CHAPTER 34: Motive
King's P.O.V.
"Ibig sabihin, matagal mo na pala siyang kilala?" tanong ko nang umupo ako sa kama paharap sa kaniya.
"Yeah," sagot niya kasabay ang pagtango nang maupo rin siya sa kama niya.
"Kaya pala gano'n ka ka-concern sa kaniya everytime na nag-aaway sila ni Next. Kasi kilala mo na pala siya dati pa."
"Gano'n na nga," tugon niya at nahiga siya sa kama na nakaharap sa kisame.
"Pero bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?" usisa ko.
"Hindi naman na kasi mahalaga 'yon. Kilala ko si Lance pero hindi niya ako kilala."
"Sabagay, pinsan mo nga pala 'yong ex niya."
"Uhm."
Sinulyapan ko siya ng tingin at ngayon ay nakapikit na siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na pagmasdan siya. Napakapayapa niyang tingnan kapag natutulog. Medyo matagal na rin kaming magkasama sa iisang kuwarto pero ngayon ko lang siya napagmasdan na matulog. Ibang-iba siya sa Chat na suplado at parang hindi madaling lapitan.
I can't help but smile. Staring at him while sleeping is like those romance in a movies. Bigla naman akong natawa sa ideyang pumasok sa isip ko. Kahit kailan talaga ang corny ko. Mayamaya pa ay dinalaw na ako ng antok kaya nahiga na rin ako at natulog.
MEDYO LATE na akong nagising at wala na si Chat sa kama niya. Ang aga naman niyang pumasok ngayon. Siguro dahil schoolmate niya na 'yong pinsan niya kaya gano'n. Bumangon na ako at naghanda na.
Pagdating ko ng campus ay si Chat agad ang una kong hinanap. Pero hindi ko siya nakita. Baka kasama niya si Next o 'di kaya ang pinsan niya.
"King! Sino ba 'yang hinahanap mo? Kanina ka pa palingon-lingon diyan, eh!" naiinis na sabi ni Mad na kasabay kong naglalakad. Hindi ko naman siya pinansin at patuloy lang ako sa paghahanap baka sakaling makita ko siya.
At hindi nga ako nabigo, dahil nakita ko siyang mag-isang naglalakad. Hindi naman ako nagdalawang-isip at nilapitan ko siya.
"Chat! Nag-breakfast ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya nang makita niya ako.
"Uhm. Tapos na," sagot niya habang tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad kaya naman sumabay na rin ako sa kaniya.
"Kasama pinsan mo?"
"Yep. By the way, may pupuntahan pa ako. Mauna na ako," paalam niya kaya hindi ko na siya sinundan pa. Nakangiti lang ako habang hinahabol ko siya ng tingin.
"Ano 'yan ha? Hoy. Seryoso na ba 'yan ha?" Nagulat naman ako nang biglang bumulong sa gilid ko si Mad na nakasunod pala sa akin.
"Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal ko sa kaniya.
"Ano 'yong mga ngiti at tingin mo, ha? Sabihin mo nga King, seryoso na ba 'yan? Hindi na ba 'yan basta pagpapanggap na lang?" panunukso niya kaya tinalikuran ko siya at naglakad ako palayo. "Hoy! Ikaw ha! Nahuhulog ka na!" sigaw niya kaya napangiwi ako. Kahit kailan talaga ang ingay niya. Tsk!
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
-
Chat's P.O.V.
Kasama ko ang pinsan ko habang pababa kami ng hagdan when the scenario where I and Aranya were talking suddenly flashed before my eyes. I didn't mean to shout at her but she was being out of control. There's no way she can judge my cousin that easily without knowing her throughly.
BINABASA MO ANG
1-4-3: Fabulous Rivalry (BxB)
RomanceLance Teepakorn. The hot-cutie guy, who's most popular in university and used to be praised for his natural good-looking appearance. One day, a rival came. Next Guntithanon. Lance describes his existence as irksome. The rivalry started when Next bec...