Chapter 16

436 50 2
                                    

New year, new update! Enjoy reading!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

New year, new update! Enjoy reading!

***

Chapter 16


Calling Mackenzie...

For the past hours, I've been trying to call her to her pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Supposedly, magkikita dapat kaming dalawa ngayon sa isang amusement park and she's still not here. Ni text o missed call ay wala siyang paramdam. I called her mom—my previous private tutor—and asked where Zie is and she thought I was with her. Nang ipaalam niya sa akin 'yon, biglang lumalim ang bawat paghinga ko. My body stiffened possibly knowing that Zie could be in danger.

Hindi ko pa naman dala ang sasakyan ko para mas mapadali sana ang paghahanap ko sa kanya. We want to make this normal as we could be pero ngayon ay napalitan na ng pangamba.

Is it because of what happened the other day? We really got so intimate with each other. Hindi naman kami umabot sa puntong iniisip ng iba. We've still had our limitations. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi niya ako sinipot ngayon?

Was she thinking of leaving me?

When everything seems fine, guguho na naman ba ulit ang lahat? Merde.

Sinubukan kong puntahan si Mackenzie sa mga lugar na posibilidad na pinupuntahan niya. Isa na roon ang L.M. Foundation. She could be there kaya tumaas ang pag-asa kong makikita ko siya roon. But getting there and asking around for her but no one knew where she was. If she's not around here, where could she be at right now?

Sumakay ako sa isang public transport at umupo sa allotted seat for PWD's. Panay ang tingin ko sa phone ko at nagbabakasakaling makatanggap na ng update patungkol kay Mackenzie. Nanginginig ang kamay ko. Hindi ako makampante. Hindi ako mapalagay.

"Hoy! Ikaw!" Isang boses ng babae ang umagaw ng atensyon ko. Nilingon ko siya nang buong pagtataka. "Bakit ka nakaupo sa PWDs seats? Mukhang wala ka namang kapansanan tapos diyan ka pa talaga umupo? Napakakapal ng mukha, ah? Kalalaking tao."

"I'm sorry... but I'm a person with a disability."

Nginisihan ako nito. Napaka-confident niya pa sa kanyang tugon. "Look, ingratong binata. Si Lola rito, matanda na. Nakikita mo ba?"

Tumango ako.

"E 'di hindi ka bulag. Let's cross that out to the chart. Si Lola rito ay isang Senior Citizen at priority siyang makaupo ngayon sa kinauupuan mo. You're taking it for granted. Nakakaloka ka. Tapos ano, dedepensahan mo ang sarili mo? Look who's talking?"

"Just like what I said, I'm a person with a disability. Ano bang hindi mo naiintindihan do'n?"

"See? Nakapagsasalita ka. Hindi ka bulag. Hindi ka rin pipi. Lalong hindi ka rin bingi dahil naririnig mo ang sinasabi ko. And obviously, kitang-kita naman ng dalawa mata ko na hindi ka pilay o may kapansanan siya. May mga upuan sa likod at doon ka umupo. 'Wag mo nang papuntahin do'n ang matanda. Ikaw na lang ang mag-adjust dahil in the first place, hindi ka dapat nakaupo riyan. Kanina pa kita tinitingnan diyan, wala ka talagang pakialam 'no."

Let Me Hear (Let Me Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon