"Class dismiss," sabi ng prof namin kaya agad naman nagsilabasan ang classmate ko. Kaming dalawa ni Tristan tapos iyong dalawang babae.
Inayos ko na lahat ng gamit ko, ganoon din naman ang alaga ko. Madali lang naman pala itong alagaan, sumusunod sa akin. Wala rin naman siyang magagawa kundi ang sumunod.
"Hi!" Nagulat naman ako ng bigla akong binati nang dalawang babae. Nakalapit na pala sila, hindi ko man lang namalayan.
Kakaisip mo kasi diyan sa alaga mo. Sabi ng munting tinig sa utak ko.
Hindi kaya. Hindi ko naman iniisip 'yan. S'werte naman niya kung ganoon.
"Hi!" nakangiti ko ring bati sa dalawa.
"Ako nga pala si Cheska," pagpapakilala noong morena tapos maikli ang buhok. May eye glasses siya pero hindi mukang nerd.
"Francheska, France for short," pagpapakilala naman ng isa pang babae. Short hair din pero maputi naman. Maganda din at may eye glasses.
"I'm Alexandra, Alex for short," nakangiti ko ring pagpapakilala.
"Sabay ka na sa amin magbreak?" sabi ni Cheska. Napatingin naman ako kay Tristan pero wala na siya sa upuan n'ya. Saan na 'yon?
"Nakita n'yo ba si Tristan?" tanong ko sa mga ito. Ang bilis naman mawala.
"Nasa canteen na iyon. I'm sure," sagot naman ni France. Okay. "So, sama ka na sa amin?"
"Sige sige," sabi ko at kinuha ang bag saka kami lumabas sa room. Mabuti naman at in-approach nila ako, wala kasi akong kasama papuntang canteen. Hindi ko pa naman alam kung saan iyon. At tsaka, kaya lang naman ako pupunta doon dahil sa alaga ko.
"Ahmm... Alex, pwedeng magtanong?" naiilang na tanong ni France. Naiilang siguro sila kasi hindi pa naman kami ganoon magkakilala.
"Oo naman. Ano ba?" tanong ko naman.
"Magkakilala ba kayo ni Tristan? Kanina kasi, pansin ko na nagbubulungan kayo. Parang close kasi kayo," sabi ni France. Iyon lang naman pala.
"Yon? Oo, magkakilala kami. Actually, childhood friend kami," sabi ko sa kanila. Yuck! 'Yon, childhood friend ko? Hindi naman lang kami magiging friend noon.
"Ganoon ba? Ang swerte mo naman. Buti pa ikaw napapansin ni Tristan, pero kami nasa unahan lang niya, hindi man lang kami napapansin," sabat pa ni Cheska. Yuck! Ako? S'werte sa lalaking iyon? Eh sa bwisit nga iyon sa buhay ko.
"Oo nga eh. Pero, bakit ngayon ka lang namin nakilala? Hindi namin akalain na may babaeng kaibigan si Tristan. Hindi naman iyon nakikipagkaibigan sa babae kahit noong sila pa ni Stacey," sabi naman ni France. Wait! Stacey? Sino 'yon?
"Sino si Stacey?" curious na tanong ko sa kanila. Sino ba iyon?
"Wait, akala ko ba friend ka ni Tristan. Bakit hindi mo alam ang tungkol sa kanila ni Stacey?" naguguluhang tanong ni Cheska. Patay na! Ang isda nga naman, nahuhuli sa sariling bibig. Pwede ko naman sigurong sabihin sa kanila, 'di ba? Basta huwag na lang nilang ipagsasabi kahit kanino.
"Friends naman tayo, 'di ba?" nakangiting tanong ko sa kanila. Pumayag kayo. Kating-kati na kasi itong dila ko na i-kwento lahat ng naranasan ko sa pag-aalaga sa lalaking iyon kahit ilang araw pa lang ang lumilipas.
"Of course, we're friends," nakangiting sabi ni France. Hayss! Mabuti naman.
"Dahil friends na tayo, sasabihin ko sa inyo ang totoo." Friends naman na kami, kaya sasabihin ko na. Hindi naman malalaman ni Tristan.