Chapter 28: Contest

185 6 0
                                    

ALEX POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at Friday na agad. Ngayon na ang singing contest sa school kaya medyo kinakabahan na ako. Sa mga nagdaang araw ay patuloy pa rin ang pagbibigay sa 'kin ni Tristan ng mga rose. Iniipon ko iyon. Napakasarap pa rin sa pakiramdam.

Naghahanda na ang lahat ng bawat kalahok. Inaayusan na ako ng mga kaklase ko para sa contest na iyon. Maging si Tristan ay inaayusan na rin nila. Nakahanda na rin ang gym kung saan gaganapin ang contest.

I was wearing a black sleeveless dress na umabot hanggang kalahati ng hita ko. Medyo hindi ako komportable dahil hindi naman ako sanay magsuot ng ganito. I prefer jeans and jersey than this. Pero wala akong magagawa. Ang mga kaklase ko mismo ang pumili nito para sa contest na ito. They make a simple braid in my hair na bumagay naman sa suot kong damit. Maging ang suot kong black heels ay ang mga kaklase ko na rin ang nagpahiram lalo na't wala naman akong ganoong gamit. Ayoko namang bumili pa dahil pinag-iipunan ko pa iyong rubber shoes ko.

Tristan was wearing black pants and black collar shirt na bumagay sa kaniya. Litaw na litaw ang maputi niyang balat dahil doon. Maayos din ang pagkakaayos ng kaniyang nangingintab na buhok. Lalo lamang siyang gumapo sa suot niya. We're also wearing a black bracelet na ipinasuot ng kaklase namin. Symbol daw ito ng mga couple. I don't really think that this black bracelet symbolize for couples.

Binago namin ang dapat na kakantahin namin dahil na rin sa suggestion ng adviser namin. Nag-practice na rin kami sa bahay at kapag nandito sa school ay binibigyan kami ng time para magpractice at kanina ang last rehearsal namin.

Nang mag-ala-una na ay ipinatawag na lahat ng mga contestants pati na rin ang mga estudyante. Ito na naman ang kaba ko. Sana talaga hindi ako magkamali mamaya. Nakakahiya kung magkataon.

Pinapunta na sa backstage ang mga 1st year dahil sila ang unang magpe-perform. Kami namang natitira ay may uupuan sa gilid ng stage para na rin mapanood ang iba na magpe-perform.

Magkatabi kami Tristan at mula sa kinatatayuan namin ay kita ko ang mga kaklase ko na mag dala pang banner. Nagthumbs up naman ang president namin na nginitian ko lang. Kinakabahan pa rin ako. Buong section ang dala-dala namin kaya dapat galingan ko. Napalingon naman ako kay Tristan ng hawakan niya ang kamay ko.

"'Wag kang kabahan. Kaya natin 'to," nakangiti niyang sabi kaya naman napangiti ako at medyo naibsan ang kabang nararamdaman.

Buong performance ng ibang estudyante ay magkahawak ang kamay namin. Hindi n'ya iyon binibitawan hanggang pinapunta na kami sa backstage. Kinakabahan na naman ako pero hinigpitan lang ni Tristan ang pagkakahawak sa kamay ko. Naramdaman niya siguro ang panginginig ng kamay ko. Nakakahiya na rin dahil namamasa pa ang kamay ko. Ganito kasi ito kapag kinakabahan ako. Kami ang huling magpe-perform sa third year kaya naman kinakabahan na ako habang paunti-unting natatapos ang nagpe-perform. Naiibsan din naman iyon dahil sa marahang paghaplos ni Tristan sa kamay ko.

Makalipas ang ilang performances ay kami na ang tinawag ng emcee. Huminga muna ako ng malalim bago nagpahila kay Tristan papuntang stage. Sigawan ng mga estudyante ang ganda na bumungad sa amin dahil na rin siguro sa kasama kong ito. Napangiti naman ako ng makitang halos magwala na ang mga kaklase ko sa pwesto nila habang taas-taas ang ginawa nilang banner at ang mga lobo nila.

Nasa baba ng stage ang mga judges. Mga piling prof at ang Dean namin. Huminga ako ng malalim at naramdaman ko naman ang pagpisil ni Tristan sa kamay ko. Hindi pa rin n'ya binibitawan ang kamay ko.

"GO ALEX! GO TRISTAN!" sigaw ng mga kaklase namin bago ko narinig ang intro ng kanta.

"Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala," si Tristan ang nagsimula ng kanta.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon