Chapter 4: Your Boss

346 15 0
                                    

"Sure ka Ate na nameet mo na si kuya Tristan?" muling tanong ni Elsa. Hindi talaga s'ya makapaniwala na nakilala ko na si Tristan at sa ganoong paraan pa.

"Sure na sure bebe. I already met him," sagot ko naman ulit sa kanya. Napapangiti pa rin ako kapag naa-alala ko ang muka niya, shock na shock. Hahhaha.

"Eh bakit napapangiti ka diyan? Nagwapuhan ka kay kuya, 'no? Type mo siya?" nakangiting tanong nito at bahagyang sinundot pa ang tagiliran ko kaya lalo akong napapangiti. May militia kaya ako doon.

"Yes, he's handsome but he's not my type. Bully and a troublemaker is not my type. Eww!" parang nadidiri kong sabi dito. I'm very sure na hindi ako magkakagusto sa isang bully at troublemaker. Gwapo nga, basagulero naman. Tsk! Sayang lang.

"Baka naman kainin mo ang sinasabi mong iyan Ate? Baka ikaw pa ang unang ma-in love diyan sa alaga mo?" sabi pa nito habang inilalagay ang mga plato sa lamesa. It's posible, but I will never let my self.

'Sure?' tanong ng munting tinig sa isip ko.

Very sure.

"Elsa, I'll make sure that will never happen," sagot naman dito at naglagay ng mga ulam. Malapit na sigurong lumabas sina Ma'am at Sir and nalaman ko na sabay-sabay pala silang kumain dito kasama nila sina Nanay Melba at Elsa.

"Tingnan natin Ate. Pero teka, kanina ko pa pansin na english ka ng english, anong meron?" curious na tanong nito. Ito ang isang  bagay na napagdesisyunan ko.

"Ahmm.. I  just want to do it. Sinasanay ko ang sarili ko na magsalita ng english para naman maging mas bihasa ako," sabi ko pa dito at tumango naman siya.

"Okay Ate. Support kita diyan," nakangiting sabi nito at nagthumbs up pa. Cute talaga nitong batang ito. She's a grade 10 student at balita ko, lagi siyang nasa top sa kanilang klase. Maganda na, matalino pa.

"O, tapos na ba kayong dalawa diyan?" Napalingon kami kay Nanay Melba ng magtanong ito. Galing ito sa likod ng bahay para ayusin ang mga labahin.

"Yes, Nay Melba," sagot ko dito.

"Kung ganon, tawagin mo na sila, Elsa. Nasa salas lamang sila," utos ni Nanay Melba kay Elsa. Agad naman itong sumunod. Inihanda ko na rin ang kape ni Ma'am at Sir. Mahilig daw kasing magkape ang mga iyon sabi ni Nanay Melba.

"Good morning Ma'am, Sir," bati namin sa kanila pagkapasok pa lamang nila sa kusina.

"Good morning din," bati din nila pabalik pero itong alaga ko umupo na lang. Ni hindi man lang bumati. Walang manners. Hmmp!! Pagkaupo nito ay kumuha agad ng pagkain at kumain na. Walang pakialam sa amin na nakatingin sa kanya. Wala talagang manners.

"Maupo na kayo. Kumain na tayo," sabi ni Ma'am. Uupo na sana ako ng pigilan niya ako. "Alex, mula ngayon dito ka na tatabi kay Tristan sa pagkain." Napatingin naman ako sa kanya na nakakunot noong nakatingin sa mommy niya. Ngumiti na lang ako. Mukang magiging masaya ang pagkain ko lagi. Pwede ko kasi siyang asarin. Akala ninyo siguro na masaya dahil katabi ko siya. No way!

Kukuha na sana ako ng kanin ng kunin niya rin ito at naglagay ng kanin sa pinggan niya. Ang bilis naman niyang kumain. Hinintay ko na lang siya makakuha bago ako kumuha ng sa akin.

Kukuha naman sana ako ng ham ng unahan niya ako. Nananadya na ata ito. Lahat na lang ng kukunin ko, kukuhain din. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa kanya. Binabawi ko na iyong sinabi ko kanina na magiging masaya ang pagkain ko. Imbis na siya ang maasar ko, ako pa ang naaasar sa hinayupak na ito.

"What you doing Tristan?" Nahihimigan ang inis sa boses ni Ma'am ng tanungin nito ang anak.

"What?! I didn't do anything. I'm just eating here," sagot nito sa ina. Sarap niyang sapakin. Bwisit! Makakaganti din ako sa kanya.

"Anong wala?! Lahat na lang ng kinukuha ni Alex,  kukunin mo rin. Hindi na siya makakain ng maayos dahil sa iyo," inis na sagot nito. Pinipigilan niya lang ata ang magtaas ng boses dahil nasa harap kami ng pagkain.

"It's okay Ma'am. Maybe, he's really hungry." Ako na ang sumagot. Pero sa totoo lang, hindi ako makakain ng maayos dahil sa bwisit na ito. Nakakinis. Papansin. Sobrang paepal.

"Yes, I'm very hungry. I didn't eat last night." Eh paano ka ba makakain kung anong oras ka na umuwi? Nagising kasi ako kagabi at sakto naman na may dumating na sasakyan. Siya na siguro iyon dahil siya lang naman ang wala pa sa bahay kagabi.

"Tsk! By the way, this is Alexandra Ash Castillo and she will be your babysitter. Alex, this is Josh Tristan Mercado, my son," pagpapakilala sa amin. Tumingin lang ito sa akin at inirapan ako. Talaga naman.

"Your boss," bulong nito na tanging ako lamang ang makakarinig. Your boss. Tsk! Ginaya niya lang naman ang sinabi ko kanina. Manggagaya.

"Hi little boy!" mapang-asar na bati ko dito at kumaway pa. Akala mo ikaw lang marunong mang-asar. He give me a deadly glare but I just give him sweet smile that made him more irritated. Lihim akong natatawa dahil sa hitsura niya.

"I will enrol Alex to your school para naman mas mabantayan ka niya at huwag ka nang aangal pa. That's my decision. And one more thing, kailangang lagi mo siyang kasama at hindi ka pwedeng umalis ng bahay ng hindi siya kasama," she said with authority. Kahit saan? Kahit sa cr? Chosss lang. Siguro naman mahilig gumala ang lalaking ito.

Kung mahilig siyang gumala, sobrang saya noon, panigurado. Marami akong mapupuntahan dito sa Manila. Kung pwede, ako na ang mag-aaya sa kanya na gumala. Hahaha. Pero s'yempre, hindi ko gagawin iyon. Malaman pa ni Ma'am Sam, matanggal pa ako sa trabaho.

"I'm done," sabi nito at padabog na umalis. Nagkatinginan na lamang kami nina Nanay Melba at Elsa.

"Ikaw na ang bahala sa anak ko Alex. Sabihin mo lang sa akin kung binubully ka ng anak ko at ako bahala sa kanya."

"Okay na po Ma'am. Tutulungan ko po kayong mapatino ang anak ninyo," nakangiting sabi nito. Pansin ko lang hindi umiimik si Sir Josh. Seryoso lang siyang kumakain. May problema ba s'ya? Sobrang tahimik kasi.

"Maraming salamat Alex. Kaya ang gaan-gaan ng loob ko sa iyo eh," nakangiting sabi nito at hinawakan pa ang kamay ko.

"You're welcome Ma'am."

Vote and comment.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon