CHAPTER 09: Swimming Club
Lance's P.O.V.
Dinig na dinig ko ang pagbuntong-hininga ni King. At alam ko na hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman kung ano bang nangyari kahapon.
I sighed before I spoke, "Kahapon... haist," nag-aalangan na pagsisimula ko. Kailangan ko pa ba talagang sabihin? "Tsk. Nag-soundtrip ako tapos bigla nalang siyang sumugod dito! At sinabi na naaabala ko raw sila! Nainis ako! Dahil napahiya ako ro'n!"
"Nag-soundtrip ka?"
"Oo. Wala namang masama ro'n! Kasi palagi naman nating ginagawa 'yon! At alam ko na sinasadya lang 'yon ng ungas na 'yon para inisin ako! Hayst!"
"Lance, ang sabi ko naman kasi sa 'yo may nakatira na sa kabilang kuwarto, 'di ba? Malay mo naabala mo talaga sila."
"Tch! Kahit na! Naiinis pa rin ako!"
"Lance. Kaya ka ganyan dahil galit ka sa kaniya."
Sobra! Galit ako sa kaniya! Hindi na ako muling umimik pa at humiga na lang sa kama ko.
"Lance. Hindi ka pa kumakain," sabi niya pa.
"Wala akong gana," nasabi ko na lang at ipinikit ko ang mga mata ko.
PAGGISING KO ay agad akong bumangon. Sinulyapan ko muna si King na mahimbing ang tulog sa kama niya bago ako nag-shower. Tiningnan ko pa sa salamin ang mukha ko lalo na 'yong noo ko na medyo namumula pa rin. Para hindi mahalata ay tinakpan ko iyon ng bangs ko. Paglabas ko ng banyo ay natutulog pa rin si King. Sabagay, maaga pa naman talaga. Nauna pa akong magising bago tumunog ang alarm.
Nagbihis na ako at kinuha ang bag ko saka maingat na lumabas ng kuwarto. Paglabas ko ay hindi ko na nilingon pa ang kabilang pinto dahil baka mainis lang ako kaya bumaba na lang agad ako. Pagdating ko sa campus ay nagtilian na naman ang mga babaeng nakakita sa akin. Kung nalaman na nila 'yong ginawa ko kahapon... Bakit parang walang nangyari? Gano'n pa rin sila kung makatili sa akin. Mga fans ko nga talaga sila. Ang ine-expect ko pa naman ay puro judgements ang maririnig ko patungkol sa ginawa ko kahapon.
Nakaramdam ako ng gutom kaya dumiretso ako sa cafeteria. Um-order ako ng pagkain at namili ng puwesto kung saan ako uupo nang may napansin ako... Lumapit ako sa table na 'yon na dala ang pagkain na in-order ko.
"Okay lang ba kung... makiki-join ako?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Bahagyang namilog ang mga mata niya at hindi agad nakaimik. "Okay lang ba?" tanong ko pa ulit. Kita ko ang paglunok niya bago siya tumango. Ngumiti ako sa kaniya at umupo ako sa harap niya. "Wala kang kasama?" tanong ko nang mapansin kong mag-isa lang siya.
"Wala," tipid na sagot niya.
"I see," I said while nodding at him.
"By the way, saang club ka nga pala sasali?" biglang tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"S-Sa Cooking Club," sagot niya na hindi man lang makatingin sa akin. Ramdam ko ang pagkailang niya.
"Cooking club? It means, mahilig kang magluto?"
"Oo. Eh, ikaw? Saang club ka naman sasali?"
Sandali akong napaisip sa tanong niya.
***
"Lance! Ang aga mo namang umalis kanina," bungad ni King sa akin pagkaupo niya sa tabi ko.
"Oo. Maaga kasi akong nagising, eh."
"Hindi mo na naman ako ginising," parang nagtatampong usal niya.
"Hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo. Ayokong maabala ka pa."
BINABASA MO ANG
1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)
RomanceLance Teepakorn. The hot-cutie guy, who's most popular in university and used to be praised for his natural good-looking appearance. One day, a rival came. Next Guntithanon. Lance describes his existence as irksome. The rivalry started when Next bec...