Chapter 9: Hero

285 16 0
                                    

ALEX POV

Tsk! Ang tagal naman ng lalaking iyon. Kanina pa ako naghihintay dito sa parking lot. Hindi ko naman mabuksan ang kotse niya para doon na lang sana ako maghihintay sa loob. Bigla na lang siyang nawala pagkatapos ng last subject namin at akala ko dito pupunta. Pero kanina pa ako naghihintay dito, wala pa rin siya. Malapit na rin mag-six ng gabi. Tsk! Malilintikan talaga siya sa akin kapag puro katarantaduhan ang ginawa niya.

Kainis naman. Nilalamok na ako dito. Teka! Paano kung napahamak na iyon? Tsk! Lagot ako kay Ma'am Sam. Dahil sa biglang pagkaramdam ng pag-aalala, I immediately left the parking lot nd go back inside the school. Shit! Kinakabahan ako.

"Hija, gabi na. Hindi ka na pwedeng pumasok," pigil sa akin ni Manong Guard. Tsk! Paano na 'to?

"M-may nakalimutan lang po ako. Kailangan ko po kasi iyon para sa project ko," pagsisinungaling ko. I need to do that para makapasok ako. Inayos ko pa ang muka sa paraang nagpapaawa. Sige na kuya.

"Ganoon ba? Sige, pero dalian mo lang," sabi nito kaya naman tumango na lang ako at agad na pumasok.

Tsk! Saan ko hahanapin iyon? Sa lawak ng school na ito, kung bakit kasi hindi ko man lang hiningi ang number niya. Patakbo akong nagpunta sa room namin kanina sa last subject baka sakaling bumalik siya doon pero malinis, walang tao.

Pumunta ako sa canteen pero nakasarado na. Hinihiningal na napahinto ako at itinukod ang mga kamay sa tuhod ko. Nasaan ka na ba Tristan? Lagot ako sa parents mo nito. Baka mawalan ako ng trabaho nito.

Nasaan ka na ba talaga?

Tumatakbo ako habang pilit inaalis ang kaba sa dibdib ko. Kahit hinahangos ay pilit pa rin akong tumatakbo para hanapin siya. Nag-aalala na ako, sobra na talaga. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko at ang dami na ring tumatakbo sa isipan ko na pwedeng mangyari sa kaniya.

Pano kung may nangyaring masama sa kanya? Paano kung napahamak na siya?

Sinabi ng parents niya na bantayan ko siya kaya hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Inisa-isa ko lahat ng mga room sa building namin pero hindi ko makita. Bumaba ako para pumunta sa next building, baka nandoon. Sobrang nag-aalala na ako sa kaniya. Ang damuho kasi na iyon. Kapag talaga nakikipag-away lang siya, ako mismo ang sasapak sa kaniya.

Tumigil ako bago umakyat sa next building. Huminga ako nang malalim. Feeling ko kasi mauubusan na ako ng hangin. Aakyat na sana ako ng may narinig akong sigaw sa likod ng building namin.

"Ahhhh!!!"

Mabilis na dumapo sa akin ang kaba. Kahit hindi ako sigurado kung siya ba iyon o hindi, agad akong napatakbo sa likod ng building namin.

Nakatalikod siya sa akin kasama ang mga kaibigan niya. Kaharap nila ang isang grupo ng mga lalaki at ang sama ng titig nito sa kanila. May pasa rin sa muka iyong lalaking nasa gitna. Siya siguro ang sumigaw kanina.

Naalerto naman ako ng biglang sumugod ang mga lalaki sa kanila. Magaling sila sa pakikipaglaban, parang sanay na sanay na sila. Oo nga pala, laging nasasangkot sa gulo ang lalaking iyan kaya hindi na dapat ako magtaka. Pero sinabi kong huwag na siyang sasali sa gulo. Tsk! Ang tigas talaga ng ulo niya.

Nagulat ako ng sapakin siya ng lalaki kaya natumba siya sa lupa. Marumi na ang puti niyang damit. Agad kong inilugay ang buhok para matabunan ang muka ko at lumapit sa kanila at itinabon sa muka ko ang aking panyo.

Susuntukin na sana nang lalaking mukang lider ang papatayong si Tristan ng pigilan ko ang kamao nito gamit ang kamay ko at ibinalibag ito. Nagulat naman sila dahil sa bigla kong pagsulpot.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon