SCAR POV
"Alther, are you ready na?"
"Yes Mom," nakangiting sagot ng anak ko.
Nang ipinanganak ni Sam si Tristan, saka lamang kami nagpakasal ni Seth. Nainggit kasi ako kay Sam dahil meron na siyang baby. Haha. I love babies so, ako na talaga mismo ang nag-propose sa kaniya. Baliktad, 'di ba? Pumayag din naman siya.
Two months after nang pagpopropose ko ay ikinasal na kami and after three years pa bago kami nagkaroon ng baby, si Alther. And sabay kaming nanganak ni Sam noon kaya magkasing edad lang si Alther at Claire.
Sobrang saya ko nang time na iyon. S'yempre, after three years of waiting, nagkababy din kami. Until now, masaya pa rin naman pero sa mga nanagyayari ngayon, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit o sadyang napapraning nga lang ako. I don't know. Hindi pa rin naman kasi kami nakakapag-usap nang maayos. Medyo nagiging busy na kasi siya ngayon tapos ganoon rin naman ako.
"Mom, saan nga po pala tayo pupunta?" Ang gwapo talaga nang anak kong ito. Sa physical appearance, nakuha n'ya lahat kay Seth at sa ugali naman ang sa akin. Kaya nga maraming nagsasabi na para silang pinagbiyak na bunga. He's a younger version of his Dad.
"Pupunta tayo kina Tito Samuel mo, nakalabas na sila ng hospital so makikita mo na ang pinsan mo," sagot ko sa kaniya.
Nang nakagraduate ako at naging doctor ay ako na ang nagpaaral sa mga kapatid ko. Nag-ipon din ako para sa pagpapatayo nang bahay nina Inay at Itay. At nang nakatapos naman si Samuel ay siya na ang nagpa-aral kay Smael at ako naman kay Stella.
Two years after makagraduate bilang isang engineer ay nakapag asawa siya ng isang architect and two years na silang nagsasama. Kakalabas lang nila sa hospital kaya pupunta kami sa bahay nila ngayon. Sa bahay na sila mismo ang nagdesign at nagtayo.
Si Smael na naman ay two years na sa kaniyang trabaho bilang police officer at Stella naman ay nag-aaral pa ng tourism. Sina Inay at Itay naman ay ayos naman sa kanilang bagong bahay. Masaya naman daw sila dahil nakamit namin ang lahat nang pangarap namin. Sipag at tiyaga lang talaga.
"Excited na ako Mom. I want to see my first cousin," tuwang-tuwa niyang sabi. Kahit ako naman, excited na rin na makita ang first pamangkin ko.
Sa Tagaytay nakatira sina Samuel kaya mga ilang oras pa bago kami makarating.
"Mom, bakit hindi natin kasama si Dad?" tanong ni Alther habang nasa byahe kami. Ako na ang nagdrive dahil may sarili naman akong kotse. Nabili ko ito noong isang taong na akong nagtatrabaho. Pinag-ipunan ko talaga.
"Busy kasi si Daddy anak ngayon. Baka next time na lang siya makapunta," sagot ko naman. Actually, hindi ko naman talaga nasabi sa kaniya dahil hindi pa kami nakakapag-usap. Masyadong busy kasi sa trabaho at don sa... nevermind.
"Kukuhaan ko na lang ng picture ang first cousin ko para ma-sketch ko ang muka niya." Namana niya ang pagguhit sa kaniyang Tito Smael. Nakuha niya rin ang hilig ko sa musika.
After a few hours, nakarating na rin kami sa bahay nina Samuel. Napakaganda talaga ng bahay nila. Architect at engineer ba naman ang may-ari nang bahay, ay ewan ko na lang kung hindi ka mamangha sa bahay nila. Modern na modern ang bahay nila.
"Ang ganda talaga ng bahay nina Tito."
Ipinasok ko na ang kotse sa garahe nila at saka kami pumasok sa loob ng mansion.
"Good morning ho," bati sa amin ng mayordoma. "Nasa taas na ho sila. Kanina pa ho kayo inaantay."
"Sige, salamat." Agad namang nagtatakbo si Alther sa kwarto nina Samuel, excited na talagang makita ang pinsan. Gusto na kasing magkaroon ng kapatid kaya ganoon. Pero hindi na pwede eh.