ALEX POV
"Aleeeexxxxxx!!!! Yieehhhhh!!!!"
Ano ba naman ang mga babaeng ito? Akala ba nila hindi masakit sa tenga ang mga tili nila.
"Ano na naman?" kunot noong tanong ko sa kanila. Kaaga-aga ay ang iingay. Hindi pa nga ako nakakaupo, nakatili na agad sila.
"Nasan na iyong boyfriend mo?" kinikilig na tanong ni Cheska. Boyfriend? Ako? May boyfriend? Saan kaya nanggaling iyon? May boyfriend na pala ako. Bakit hindi ko alam?
"Anong boyfriend?"
"Oy! Ikaw hah. 'Wag ka na ngang magmaang-maangan. Alam naming ikaw iyon. Hehe," kinikilig ding sabi ni France. Pinagsasabi na mga ito?
"Hoy! Kayo. Tigil-tigilan n'yo nga ako. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi ninyo. Boyfriend, boyfriend. Wala akong boyfriend," sagot ko sa kanila at kinuha ang notebook para magreview.
"Hay naku Alex. 'Wag ka na ngang tumanggi. Kalat na kalat na," sabi ni Cheska.
"At sure kaming ikaw ang tinutukoy niya doon. Yiehhh!! Hindi ko talaga akalain na doon kayo matutuloy," kinikilig pang dagdag ni France. Nalilito na talaga ako. Pinagsasabi ba ng mga ito?
"Teka! Teka!" Naguguluhang pigil ko sa kanila. "Ano bang pinagsasabi n'yo? Wala akong boyfriend at tsaka anong kalat na kalat na?"
"Teka! Friend ba kayo ni Tristan sa Facebook?" tanong nila. Sa pagkakaalam ko hindi. At tsaka mas okay na rin na hindi kami friend sa Facebook.
"Hindi," walang gana kong sagot. Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana kung umagang-umaga pa lang ay ang lalaki agad na iyon ang pinag-uusapan namin. Bwisit pa rin ako sa kaniya.
"WHAT!?" gulat na tanong nila. Gulat na gulat talaga? Anong nakakagulat doon?
"Hoy, kayo. Manahimik nga kayo. Ang o-OA ninyo. Ano naman kung hindi kami friends sa Facebook ng lalaking iyon?" taas kilay na tanong ko. Masyadong mga OA.
"Kaya naman pala wala kang alam," nakahalumbabang sabi ni France. Anong hindi ko alam?
"Here," sabi ni Cheska at ihinarap sa akin ang phone niya.
________________________________________________
Josh Tristan Ascaro Mercado
❤
In a relationship with
AAC
__________________________________________________"May girlfriend na pala siya. Hindi ko alam."
Lagi naman kaming magkasama. I didn't see him dating with someone and who's AAC?
"So, you're saying that it's not you?" halos maghesterical na tanong ni Cheska.
"Yes. It's not me. At bakit naman magiging ako tsaka wait-----------"
'Yong kahapon!!!!
'Wag niyang sabihing tinotoo niya iyon?
AAC?
Alexandra Ash Castillo?
What the hell!!
"Oh ayan na pala siya," sabi ni Cheska. Napatingin naman ako sa papasok na si Tristan. Galing niyasa mga friends niya pero hindi ako sumama kasi naiinis na ako. Padami nang padami ang mga kasalanan niya sa akin tapos mukang may dadagdag pa.