensa niya.

"Talaga? Eh, bakit ka nauutal?" I asked while chuckling.

"Lance!" Sinamaan niya ako ng tingin habang may pagbabanta sa boses niya.

"Ikaw nga kasama mo si Aira. Tss," saad ko at tumingin sa ibang direksiyon.

"Teka..." sambit niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Baka naman ikaw talaga 'tong nagseselos?" Lumitaw ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

"Ano? Ako magseselos?" Itinuro ko pa ang sarili ko. Tumango-tango naman siya. "Bakit naman ako magseselos? Ha?"

He shrugged. "Aba malay ko sa 'yo. Bakit nga ba?" makahulugan na tanong niya kaya pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Tss. Ewan ko sa 'yo." Marahan ko siyang itinulak at umalis ako mula sa pagkakasandal ko sa study table.

I undone the buttons of my shirts then I sat down on my bed. I took off my shirt when I noticed how Next stared at my body like he used to. I don't know if he's just too amazed with my body or there's a lust in him towards me.

"Naiinggit ka ba sa katawan ko?" I asked as I raised my brows.

"Bakit naman ako maiinggit?"

"Baka kasi mas maganda ang katawan ko kesa sa 'yo."

"Not really."

"O baka naman may pagnanasa ka sa 'kin?" I asked smirking. But the smirk on my face fades in an instant when he grimaced and walked towards me. "A-Anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong habang patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin.

"Bakit? Kinakabahan ka ba?" tanong niya at muling tinitigan ang katawan ko. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig niya kaya naman tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang dalawang braso ko na pinag-krus ko.

"Nakakatawa ka talaga minsan, Lance." He chuckled and he lied down to my bed.

"Do I look like a clown?" inis na tanong ko. Siraulo 'to, ah.

"Maybe?" he said unsure and then started to giggle again. "Puwede bang tanggalin mo 'yang kamay mo sa dibdib mo, mukha kang ewan." Nang sabihin niya iyon ay nagsimula na naman siyang tumawa.

1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon