CHAPTER 19: Doomed
King's P.O.V.
Maaga akong nagising at hindi ako sanay na hindi si Lance ang kasama ko sa kuwarto. Mabilis akong nag-shower at nagbihis. Nang paalis na ako ay doon lang siya nagising.
"Mauna na ako," nasabi ko lang sa kaniya at lumabas na ng dorm. Hindi naman kami gano'n ka-close para close rin kaming mag-usap.
Sandali kong pinagmasdan 'yong pinto no'ng dorm namin ni Lance. Hindi pa siguro siya bumabalik. Baka nga nagalit talaga siya sa akin nang husto.
Habang pababa ng hagdan ay biglang nag beep ang cellphone ko na nasa loob ng bulsa ko. Kinuha ko iyon at binasa ang text.
Mad:
Kita tayo sa café.Hindi ko na siya ni-reply-an at nagtungo na lang sa café. Nang makarating ako doon ay nakita ko siyang nakaupo sa dulo. Umupo naman agad ako sa harap niya.
"Anong nangyari?" paunang tanong niya. Hindi ko na kailangang mag-pretend na hindi ko alam dahil alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.
"Si Lance, sa 'yo ba siya pumunta kagabi?" imbes na sagutin ay tinanong ko rin siya.
"Oo. Galit na galit pa nga siya, eh. Bakit mo ba nagawa 'yon?"
As expected.
"Wala akong choice. Iyon lang kasi ang naisip kong paraan para magkaayos na sila at matigil na 'yong gantihan nila."
Bahagya pa siyang nagulat at hindi agad nakasagot.
"Pero mukhang hindi yata effective." I sighed. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."
"Ibig sabihin, 'yong paraan na sinasabi mo ay..."
"Oo. Naisip ko kasi kung magkasama sila baka mag-usap sila at maayos nila kung ano mang tensiyon ang meron sa kanila," paliwanag ko.
"What?! Hindi mo ba naisip kung anong puwedeng mangyari? Paano kung saktan ni Next si Lance? Ha?!" bulyaw niya.
"Hindi naman siguro gagawin ni Next 'yon. Saka, wala na talaga akong maisip na paraan, eh."
"Hayst."
"Hindi ko alam. Baka galit nga talaga sa akin si Lance. Kung hindi 'to gagana, babalik na lang ulit ako sa dorm namin ni Lance."
"Sabi ko nga kay Lance, kung hindi niya talaga kayang makasama si Next, puwede naman siya ro'n sa bahay, pero kanina sabi niya nagbago na raw ang plano niya. Doon na raw ulit siya sa dorm ninyo."
"Ha?" gulat na reaksiyon ko. "Doon na siya mag-s-stay?"
"Oo. Tinanong ko kung bakit nagbago bigla ang isip niya pero sabi niya saka na lang daw niya ipapaliwanag. Akala ko pa naman nagkausap na kayo," sagot niya at ininom 'yong iced tea niya.
"Hindi pa kami nagkakausap."
Nag-isip naman ako kung paano nagbago bigla ang isip ni Lance. Ibig sabihin ba no'n payag na siyang makasama niya sa dorm si Next? Pero paano nangyari 'yon?
Biglang nag popped-up ang cellphone ko na nakapatong sa table.
"Si Lance?" sambit ni Mad nang tingnan niya 'yong screen. Agad ko namang kinuha 'yong phone ko at nakitang si Lance nga.
Lance:
Nasaan ka? Let's talk.Nang mabasa ko iyon ay tumingin ako kay Mad.
"Anong sabi niya?"
"Mag-usap daw kami."
"Tara na, puntahan na natin siya," turan niya at tumayo. Tatayo na rin sana ako nang bigla akong pigilan ni Mad at bumalik kami sa pagkakaupo.
BINABASA MO ANG
1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)
RomanceLance Teepakorn. The hot-cutie guy, who's most popular in university and used to be praised for his natural good-looking appearance. One day, a rival came. Next Guntithanon. Lance describes his existence as irksome. The rivalry started when Next bec...