Chapter 18: Girlfriend

275 10 0
                                    

ALEX POV

"TO ALL TEACHERS AND FACULTIES OF ROYAL BLUE UNIVERSITY, WE'LL HAVING A MEETING RIGHT NOW SO PLEASE PROCEED TO THE MEETING ROOM. AND TO STUDENTS, YOU CAN GO HOME"

"Yesssss!!!!!"

"Thanks! Walang pasok!"

Tsk! Akala mo mga elementary. Sayang-saya dahil lang sa walang pasok. Pero mas okay na rin para makauwi na ako. Hiyang-hiya na ako dito. Simula kasi nang mangyari iyong kaninang lunch ay nasa akin na lahat ng paningin nila. Bwisit kasing lalaki. Pahamak talaga.

"Mabuti naman at walang pasok. Matutulog ako sa bahay hanggang hapon," nakangiting sabi Cheska. 'Yan na lang din siguro ang gagawin ko.

"Ako rin, kulang kasi ang tulog ko kanila," inaantok na sabi naman ni France.

"Sige na France, alis na kami. Bye Alex. Bye Tristan," paalam nila.

"Bye," nakangiting sagot naman sa kanila ni Tristan. Tumango na lang ako dahil wala ako sa mood ngayon.

"So, let's go?" nakangiting tanong niya. Sabay kaming lumabas ng room at nagpunta sa parking lot. Naroon pa rin ang nagtatanong na mga mata ng mga estudyante. Bwisit kayo. Tusukin ko mga eyeballs n'yo.

"Hey pre, uwi na kayo?" Sabay kaming napalingon kay Joshua. Narito na rin silang tatlo. May sari-sarili silang sasakyan. Iba na talaga kapag mayaman. Magkakaroon din ako ng sasakyan ko. Kala ninyo.

"Hindi 'yan uuwi agad. Magdedate pa sila.. Haha," tukso sa amin ni Carl. Kanina pa siyang lunch. Asar nang asar. Nakakasar na talaga.

"Hindi. Nasa bahay kasi mga friends nila Mom kaya uuwi na kami," nakangiting sagot niya sa mga kaibigan. Buti naman. Akala ko ay makikisali pa siya sa pang-aasar ng kaibigan niya.

"Sige, ingat kayo. Bye mga pre. Bye Alex," paalam ni Joshua at nauna ng umalis. Sumunod na ring umalis sina Xandro at Carl.

"Bye sa inyo. Ingat," paalam ko at nagwave sa kanila. Ang saya rin nilang kasama pero ako naman ang tampulan nang pang-aasar nila.

Sumakay na kami ni Tristan at tahimik siyang nagdrive. Sumandal na lang ulit ako sa bintana ng kotse niya. Gusto ko nang umuwi at matulog. Lubog na ako sa kahihiyan ngayong araw na ito at dahil iyon sa lalaking ito.

Wait! May binigay nga pala siya sa aking chocolates. Kakainin ko na lang iyon para gumanda naman ang mood ko. Pagkain lang naman ang katapat ko kapag bad mood ako.

Kinuha ko sa bag ang garapon ng chocolates at nagsimulang kumain. Hugis triangle ang mga chocolates at napakasarap nito. Mukang imported. Mamahalin panigurado.

"Pahingi naman ako." Napalingon ako sa kaniya. Hindi na ako nakipagtalo at inilapit na lang sa kaniya ang garapon.

"Paano ko kaya makukuha 'yan? Didn't you see, I'm driving?" may pagkasarkastikong sabi niya. Ay oo nga naman. Gamitin din ang utak Alex, kahit minsan lang. Pero.....

"Anong gusto mong gawin ko? Alangan namang subuan kita." Hindi ko na lang sana sinabi dahil nakangisi siyang lumingon sa akin.

"Great idea," nakangiting sabi nito.

"Kapal mo naman. Bahala ka," sabi ko at kumain na lang ng chocolate. Bahala siya. Alam niyang hindi siya makakakuha, manghihingi pa. May saltik nga kasi.

"Ang damot nito. Sige na kasi," nakatamusong sabi nito. Hindi man siya nakaharap ay alam mong nagmamakaawa siya. Bwisit naman oh.

Dumampot naman ako ng chocolate saka itinapat sa bibig niya. Nakangiting naman niya itong kinain. Nakakainis naman. Nakailang hingi pa siya bago kami makarating sa mansion. Ingat na ingat naman ako na huwag lumapat sa labi niya ang daliri ko. Kadiri lang kaya.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon