CHAPTER 04: Query
Lance's P.O.V.
Maaga akong nagising kaya maaga rin akong pumasok. Hindi ko na ginising si King dahil gusto kong makasama si Aranya na kaming dalawa lang. Pagpasok ko ng campus ay hindi na ako nagulat sa pagsalubong sa akin ng mga fans ko.
"Waaahhh! Lance!"
"Ang guwapo mo!"
"Ang cute mo!"
"Ang hot mo talaga!"
"Lance, akin ka na lang!"
'Sorry pero kay Aranya lang ako.'
Hinanap agad ng mga mata ko si Aranya at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya agad na may kasamang dalawang babae. Mga kaibigan niya siguro.
"Hi, Aranya!" nakangiti kong bati sa kaniya nang lapitan ko siya.
"Hi, Lance!" tugon niya nang nakangiti.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko, dahil sa kaniya kumpleto na agad ang araw ko.
"Ahmm... Hi, Lance." Nabaling ang atensiyon ko ro'n sa dalawang kasama ni Aranya.
"Ahh, Hi!" I smiled at them. Kinilig naman silang dalawa. "Aranya, nag-breakfast ka na ba?" baling ko kay Aranya. Napansin ko naman ang pagsimangot ng mukha niya.
"Hindi pa," walang ganang sagot niya.
"Gano'n ba? Sabay na tayo mag-breakfast," alok ko.
"Ha?"
"Lance... mauna na kami ha?" paalam sa akin no'ng isang babae.
Tinanguan ko silang dalawa. "Sige." Nag-blush ang mga pisngi nila at kinikilig na umalis kaya naman bahagya akong napaalik-ik.
"Heto oh, kunin mo." Muli akong napatingin kay Aranya nang may inabot siya sa akin na paper bag.
"Huh? Ano 'yan?" tanong ko kahit na may ideya na ako kung ano iyon.
"Breakfast 'yan. Pinabibigay nila sa 'yo. Nahihiya raw kasi sila," matamlay na sabi niya.
Na-realize ko naman na 'yong tinutukoy niya ay 'yong dalawang babae kanina. Akala ko pa naman mga kaibigan niya 'yon.
"Hindi mo naman kailangan na maging delivery girl nila palagi. Minsan umayaw ka rin para mapilitan sila na ibigay sa 'kin ng personal 'yong mga gusto nilang ibigay," payo ko sa kaniya habang kinukuha ko 'yong paper bag mula sa pagkakahawak niya.
"Tsk. Anong magagawa ko? Baka kasi kung anong isipin nila kapag tumanggi ako," masungit na turan niya.
Marahan ko namang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "At ano naman ang iisipin nila?"
"N-Na i-ipinagdadamot kita!" nauutal na tugon niya habang iniiwas ang tingin niya sa 'kin.
"Bakit? Puwede mo namang gawin 'yon, ah?" sabi ko habang malapit pa rin ang mukha ko sa mukha niya.
"A-At bakit n-naman?" Hindi pa rin siya makatingin sa akin nang diretso.
"Kasi... sa'yo lang ako," bulong ko sa tainga niya.
Napansin ko naman ang bahadyang pamumula ng mga pisngi niya. Ang cute niya!
"Tss." Bigla siyang tumalikod sa akin. Kung alam ko lang, kinikilig lang siya. Napangisi ako dahil sa naisip.
"So, ano sabay na tayong mag-breakfast?" tanong ko sa tapat ng tainga niya. Dahan-dahan naman siyang humarap sa akin.
"Tss, oo na!" kunwaring napipilitang sagot niya.
BINABASA MO ANG
1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)
RomanceLance Teepakorn. The hot-cutie guy, who's most popular in university and used to be praised for his natural good-looking appearance. One day, a rival came. Next Guntithanon. Lance describes his existence as irksome. The rivalry started when Next bec...