CHAPTER 21: Uncomfortable
Lance's P.O.V.
"Ano bang ginagawa mo riyan?" tanong ni ungas habang nakaupo siya sa kama niya. Hindi ko naman siya pinansin at patuloy ko lang idinidikit ang tenga ko sa pader upang marinig ko ang kabilang kuwarto.
"Hindi ko alam na tsismoso ka rin pala."
Biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. "Anong sinabi mo?" Inis na hinarap ko siya. Seryoso naman niya akong tiningnan.
"Ang sabi ko tsismoso ka rin pala."
Aba't talagang inulit pa!
"Hindi ako tsismoso!" singhal ko sa kaniya.
"Talaga? Kung gano'n, ano 'yang ginagawa mo? Hindi ba pagiging tsismoso 'yan?"
I creased my forehead. "Chine-check ko lang ang kaibigan ko. Baka mamaya kung ano na ang nangyayari sa kanila!"
"At ano naman ang tingin mong mangyayari sa kanila?"
Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya dahil para bang may ibang kahulugan 'yon. Hayst!
"Malay ko ba baka kung anong gawin niyang kaibigan mo sa kaibigan ko," anas ko.
"Ang kaibigan ko pa talaga ang may gagawin sa kaibigan mo? Baka nakakalimutan mo, kaibigan mo ang may gusto sa kaibigan ko, at baka nga 'yang kaibigan mo ang may gawin sa kaibigan ko."
"Hindi gano'n si King!" depensa ko naman.
"At mas lalong hindi gano'n si Chat."
"Malay ko ba kung anong sinabi mo sa kaibigan mo o kung anong pinagawa mo sa kaniya para saktan ang kaibigan ko para gantihan ako."
"Ano?" Kumunot naman ang noo niya. "Do you think gagawin ko 'yon? Hoy, Lance! Kung galit ako sa isang tao hindi ako mandadamay ng iba para lang makaganti!"
I smirked at him. "Really? Pero dinamay mo si Aranya at muntikan pang may mag-suicide nang dahil sa 'yo," sarkastikong wika ko.
Bigla naman siyang natahimik at hindi nakaimik sa sinabi ko. Tama naman ako kaya dapat lang na manahimik siya. Humiga na siya sa kama niya at tumagilid kaya likod niya lang ang nakikita ko.
"Hindi naman ako ang nagsimula nito," rinig kong bulong niya.
Bigla naman akong nakaramdam ng kung ano sa loob ko. Teka... nagi-guilty ba ako? Hindi dapat ako makaramdam ng ganito dahil siya talaga ang nagsimula nito!
Humiga na rin ako sa kama ko at ginawa kong unan ang braso ko habang nakatitig lang sa kisame. Hindi ako komportable na ibang tao ang kasama ko rito sa dorm. Nasanay na ako na si King ang kasama ko. Lalo na at itong ungas pa na 'to ang nandito. Kung hindi lang talaga dahil kay King, hindi talaga ako papayag na makasama 'tong ungas na 'to sa iisang kuwarto.
Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi naman ako makatulog. Hindi ko alam pero hindi talaga ako komportable. Pakiramdam ko may gagawin siya sa akin lalo na at hindi naman kami magkaibigan. Sana talaga maging malapit na sa isa't isa sina King at Chat, nang sa gayon ay bumalik na rito si King, so I am no longer be with this jerk!
KAHIT NA hindi maayos ang tulog ko ay nagising pa rin ako ng maaga. Nag-shower agad ako at naghanda na. Mas mabuti na rin 'to, tutal hindi naman si King ang kasama ko rito.
Bigla namang nagising si ungas at tiningnan ako. "Ang aga mo naman yatang nagising?" aniya habang pumupungay-pungay pa ang mga mata.
Hindi ko naman siya sinagot at inayos ko lang ang uniform ko.
"Hindi ka ba nakatulog nang maayos? Tingin mo ba may gagawin ako sa 'yo?" Nakakaloko niya akong nginisian. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya pero hindi ko gusto kung ano man ang nasa isip niya. "Hoy, kung iniisip mong gagantihan kita habang natutulog ka, 'wag kang mag-alala dahil hindi ako gano'n."
BINABASA MO ANG
1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)
RomanceLance Teepakorn. The hot-cutie guy, who's most popular in university and used to be praised for his natural good-looking appearance. One day, a rival came. Next Guntithanon. Lance describes his existence as irksome. The rivalry started when Next bec...