Chapter 37: Their Story

160 2 0
                                    

ALEX POV

"Stacey was my Ex-Girlfriend. We last for five years and I never thought that she easily thrown what we have." Nagulat ako ng bigla siyang magkwento nang tumigil kami sa isang park. Gabi na pero ayaw ko naman siyang pigilan lalo na't siya na mismo ang nagkwento. Hindi ko na kailangan magtanong pa.

"She was my fist love at kung alam mo na ang hirap makawala sa first love..... I give her my everything that broke me into pieces when she left me." Bakas ang sakit sa boses n'iya. Sakit din ang nararamdaman ko sa sarili ko. Mahal na mahal niya si Stacey. Nakaramdam ako ng selos mula dito. Ganoon rin kaya ako kamahal ni Tristan ngayon? O hindi pa siya tuluyang nakamove-on? Natatakot ako na kung magtatanong ako at ang nakuha kong sagot ay iyong pangalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko kung magkataon.

"We spent five years. Noong una, I'm very happy dahil sinagot na niya ako. I courted her for almost one year at kung ano-ano pang mga banta ang natanggap ko kay Carl dahil nag-iisang babaeng pinsan niya ito. Pinatunayan ko sa kanila na I deserved her and she deserved me....... Naging masaya ako sa five years na pagsasama namin. Sweet siya sa akin at napakasaya niyang kasama. I love her so much." Ako? Sweet ba ako? Masaya ba akong kasama? Do you love me that much? Hindi ko mapigilan ang konting selos na namumutawi sa puso ko. Pakiramdam ko ay hindi pa rin naging sapat, na pakiramdam ko ay hindi ko kayang tumbasan kung anong meron kay Stacey.

"Aaminin ko, the first time we met ay hindi pa talaga ako nakamove-on. But I tried my best to move on, to forget her..... When I ask you to be my pretend girlfriend, I admit na hindi pa talaga ako tuluyang nakamove on."

"But when you courted me, did you totally moveon? Did you totally forget her?" Masakit para sa 'kin na itanong iyon. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Pinipigilan ko ang mga luha ko dahil ayokong malaman niya na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Matagal s'ya bago nakasagot. Tila ba pinag-iisipan kung ano ba ang tamang sagot o kung ano ba ang dapat isagot. Punong-puno nang takot at kaba ang puso ko.

"Yes, I already move on because of you. When we're pretending, you help me to forget her until I totally forget her and remove her in my system," sagot niya na nakatingin sa mga mata ko. Kita ko ang pagiging sinsero n'ya pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung totoo nga ba talagang nakamove in na s'ya o sinasabi n'ya lang ito dahil nandito ako. "Pero inaamin ko, may puwang pa rin siya sa puso ko dahil sa ilang taong pinagsamahan namin. Pero hanggang doon na lang iyon. Kung anumang meron sa amin ay noon ay hangang doon na lang iyon. Ikaw. Ikaw na ang meron ako ngayon. Ikaw na ang sumasakop sa puso ko ngayon at ikaw lang mamahalin ko simula ngayon. Ikaw lang at wala ng iba. Mula ngayon hanggang bukas at magpakailanman," sinsero nitong sabi. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Kung ganoon naman pala ang iniisip n'ya ay bakit pa ako mag-isip ng iba. Mahal niya ako at mahal ko rin siya. Walang taong makakapaghiwalay sa aming dalawa dahil mahal namin ang isa't isa.

"Eh paano kung puntahan ka niya ngayon dito at sabihing mahal ka pa niya? Anong gagawin mo?" panunubok ko sa kaniya. Gusto ko lang malaman ang magiging sagot niya.

Itinaas niya ang kamay kong hawak niya at hinalikan iyon.

"Si Alexandria Ash Castillo ang mahal ko at wala ng iba," nakangiting ani nito na nakahawak pa rin sa mga kamay ko. Napaiwas ako ng tingin dahil sa kilig na nararamdaman. Putik naman kasi ang isang ito. Hanep sa pagpapakilig.

"Tsk! Tara na, umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ng pamilya mo," utos kopara na rin makaiwas. Hindi ko na talaga kasi mapigilan ang ngiti ko . Nauna na akong naglakad pero nabigla ako ng yakapin niya ako mula sa likod.

"Mahal kita. Mahal na mahal," bulong nito sa aking tenga na ikinapula lalo ng muka ko. Kagat ang labing humiwalay ako sa kaniya at deritso na sa kotse. Buong byahe kong kagat ang aking labi dahil sa kilig. Nangingiti na ako pero ayaw kong ipakita sa kaniya. Asarin pa ako niyan.

Hindi ako makatulog dahil pilit bumabalik sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya kanina. Pilit man akong matulog ay s'ya pa rin ang nakikita ko. Bwisit na lalaking iyon. Kapag lang talaga nalate ako ng gising bukas, masasapak ko s'ya. Kung ano-ano kasi pinagsasabi. Iyan tuloy hindi ako makatulog.

"Si Alexandria Ash Castillo ang mahal ko at wala ng iba."

"Mahal kita. Mahal na mahal."

Tristannnnnnnn!!!!!!!

Vote and comment.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon