CHAPTER 45: Doubt

232 16 0
                                    

CHAPTER 45: Doubt

Lance's P.O.V.

Nagising ako ng umaga na wala na siya sa kama niya. Chineck ko siya sa shower room pero wala rin siya. Imposible rin naman na nauna na siyang pumasok sa school, dahil simula nang maging kaming dalawa ay palagi kaming sabay kung pumasok. Pero baka nga nauna lang siya dahil ayaw niya akong istorbohin sa pagtulog.

Naligo na ako at naghanda na sa pagpasok. Pagdating ko ng school ay hindi ko rin naman siya nakita. Hanggang sa natapos ang ilang mga klase ko. Lunch time na pero maski anino niya ay hindi ko man lang nasulyapan. Wala ring text na mula sa kaniya. Kaya nagpunta ako sa canteen nang mag-isa.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na hindi i-check ang phone ko kung may message na ba siya, ngunit kahit isa ay wala man lang akong natatanggap.

"Can I join you?" Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Chat na may hawak na tray ng pagkain niya. I just nod at him as a response. Umupo siya sa tapat ko at nagsimula na ring kumain.

"Siya nga pala, hindi mo ba nakita si Next?," tanong ko sa kaniya habang sumusubo ng pagkain. "Hindi ko pa kasi siya nakikita simula pa kanina."

Nilunok niya muna ang kinakain niya bago siya nagsalita, "Hindi mo ba alam? Hindi siya pumasok ngayon."

Natigil ako sa pagnguya dahil sa sinabi niya. "Sigurado ka ba riyan?"

Tumango siya. "Uhm. Hindi siya um-attend sa mga classes namin, kaya malamang ay hindi talaga siya pumasok. Akala ko alam mo dahil mag-isa ka lang dito."

"Wala siyang nasabi sa akin na kahit ano, eh. Basta paggising ko, wala na siya. Ang akala ko nauna na siyang pumasok."

"Well, baka naman may pinuntahan lang." Nagsimula na siya ulit kumain habang ako ay nakatitig lang sa kaniya.

"Baka nga," sang-ayon ko kahit na ang totoo ay iba na ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Hindi ko alam kung bakit wala man lang sinabi si Next na hindi siya papasok ngayon at kung may pupuntahan siya.

At nandito na naman ako sa puntong iniisip na baka may kinalaman dito ang babaeng iyon. Pero baka nga tama si Chat na may pinuntahan lang siya.

After ng class ay agad akong umuwi sa dorm dahil baka nakauwi na siya. Gayo'n pa man ay wala akong nadatnan. Nasaan kaya siya? Bakit hanggang ngayon wala pa siya?

Umidlip ako sandali bago ako nag-shower. At mayamaya lang ay dumating na rin siya.

"Saan ka galing? Hindi ka raw pumasok?" bungad na tanong ko.

"May emergency lang," walang buhay na tugon niya. Gusto ko sanang itanong kung anong klaseng emergency iyon at kung sino ang kasama niya pero hindi ko na ginawa. "Kumain ka na ba?" tanong niya matapos niyang magbihis.

"Not yet."

"Sabay na tayong kumain."

Sabay kaming kumain sa labas tulad ng palagi naming ginagawa. But unlike before, he was too silent. Hindi man lang siya nagsalita hanggang sa natapos kaming kumain. Bumalik kami ng dorm na gano'n pa rin siya—tahimik at parang may malalim na iniisip.

"Anong problema?" I can't help but ask. Hindi kasi ako sanay na ganyan siya.

"Nothing," tipid niyang sagot na tulad kanina ay wala pa ring buhay ang boses niya.

"Kapag may problema ka, puwede mong sabihin sa akin," hayag ko sa kaniya. Baka may kinalaman dito iyong emergency na sinasabi niya.

"Ayos lang ako. Matulog na tayo." Nauna na siyang nahiga sa kama kaya humiga na rin ako sa tabi niya. Ipinikit niya ang mga mata niya at niyakap niya ang bewang ko.

1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon