Chapter 34: Yes

153 2 0
                                    

ALEX POV

"Sana all Kuya, ano?" sabi na naman ni Amythest kay Tristan. Naghahanda kami sa birthday ni Tristan para bukas at kanina pa kinukulit ni Amythest ang Kuya niya dahil alam niya ang gagawin kong pagsagot dito.

"Alam mo Amythest, kanina ka pa. Ako ba ang may gustong magkaroon ng party bukas?" kunot ang noong sagot nito sa kapatid. Kanina pa rin iyan naiinis kay Amethyst. "Kayo lang naman itong mapilit," dagdag pa nito at inirapan ang kapatid. Nainis nga niya nang sinabi ni Tita Sam na magkakaroon ng party at marami ang inimbitahan namin. Actually, matagal na itong plinano ni Tita Sam, hindi lang niya sinasabi kay Tristan. Siya lang talaga ang walang alam. Pati sina Sir at Nanay Melba ay alam na rin.

"Basta sana all," pagpapatuloy ni Amethyst. Inirapan naman niya ang kapatid.

Maraming inimbitahan si Tita Sam para bukas. Nahihiya nga ako dahil ang daming mga imbitado. Ilang mga businessman at mga kaibigan nila na paniguradong mga socialite. Tapos amg plano ni Tita ay mismong sa harap ng lahat ko sasagutin si Tristan habang nagsasabi ako ng message sa kaniyaya. Shemay! Sobrang nakakahiya 'yon. Ang plano ko pa naman ay kapag kaming dalawa na lang saka ko sasabihin sa kaniya.

Hindi ko maintindihan kung bakit gusto pang ipagawa iyon ni Tita. Pwede naman kasing sagutin ko siya na kaming dalawa lang dahil siya naman kasi ang naliligaw kaya dapat siya lang makakarinig ng sagot ko. Nababaliw na rin minsan ako sa mga pakana ng mag-inang iyon. Hindi ko maintindihan ang mga iniisip. Tsk! Mag-ina nga naman sila.

Lumipas ang magdamag. Abala kaming lahat sa mga gagawin kahit na may pa-cater naman sina Tita. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi tumulong lalo na't para kay Tristan naman ang party na ito. Excited na ako pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na kabahan para sa gagawin ko mamaya. Kung pwede nga lang sanang magback out.

"Alex, hayaan mo na sila diyan. Umakyat ka na para maayusan ka," nakangiting sabi ni Tita sa akin bago hinarap ang bagong dating na mga bisita. Sinunod ko na lang siya at umakyat na nga sa taas.

"Andiyan ka na pala Ate Alex. Magpaayos ka na," nakangiting sabi ni Amethyst ng makitang ako ang pumasok sa silid. Lumapit naman ako sa isang bakla ng sumenyas ito sa akin.

"S'ya ba ang nililigawan ng Kuya mo?" tanong ng bakla kay Amethyst habang may kinukuha itong kung ano sa kaniyang make-up kit.

"Yes," proud na sabi ni Amethyst. Ramdam kong pinipigilan lang niyang sabihin na sasagutin ko na ang Kuya niya mamaya. Nakita ko pa ang paghagikhik nito bago tumalikod ng tuluyan sa akin.

"Infainess, ang ganda mo bhe. Ilang taon ka na ba?" nakangiting baling nito sa'kin.

"Eighteen na po," nahihiya kkng sagot.

"Ang ganda mo bhe. Kung gusto mong magmodelling, pwede kitang ireto sa mga kilala ko," alok nito.

"Naku, hindi na po. Wala rin naman akong interes sa mga ganiyan," tanggi at todo pa ang iling. Tumawa naman si Amethyst.

"Naku Vie, 'wag mo nang alukin si Ate Alex, paniguradong hindi papayag ang Kuya ko lalo pa kung sila na. Haha," tumatawang sabi ni Amethyst. Weh! Totoo kaya 'yon?

"Ay tama ka diyan. Halata naman kasi sa Kuya mo," natatawang sagot ng bakla na si Vhe daw. Ngumiti na lang ako sa kaniya.

Nagpatuloy ang pag-aayos niya sa akin. Mula sa make-up tapos sa buhok. Kung ano-ano ang mga ginawa sa aking muka. Ang sakit na nga sa likod. At isa pa, ngayon lang talaga ako naayusan ng ganito.

After so many years, natapos na rin ang pag-aayos sa muka ko at buhok.

"Perfect!" bulalas ni Vie at manghang nakatingin sa akin. "Ang ganda mo, sobra. Ikaw na ang pinakamaganda kong naayusan. Mas maganda pa sa mga artista," tuwang-tuwang dagdag nito. Numingiti na lang ako. Nahihiya na sa masyadong mataas na pamumuri niya sa akin.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon