Chapter 32: Sweet

141 5 0
                                    

ALEX POV

Matapos ang pag-uusap namin ni Amythest ay umalis na rin siya at nakihalubilo na uli sa mga magulang nito. Tiningnan ko naman si Tristan na nakabusangot pa rin ang muka habang nagsi-cellphone. Totoo ang sinabi ko kay Amythest. Nagdadalawang-isip pa ako pero kung may araw man ako na sasagutin siya ay sa birthday n'ya iyon. Pinag-isipan ko kasi kanina matapos niya akong tanungin tungkol doon. Siguro ay birthday gift ko na rin sa kaniyaya.

Tumayo na ako at kumuha ng pagkain. Hindi pa kasi kumakain ang lalaking iyon. Ang arte kasi. Lumapit ako sa kanya at kunot-noo naman itong tumingin sa'kin.

"Kumain ka na," sabi ko dito at inilahad ang pagkain sa harap niya. Nakaupo siya sa ilalim ng puno nakatalikod sa lugar kung nasaan ang pamilya niya. Medyo mataas sa lugar na ito kaya naman maganda ang view.

"Hindi pa ako gutom," masungit na sabi nito at nag-iwas ng tingin. Ang daming arte. Sumandok ako ng pagkain at itinapat sa bibig niya.

"Kumain ka na. Alam kong gutom ka na. Hindi ka kumain ng agahan," sabi ko dito. Sinamaan niya ako ng tingin pero isinubo rin ang pagkain. Tsk! Ang arte din talaga ng lalaking ito. Habang ngumunguya ng pagkain ay patuloy ito sa paglalaro sa kaniyang cellphone ng kung anong laro. Tsk! Kaya hindi nagugutom, cellphone ng cellphone.

"Tigilan mo na nga muna iyan. Kumain ka na muna," sabi ko saka inagaw ng phone niya. Sinamaan niya ako ng tingin pero wala akong pakialam.

"Ano ba?" inis na sabi nito at inaagaw sa akin ang phone pero hindi ko binibigay.

"Kumain ka na muna bago ko ibalik." Inilagay ko sa bulsa ko ang phone niya at sinubuan siyang muli. Kumain naman ito. Grabe. Para akong nagpapakain ng bata, kailangan pang subuan. "Ayusin mo nga ang pagkain mo. Sinusubuan ka na't lahat, ang kalat kalat mo pa," sermon ko dito. Eh kasi naman ang daming kalat ng kanin tapos meron ka sa pisngi at gilid ng labi. Hayss naman talaga. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya at pisngi gamit ang kamay ko. Hindi ako nakapagdala ng panyo kaya huwag na siyang maarte. Napansin kong nakatitig siya sa 'kin habang pinupunasan ko ang pisngi n'ya.

"Ano?" singhal ko dito kaya naman napaiwas s'ya ng tingin.

"Ayaw ko na. Busog na ako," sagot nito na hindi makatingin sa 'kin.

"Anong busog na? Ni hindi mo pa nga nakakalahati itong nilagay kong pagkain. Ubusin mo ito," utos ko at sinubuan ulit siya. Natapos ko s'yang pakain kaya ibinalik ko na ang cellphone niya gaya ng sabi ko kanina. Ibinalik ko na ang pinagkainan n'ya sa lagayan.

"Yiehhh!! Ang sweet mo naman Ate Alex. Talagang sinubuan mo pa si kuya eh," sabi sa akin ni Amythest. Kilig na kilig ito dahil kang sa ginawa ko sa Kuya n'ya. Tsk! Maarte kasi ang Kuya niyang iyon.

"Napakaarte kasi ng Kuya mo," naiiling na sabi ko dito. "Sige, balik na ako doon," nakangising paalam ko. Tumango naman ito at umalis na rin. Namamasyal  sila ni Elsa habang ang mga matatanda naman ay nagkukuwentuhan. Si Alther naman ay nilalaro iyong anak ni Tita Crys.

Umupo ako sa tabi ni Tristan at sumandal sa puno gaya niya. Ang sayang pagmasdan ng mga pamilyang namamasyal at nagpi-picnic sa park na ito. Sana ay madala ko rin sina Inay, Itay, at mga kapatid ko sa ganitong lugar. Pangarap talaga naming magkakapatid na makapasyal sa park dito sa Manila. Napalingon ako kay Tristan ng humikab ito.

"Inaantok ka?" tanong ko dito. Tumango naman ito at sumubsob sa kaniyang mga tuhod. Umayos naman ako sa pagkakaupo. Nakasandal sa puno at naka-unat ang mga binti. Tinapik ko siya at inuutusang umunan sa kandungan ko. Nangunot naman ang noo nito pero hindi ko na siya pinansin. Pinahiga ko na kang siya sa aking kandungan.

"Matulog ka na," utos ko dito at hinawakan ang buhok niya. Pinaglalaruan ko iyon, ang lambot. Mas malambot pa nga ata sa buhok ko. Napansin ko naman nakatitig lang ito sa akin kaya tinaasan ko s'ya ng kilay. "Matulog ka na. Hindi mawawala ang antok mo kung titigan mo lang ako," sabi ko pa. Pumikit na ito kaya muli kong pinaglaruan ang buhok n'ya.

Ang gwapo pala talaga n'ya, ano? Malalantik na pilik mata, medyo makapal na kilay. Ang ilong na kay tangos at mamula-mulang labi. Ang hugis ng muka nito ay para bang tulad ng kay Sehun ng EXO, napakaganda. Napakamanly. At mga mata nito na kapag nakamulat ay ang sarap titigan. Kung hindi nga lang ako nahihiyang titigan ang mga mata niya. Iyon yata ang pinakagusto kong parte ng muka n'ya.

"Ikaw ba, hindi inaantok?" nagulat naman ako sa biglaan n'yang pagtatanong kaya napapikit ako. Nagmulat siya ng mata, naramdaman siguro ang pagkagulat ko.

"Hindi ako inaantok. Sige na, matulog ka na."

Nang muli s'yang pumikit ay muli kong kinagmasdan ang kaniyang muka. Para sa akin ay napakaperpekto nito kahit wala naman talagang perpekto sa mundo. Namalayan ko na kang ang sarili kong mga daliri na gumuhit sa mga kilay nito papunta sa kanyang mga mata. Sandali ko pang pinaglaruan ang mga pilikmata mata nito bago itinuloy sa bridge ng kaniyangyang ilong na matangos. Nahiya naman ang ilong ko, matangos naman pero hindi tulad ng sa kaniya. Bago ko pa mahawakan ang labi niya ay itinigil ko na. Ibinalik ko na sa mga buhok niya ang kamay ko. Kinuha ko na lang ang phone niya para kuhaan siya ng picture. Tulog naman siya. Nakailang kuha ako picture n'ya at ay iba ang kasama ako.

Tiningnan ko ang mga pictures n'ya at nagulat na lang ako dahil ang dami kong picture sa cellphone n'ya. Meron na sa room kami at nakatingin ako sa unahan. Meron pang nasa canteen kami at kumakain. Lahat ay stolen shots. Okay lang naman dahil okay naman ang pagkakakuha n'ya. Hindi ko lang talaga maisip na nakuhaan n'ya ako ng ganoon na hindi mo man lang napansin. Tsk! Galing rin lalaking ito. Muli pa akong nagtingin ng mga pictures. May pictures siyang nasa ibang lugar. Stolen din ang mga ito pero parang sinadya talagang stolen. Ang gwapo niya sa mga larawang ito, lalo naman na sa personal.

Vote and comment.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon