ALEX POV
"Ang mga pagkain, ayusin n'yo na. Malapit ng mag-alas dose," utos ni Mommy.
Mabilis na lumipas ang mga araw at pasko na bukas. Naghahanda na kami para sa Noche Buena. Kaybilis ng araw at masaya kaming magkakasama dito sa mansion. Gaya ng gusto nina Inay at Itay ay tumanggap sila ng trabaho dito sa mansion. Si Inay ay katulong samantalang so Itay ay hardinero. Sina Ana at Tonton naman ay hindi na pinayagan ni Mom at Dad na tumanggap ng anumang trabaho kaya tumutulong na lang kami kina Inay at Itay.
Kami naman ni Ate ay lalong naging close. Minsan nga ay isinasama niya kaming tatlo sa mall at binibilhan niya rin kami ng mga gamit. Sina Tonton at Ana ay may sarili ring kwarto sa mansion. Ganoon sina na Inay at Itay na magkasama sa isang kwarto.
Kami naman ni Tristan ay patuloy na nag-uusap tuwing gabi. Nagpunta din kami doon noong isang araw at naipakilala ko na rin sina Inay kina Tito at Tita. Noong time din na iyon naroon ang mga kaibigan namin kaya naman minsan ay gumagawa ako ng paraan para mapaglapit sina Ate at Joshua. Ang Ate ko kasing iyon, hindi na lang umamin.
Dinala ko na rin sa mansion si Tristan at ang mga kaibigan namin. Maayos naman ang tungo ni Ate at Tristan sa isa't isa, magkaibigan na sila. Ang France at Xandro ay mukang MU na. Iba kasi ang mga tinginan. At ito namang si Kuya ko ay pinopormahan na itong si Cheska. Eh 'di ang dalawang loka ay tuwang-tuwa. Aba'y s'yempre, nagkakaintindihan na sila ng mga crush nila. I'm happy for them. Hindi lang kasi ako ang masaya kundi pati sila.
"5, 4, 3, 2 ,1, Merry Christmas!!!"
"Merry Christmas to all," sabi ni Daddy isa-isa kaming niyakap.
"Merry Christmas everyone," bati ko sa lahat.
"Merry Christmas!!!"
"Halina't kumain na tayo," anyaya ni Mom kaya dumulog na kami sa hapag. Masaya kaming lahat. Masaya ako dahil kasama ko ang pareho kong pamilya ngayong pasko. Napakasaya ko talaga.
"Saan n'yo gustong pumunta bukas?" tanong ni Dad.
"Arcadeee!!!!!" sabay-sabay na sigaw naming apat. Pinag-usapan talaga namin ito na doon kami pupunta para makapagbonding ulit kami. Gusto naming ituloy iyong sa bonding namin sa Marinduque.
Matapos ang Noche Buena ay nag-exchange gift na kami. Nagpunta na kami sa salas sa tapat ng malaking Christmas tree kung saan puno ng maraming regalo sa ibaba niyon.
"Ako muna," sabi ko. Excited much eh. "Monita ko ay si........ Ate," sabi ko at iniabot sa kaniya ang regalo ko.
"Ano naman kaya ito?" tanong ni Ate habang binuksan ang regalo ko sa kanya. "Wow!" sabi nito at inilabas ang isang necklace na kapareha noong sa akin.
"Sister's goal," nakangiti kong sabi. Ikinabit ko sa kaniya ang kwintas kaya parehas na namin itong suot.
"Thank you Sissy," nakangiti niya akong niyakap. "Okay, ako naman. My monito is.... Tonton," banggit ni Ate. Tuwang-tuwa namang lumapit si Tonton kay Ate.
"Thank you Ate Stacey," pagpapasalamat ni Tonton habang binubuksan ang malaki niyang regalo. "Wow!" Tuwang-tuwang niyapos ni Tonton si Ate at halos mangiyak-ngiyak pa ito. Tinawanan namin skya dahil may tumulo talagang luha. Isang remote controlled car ang natanggap nuya mula kay Ate. "Thank you Ate Stacey," pagpapasalamat ulit nito.
"Welcome Tonton." Ate Stacey.
"Ang monito ko po ay si Tito Hero," nakangiting banggit ni Tonton na may luha pa sa mata. Iniabot niya kay Daddy ang kaniyang regalo.
"Thank you Tonton," pasasalamat ni Dad habang binubuksan ang regalo n'ya. Isang panto ang regalo niya may daddy ay ng buklatin ay may nakaipit na message dito. "Wow! May message pa s'ya," sabi ni Dad at binuklat ang message na handwritten talaga ni Tonton. "Dear Tito, thank you po sa lahat. Thank you po dahil mabait kayo sa amin at pinatira n'yo pa po kami sa malaki n'yong bahay. Salamat po," pagbabasa ni Dad sa message ni Tonton.
"Aww!! Ang sweet naman." Ate Stacey.
"Halika nga dito Tonton," tawag ni Dad kaya nahihiya namang lumapit si Tonton. "Ang sweet naman ng batang ito. From now on, you should call me Daddy. Okay?" nakangiting tanong ni Dad. Napapalakpak naman kami dahil doon.
"Okay po Daddy," sambit ni Tonton at yumakap kay Daddy.
"Ikaw din Ana."
"Opo," nahihiyang sambit ni Ana at lumapit na rin kay Dad.
"Ay dapat ako din. Call me Mommy," magiliw na sabi ni Mom sa dalawang bata.
"Mommy," sambit ng dalawa.
"Okay. Ang monito ko ay si Andoy," bangit ni Dad kaya nagpalakpakan kami.
"Maraming salamat," nakangiting pagpapasalamat ni Itay at binuksan ang kanyang regalo. Isang relo ang ragalong natanggap niya. "Maraming salamat Hero. Mukang mamahalin ang relong ito," sambit ni Itay. Kitang-kita ang kasiyahan sa kaniya. Sa pagkakatanda ko ay ngayon lang nakatanggap si Itay ng ganiyan kamahal na regalo.
"Walang anuman Andoy."
"Ako naman. Ang aking monita ay..... ang aking pinakamamahal na asawa," ngiting-ngiting sambit ni Itay.
"Yiehhhhh!!!!" tukso namin sa kanila. Nagyakapan pa sila kaya lalo naming tinukso. Binuksan ni Inay ang regalo sa kanya ni Itay. Isang bulaklaking blusa ang natanggap ni Inay. Tuwang-tuwa na siya doon sapagkat kahit gaano man ito kaliit ay sobrang saya niya dahil galing kay Itay.
"Maraming salamat Andoy," pagpapasalamat ni Inay at niyakap muli si Itay. "Ang monita ko naman ay si Stellar." Agad tinanggap ni Mommy ang regalo mula kay Inay. Isang ginantsilyong bag ang regalo ni Inay.
"Wow! Ang ganda naman nito. Ikaw ba mismo ang gumawa?" namamanghang tanong ni Mom. Maganda kasi pagkakagawa ni Inay.
"Oo. Iyan iyong ginagawa ko nitong nga nagdaang gabi," sagot ni Inay. Kaya pala medyo late na s'yang matutulog.
"Naku! Thank you so much. I will display it on my collections," tuwang-tuwang sabi ni Mommy at hindi na mabitawan pa ang bag. "My monita is Ana," banggit ni Mom. Nakangiti namang lumapit sa kaniya si Ana.
"Wow!" Halos magtatalon na si Ana sa sobrang saya ng makita ang natanggap niya. Niyakap n'ya si Mom at tumulo na ang mga luha. Isang set ng drawing and painting materials ang natanggap n'ya. Mahilig siya roon kaya sobrang tuwa ng makatanggap. "Maraming maraming salamat po," umiiyak nitong sabi.
"Shhh!!! 'Wag ka nang umiyak," pagpapatahan sa kaniya ni Mom.
"Maraming salamat po talaga." Tinanguan na lang siya ni mom. "Ang monita ko po ay si Ate Alex." Tinanggap ko ang regalo n'ya. Isang bracelet na napakaganda. Niyakap ko s'ya at nagpasalamat.
Napakasaya ng lahat sa natanggap na regalo. Ako ay may regalo pang muli sa kanila. Ganoon din sina Mommy at Daddy at tsaka si Ate. Sobrang saya ng lahat. Matapos ang bigayan ng mga regalo ay muli kaming natulog. Pupunta pa kami ng arcade bukas. Nandoon din sina Tita Sam at ang mga kaibigan namin.
Vote and comment.