SAM POV
Hi everyone! It's nice to meet you again. Namiss ko kayo.
Masaya na ang buhay ko ngayon kasama ang family ko. Masaya rin kami ni Axel sa trabaho namin. Nagpagawa na rin kami ng sarili naming hospital at doon kami nagtatrabaho pareho kasama na rin namin si Scar pero si Seth ay sa hospital ng family nila nagtatrabaho.Pupunta dito ang dalawang babae sa bahay namin. Kakarating lang nina Crys at Edward from Italy. Sobrang gala kasi ng dalawang 'yon.
"Nanay Melba, ayos na po ba ang spaghetti?" tanong ko habang inaayos ang mga sandwich.
"Tapos na. Dalhin na natin sa labas," sagot ni Nanay Melba. Magkatulong kami sa pagdala lahat ng food sa may pool. Naroon na rin ang ihawan para mamaya.
S'ya nga pala, nakaday off kami ngayon ni Scar. Sina Axel at Seth naman ay parehong busy. And si Edward ay may pupuntahang business meeting. Masyadong busy ang boys kaya kaming mga girls na lang muna ang magbabonding.
Lahat ay nakaprepare na. Ang kulang na lang ay ang dalawamg babaita. Ang tagal naman nila.
Ding! Dong!
Sila na siguro iyon. Pumunta na ako sa gate para pagbuksan sila. Hayss namiss ko ang Crys na ito.
"Hi Sam," agad na bati ni Scar ng mabuksan ko ang pinto. Wala pa si Crys. Ang tagal naman nlon.
"Hi! Ang aga mo ah."
"Bakit? Wala pa ba si Crys?" tanong niya habang papasok kami sa bahay.
"Wala pa."
Inilagay niya lamang ang mga gamit niya sa loob at sabay na kaming pumunta sa pool. Doon na lang kami magkukuwentuhan habang hinihintay si Crys.
"Anong meron sa iyo kahapon? Bakit buong maghapon kang nakatamuso? Pansin kaya ng lahat," tanong ko. Ang tahimik niya kahapon. Hindi naman siya ganoon. Siya pa nga ang pinakamaingay sa hospital.Nanibago rin tuloy pati mga pasyente n'ya.
"Nitong nakaraang mga araw kasi, pansin ko na parang may iba kay Seth," pag-amin niya. May iba?
"Anong iba?" curious na tanong ko.
"Eh kasi, lagi siyang gabi na kung umuwi. Hindi naman ganoon dati."
"Eh baka naman marami lang s'yang pasyente."
"Siguro. Hindi ko alam. Hindi naman siya nagsasabi sa akin at tsaka nalaman ko na dumating na pala iyong ex niya from New York at same sila ng pinagtatrabahuhang hospital," nakatamusong sabi nito. Naku! Umaandar na naman ang pagiging selosa ng babaeng ito.
"Scar. Nagseselos ka na naman 'no? Hindi ba sinabi na ni Seth sa iyo dati na wala ka ng dapat ipagselos? Jusme! May anak na kayo at lahat napakaselosa mo pa rin," sermon ko sa kaniyaya.
"Eh kasi namn eh."
"Ewan ko sa 'yo. Nababaliw ka na."
Pero ako, pansin ko rin na may iba kay Axel. Masyado kasi siyang tahimik nitong nakaraan. Nagsimula iyon, a day before ko makilala si Alex. Hindi naman ako nagseselos dahil wala naman akong pagseselosan. Ano ba naman kasi ang nangyayari sa mga lalaking 'yon? 'Wag lang silang gagawa ng kalokohan, ay naku lang.
"Hi girls!" Napalingon kami ng may magsalita sa likuran namin. Saya ang naramdaman namin ng makita si Crys. Halos dambahin na namin siAdasa ng yakap.
"Hey! Hinay-hinay lang. Hindi na ako makahinga," natatawang sabi niya. Tumatawa naman kaming bumitaw. Nakakamiss kasi siya. Pano ba naman, hindi mapirmi sa isang lugar.
"Namiss ka lang talaga namin," sabi ni Scar.
"Namiss ko rin kayo, mga baliw. Hahaha." Muli kaming nagyakapan. Nakakamiss talaga.
"Naku! Tama na iyan. Magswimming na tayo," aya ko sa kanila.
"Mabuti pa nga. Excited na ako," masayang sabi ni Scar. Nagpalit kami ng swimsuit namin at masayang tumalon sa pool. Parang mga bata lang.
"Grabe ka Sam, ang sexy mo pa rin kahit na dalawa na ang anak mo," puri sa akin ni Crys.
"Wow! Nahiya naman ako sa katawan mo, babae." Nagtawanan na lang kami sa sinabi ko. Sa totoo lang, maganda naman ang katawan namin pareho. Minsan nga napagkakamalan kaming mga dalaga pa kapag magkakasama kaming nagmomall.
"Kamusta na nga pala si Zabrina?" mayamaya ay tanong ni Scar kay Crys.
"Okay naman. Napakakulit pa rin. Nandoon siya Kay Mom ngayon. Bonding daw muna sila."
Si Zabrina Elyse ay ang anak nina Crys at Edward. Napakacute ng batang iyon. Sa aming tatlo, sila ni Edward ang huling nagpakasal kaya napakabata pa ni Zabrina kumapara sa mga anak namin ni Scar.
"Eh si Alther, kamusta na? Nakita ko 'yong post niya sa IG, he's really handsome."
"S'yempre, kanino pa ba magmamana? Hahaha," pagyayabang ni Scar.
Si Alther Xandros Forillo ay anak nila ni Seth. Binata na rin ang isang iyon. Kasing edad lamang siya ni Amethyst. Heartthrob din sa school nila. Kagwapo ba naman.
"Eh ikaw naman, Alex. Kamusta na ang binata mo? Basagulero pa rin ba?" tanong ni Crys. Alam nila pareho ang ugali ni Tristan at ang mga ginagawa nito. S'yempre, kinukwento ko sa kanila. Sa kanila ko sinasabi ang inis ko sa batang iyon.
"Ayos naman na. Simula nang dumating si Alex ay hindi na uli ako napapatawag sa school dahil sa kalokohan niya. Mabuti na nga iyon," sagot ko. Pansin kong nagbago na rin sya kahit konti. Tsaka parang bumabalik na siya sa dati. Nagiging childish na naman eh. Ang bata na iyon talaga.
"Teka! Sino naman itong Alex? Bagong girlfriend niya?" curious na tanong ni Crys. Ayan kasi ang napapala ng gala nang gala. Hindi na alam ang nangyayari sa inaanak.
"Hindi. Siya ang kinuha ko para maging babysitter ni Tristan. Pero, gusto ko siya na lang ang maging girlfriend ng anak ko." Totoo iyon. Bagay na bagay kasi sila. And I really like the personality of Alex.
"Owss, really? Hindi ko alam na naghanap ka talaga ng babysitter para sa kaniya. Gusto kong mameet ang batang 'yan," sabi ni Crys habang kumakain ng fries.
"Ako rin. Mukang maayos ah," sabat naman ni Scar. Sure akong magugustuhan rin nila si Alex, kagaya ko.
"So maiba tayo. Ano itong chinat mo sa GC, Scar?" pag-iiba ni Crys sa usapan. Ayan na nga. 'Yan din ang pinag-uusapan namin. Muling kinukwento sa amin ni Scar ang nangyayari sa kanila ni Seth.
"Naku naman, 'wag kang praning Scarlet Santos-Forillo. Baka naman busy lang talaga ang asawa mo," sabi ni Crys na inirapan pa si Scar.
"'Yan nga rin ang sabi ko sa kaniya. At tsaka nagseselos lang iyan dahil magkatrabaho ang asawa niya at iyong ng ex," natatawa kong sabi. Simula kasi nang maging mag-asawa sila ah naging selosa na ito Scarlet. Tsk! Tsk!
"Malay ko ba. Baka kasi ano------"
"Hay naku, Scar. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Masyado ka kasing nag-iisip kaya napapraning ka na," sermon sa kanya ni Crys. Selosa lang talaga kasi.
"By the way, kamusta naman kayo ni Edward?" tanong ko.
"Ayon, sinusulit na namin ang pagtatravel kasama si Zaby, kasi papasok na siya next year. Madalang na namin magagawa ang ganoon kapag pumasok na siya," sabi niya at uminom ng wine. Mukang nalulungkot la na hindi na sila makakapagtravel.
"Oo nga pala. Sure akong napakatalino ng batang 'yon," puri ni Scar sa anak ni Crys.
"Sure na sure 'yln," sang-ayon ko naman. Napakabibo kasi at napakaganda pa.
"Oh eh kayo naman ni Axel. Kamusta na kayo?" tanong nila sa akin. Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng napansin ko kay Axel simula noong nakaraan.
"Oh kita mo na. Pati rin naman pala kayo ng Axel mo," Scar.
"Eh atleast ako, walang pagseselosan. Ikaw?" pang-aasar ko sa kanya.
"Wala namang ganiyan," nakatamusong sabi nito. Pareho-pareho na lang kaming natawa sa sinabi niya. Nagpatuloy kami sa pagkain at pag-inom. Swimming dito, swimming doon ang gawa namin hanggang magtanghali. Sa pool na rin kami kumain ng lunch para mas masaya
Vote and comment.