ALEX POV
Hayss! Salamat naman at Sabado na ngayon. Makakapagpahinga sa napakabusy kong buhay. Isang linggo na ang nakalipas simula nang dumating ako dito. Isang linggo ko na ring inaalagaan ang lalaking ubod ng sakit sa ulo.
Nitong nakaraang araw simula noong nakapagsalita ako kay Tristan ay hindi na kami nag-uusap at nagkikibuan. Napansin nga iyon ni Mam Sam pero sabi ko na lang na busy lang kami sa studies namin. Sabi nga niya ay mabuti daw kasi simula nang dumating ako ay hindi na niya nababalitaang nakikipag-away si Tristan. Kung alam lang nila na kami ang magkaaway. At isa pa, naging childish daw ang loko. Childish naman na talaga iyon pagdating ko pa lang.
Kahit hindi kami nag-iimikan, lagi pa rin naman akong nandiyan para bantayan siya. Kung nasaan siya ay nandoon din ako. Sinusunod ko ang 10 meters na sabi niya maliban na lang kapag na sa room kami kasi seatmate kami.
Kapag nasa cafeteria, nandoon ako sa ikatlong mesa kasama ang mga kaibigan ko. Kapag naman nasa tambayan sila nandokn ako sa labas ng kubo doon sa may puno na sinasabi kong bago kong tambayan. Pinayagan na rin nila kaming magtigil dokn pero hindi ako pumapasok sa loob ng kubo nila kasi nandoon siya. Baka magkainitan na naman kami.
Ano kayang magandang gawin ngayon? Maaga pa naman para magluto ng almusal. Hmmm..
Alam ko na. Magja-jogging na lang ako. Simula kasi nang mapunta ako dito ay hindi na ako nakakapagjogging at saka para makita ko na rin ang village na ito. Hindi ko pa kasi nakikita ang buong village. Iyong mga bahay pa lang papunta sa labasan ng village ang nakikita ko kasi araw-araw naman kaming dumadaan doon. At tsaka, panlimang bahay lang ang mansion nina Tristan muka sa gate ng village.
Agad kong sinuot ang black leggings, black shirt and hoodie at ang aking rubber shoes. Ginamit ko na rin ang headset na binigay ni Amethyst sa akin. Hindi na raw niya ginagamit kaya binigay na lang sa akin. Matapos makapag-ayos ay lumabas na ako ng bahay.
Wait! Bakit hindi nakalock ang gate at pinto? Ako ang nagsarado nito kagabi. Hayaan na baka may lumabas lang sa kanila. Paglabas ng gate ay sa kanang bahagi ako nagtungo dahil sa kaliwa ang papuntang gate ng village.
Sabi ni Nanay Melba ay may park daw dito. Magja-jogging ako papunta doon. Gusto kong makita ang park dito. Pinatugtog ko ang favorite song ko habang nagja-jogging.
Magaganda ang mga bahay dito. Halatang-halata na mayaman ang may-ari. Mayayaman talaga ang mga nakatira dito. Wala namang mahirap na nakatira sa isang exclusive village, hindi ba?
Medyo madilim pa kaya hindi ko masyadong maaninag ang mga bahay. Nakikita ko lang dahil sa kakaunting liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa mga mansion. Kahit ganoon lang ang liwanag ay kita na ang kagandahan ng mga bahay.
Medyo madilim pa pero buhay naman ang mga street lights kaya hindi ganoon kadilim. Malalayo-layo na rin ang narating ko at natatanaw ko na rin ang park. Madilim pa sa park. May ilaw naman pero may parte pa rin na madilim.
Naupo ako sa isang bench para magpahinga. Pinunasan ko ng dala kung bimpo ang aking muka at saka inilagay ito sa aking likuran. Hayss! Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko na kang ulit kasi nagawa ang bagay na ito.
Muli akong tumayo para magjogging. Gusto kong libutin ang buong park. Malawak at napakalinis. May nakikita akong swing, slide, and seesaw.
Busy ako sa pagmamasid at hindi nakatingin sa akin dinadaanan. Tuwid lang naman kasi ang daan dito. Doon pa sa banda roon ang paliko. Dahil saginagawa kong iyon ay hindi ko namalayan na makakabangga ako ng isang tao.
Matutumba kami, alam ko iyon. Ramdam ko. Dahil mabilis na nakapagreact ang katawan at utak ko ay agad kong iniharang ang kamay ko sa ulo niya. Kaya imbis na sa lupa tumama ang ulo niya ay sa kamay ko ito tumama. Nakaharap ang mga palad ko sa lupa habang nakapatong ang ulo niya sa likod ng palad ko.
Agad kong tiningnan ang lalaking ito. Medyo madilim kaya hindi ko maaninag ang muka njya pero ang mga mata niya na nakatitig rin sa akin. Pamilyar. Pamilyar talaga. I think, I've seen this before.
"Baka gusto mong umalis. Mabigat ka, alam mo ba?" sabi ng lalaking ito. Wait!
"Tristan!" gulat na sabi ko at dahil doon ay bigla akong napatayo kaya nauntog din siya sa lupa nang bigla kong alisin ang mga palad ko para tumayo. Wala din, nauntog din siya.
Paano ba naman kasi, bakit siya pa? Sa dinamidami ng mga taong nakatira sa village na ito ay siya pa itong nakabangga ko.
S'yempre, kayong dalawa lang naman ang nagja-jogging dito.
Iyon na nga. Bakit ngayon niya pa naisipang magja-jogging? Pwede namang bukas para hindi sana kami nagkabangga.
Eh ano ba ang nirereklamo mo? Eh di 'wag mo na lang pansinin para walang problema.
Oo nga, 'no?
"Aray ko naman. Walang din pa lang silbi ang paglalagay mo ng palad mo para hindi ako mauntog tapos ikaw rin pala ang mag-uuntog sa akin," reklamo nito at himas-himas ang ulo. Mukang masakit nga yata ang pagkakauntog n'ya. S'yempre, masakit talaga iyon. Naku naman Alex.
"Eh di sorry na," sabi ko at inirapan siya. Dami pang arte. Akala mo hindi lalaki.
"Hindi pwede ang sorry lang. Ipagluto mo ako ng french fries," nakangising sabi nito.
"Ano?! Magluto mag-isa mo," pag-ayaw ko at padabog na umalis. Ano siya sinuswerte? Akala mo naman bati na kami. Hindi ko pa kaya nakakalimutan ang sinabi niya.
Oy siya! Parang nagtatampong girlfriend lang.
Girlfriend!? Pwe! Yuck! Eww! Never! Nakakainis din minsan itong isip ko, pasabat-sabat.
"Saglit lang. Ipagluto mo na ako ng fries. Sige na," habol nito sa akin. Magluto ka ng sa iyo. Aabalahin mo pa ako. Imbis na makakapagpahinga ako.
"Ayoko. Tinatamad ako," sagot ko dito at sinalpak ang headset ko para hindi ko siya marinig. Nakakrindi siya.
"Fries lang naman kasi. Sige na," ungot nito matapos tagtagin ang headset ko. Nakakainis na naman. Nagiging childish na naman. Maigi pang magkaaway kami dahil tahimik ang buhay ko.
"Sinabi ngang ayaw ko!" sigaw ko dito at pumasok ng gate.
"Eh di 'wag kung ayaw mo," sabi naman nito at naunang pumasok ng bahay. So, galit na siya niyan? Galit na siya sa lagay na iyon? Bahala siya. Magluto s'ya kung gusto niya. Nagpalit na ako ng damit para magluto ng agahan.
Vote and comment.