CHAPTER 38: Fabulous Rivalry

286 20 0
                                    

CHAPTER 38: Fabulous Rivalry

Lance's P.O.V.

After ng class ko ay nagtungo ako sa Swimming Club. Medyo natuwa pa ako dahil wala ni isang tao akong nakita na nandoon kaya malaya akong mapapag-isa ngayon. Dumiretso ako sa pool side at naupo sa bench na nasa gilid.

Pinagmasdan ko ang tubig sa pool habang inaalala ko ang nakaraan. Ang nakaraan kung saan kasama ko pa ang kapatid ko sa pool. Masaya kaming lumalangoy habang pinapanood kami ng parents namin. Nakangiti ako habang nanatiling nasa tubig ang atensiyon ko.

"Nandito ka rin pala."

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang may narinig akong nagsalita. Napalingon ako sa kanang gawi at nakita ko si Next na papalapit sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap," turan niya nang maupo siya sa tabi ko.

"At bakit naman?" tanong ko nang ibinaling muli sa pool ang tingin ko.

"Wala naman... Naalala mo ba ang kapatid mo?" biglang tanong niya kaya naman napunta sa kaniya ang atensiyon ko. "Ahm... I'm sorry," he apologized as he looked down.

I bitterly smiled. "It's okay. Yeah. Naalala ko nga siya. Our good memories, naalala ko lahat 'yon."

"Iniisip mo pa rin bang kasalanan mo ang nangyari?" he asked while looking at me.

"There's no one to blame but me. If only I could turn back time, I'll definitely do everything I can just to save her. But I can't..."

"Lance..."

"I'm okay. By the way, ano nga pala ang ginagawa mo rito? For sure, hindi mo alam na nandito ako," pag-iiba ko sa usapan.

"Well, naisip ko talaga na baka nandito ka kaya nagpunta ako rito. At nandito ka nga."

"Bakit? Namimiss mo na ba ako kaya mo 'ko hinahanap?" I jokingly asked as I stood up and went to the pool side.

"Gano'n na nga siguro," he replied chuckling, then he walked after me. "Siya nga pala, napag-isipan mo na ba 'yong sinabi ko sa 'yo?"

I turned my eyes on him as I'm trying to remember what he's pertaining to.

"Guess, you forgot about it? Should I make you remember that moment?" He smirked as he walked towards me.

The realization dawned on me as I finally remembered what he's talking about.

-
{ FLASHBACK }

"Lance!" sambit ni Next sa pangalan ko nang buksan ko ang pinto at pumasok ako. Bakas sa mukha niya ang gulat.

"Kumusta?" tanong ko nang umupo ako sa study area. Napatingin ako sa ginagawa niya at napansin ko ang notebook na nakasara.

"Okay naman. Lance..."

"May sasabihin ka ba?" usisa ko dahil tila ba may nais siyang sabihin.

"May gusto sana akong itanong."

"Ano naman 'yon?"

"Anong ibig sabihin no'ng sinabi mo kaninang umaga?"

Bahagya akong nag-isip para alalahanin kung alin nga ba sa mga sinabi ko kaninang umaga ang tinutukoy niya.

"Iyong 1-4-3 ba?" hindi siguradong tanong ko.

"Oo, 'yon nga. Curious lang kasi ako kung anong meaning no'n." Napakamot siya sa ulo niya.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

He nodded. "Oo."

Mukha ngang intresado siyang malaman. Inusog ko ang upuan na inuupuan ko paharap sa kaniya. "I like you," I uttered habang nakatingin ako sa mga mata niya.

1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon