Chapter 5: Bully

333 15 0
                                    

ALEX POV

Napakawalangya talaga ng lalaking iyon. Bwisit! Nakakainis.

Tapunan ba naman ako ng tubig. Nagdidilig kasi ako ng halaman sa garden nila. Hindi ko naman alam na nasa tapat lang pala noon ang kwarto niya kaya ang sira-ulong isip-bata kung alaga, tinapunan ako ng tubig.

Nakakainis! Kaliligo ko pa lang tapos basa na naman ako. Makakaganti rin ako sa kaniya. Lintik lang ang walang ganti.

"Ate Alex, tapos ka na bang magpalit?" dinig kong tanong ni Elsa sa labas ng cr.

"Oo, bakit?" tanong ko rin at lumabas ng c.r.

"Dadalhin mo na daw ang merienda ni Kuya Tristan sa kwarto niya. Ikaw daw ang magdadala dahil ikaw naman daw ang babysitter niya," sabi sa akin ni Elsa. Babysitter. Muka niya. Sure akong may katarantaduhan na naman ang hinayupak na iyon.

"Sige. Ano bang kinakain noon?" tanong ko sa kanya habang papunta kami sa kusina.

"Mahilig siya sa french fries tapos maraming ketchup," sagot sa akin ni Elsa. Hmm.. mukang makakabawi na ako. Hahaha. Evil laugh.

Niluto ko na ang French fries at inihanda ang KETCHUP! Hahaha. Tingnan lang natin kung hindi ka sumipol dito. Inilagay ko na sa isang lagayan at dinala sa kwarto.

"Tristan." Sinadya kong palambingin ang boses ko. Ngayon pa lang natatawa na ako sa maaaring mangyari. Bawing-bawi na ako dito.

"Come in." Sungit talaga ng damuhong kyon. Dahan-dahan kung binuksan ang pinto baka kasi matapon ang French fries ng alaga ko. Sayang naman. Sarap pa naman nito. Mapapasipol siya sa sobrang sarap.

Wow! Ang ganda ng kwarto niya. Ang linis. Wow talaga. Sa sobrang ganda at linis, hindi mo akalain na ang may saltik, sira-ulo at bully na lalaki ang may-ari ng kwartong ito.

"Hoy! Baka matuluan ng laway mo ang French fries ko!" sigaw nito sa akin habang nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. At ang gago, nakaboxer lamang. Akala mo naman ay kaganda ng katawan. Payatot naman.

"Ewan ko sa 'yo," sagot ko at inirapan siya. Inilagay ko sa table na sa harap niya ang French fries. "May kailangan ka pa ba?"

"Wala na. Pwede ka ng umalis," sagot nito. Mabuti naman. Lalabas na sana ako ng pinto ng tawagin na naman niya ako. Bwisit talaga. Sabi wala na daw siyang kailangan tapos nang papaalis na ako, tatawagin ako. Gago rin. Nang-aasar na naman ito.

"Ano na naman iyon?" walang-gana kong tanong sa kanya. Kakawalang-gana kasi siyang kausap.

"Pakikuha nga ng towel sa banyo," utos neto. Parang iyon lang, ipag-uutos pa niya. Ang tamad naman talaga niya.

Naglakad na lang ako papasok ng c.r niya. Medyo nakaawang ang pinto at dahil nabwibwisit ako ay padabog ko itong tinulak.

"SHIT!!!"

"HAHAHAHAHAHA!!!"

"BWISIT KA TALAGA!" sigaw ko sa tumatawang si Tristan. Halos mamatay na siya kakatawa. Sana na nga mamatay na siya.

Kaya naman pala nakaawang iyong pinto dahil may nakapatong na timbang may tubig. Ayan tuloy basa na naman ako. Bwisit kasi ang hinayupak na ito.

"Oh, kamusta ang paliligo mo? Masaya ba?" nang-aasar na tanong niya. Agad ko naman hinablot ang unan sa may sofa at binato sa kanya na agad niyang nailagan. Bwisit talaga. Padabog akong naglakad papaalis. Nilingon ko pa siya. Nakita kong kumuha siya ng French fries at isinawsaw sa ketchup. Makakaganti na rin ako sa iyo. Iniwanan kung bahangyang nakabukas ang pinto para marinig ko ang sasabihin niya pagkatapos matikman ang sobrang halang na ketchup. Nilagyan ko kasi chilli powder ang ketchup kaya ewan ko na lang kung hindi siya sumipol.

"OH SHIT!!! ALEXXXX!!!!!"

"HAHAHAHA!!!"

Ano ka ngayon? Akala mo ikaw lang marunong mang-bully. Pero hindi naman ako ganoon kasama, may kasamang tubig iyong dala ko kanina. Pwede na ito  sa kanya kaso nga lang hindi sasapat para maalis ang anghang.

"Oh Ate. Anong nangyari kay Kuya Tristan? At tsaka, bakit basang-basa ka na naman?" curious na tanong ni Elsa pagkababa ko sa hagdan.

"Wala 'yon. Nadulas lang si Tristan tapos naitapon niya sa akin ang dala niyang tubig," sagot ko dito. Maniwala ka. Letse kasi iyong lalaking iyon.

"Ganoon po ba? Sige po, babalik na ako kay Inay sa likod-bahay," sabi nito at umalis. Mukang naniwala naman siya sa palusot ko. Sana nga.

Makapagpalit na nga lang. Umaga pa lang pero kotang-kota na sa akin ang lalaking iyon. At sure akong gaganti na naman siya. Isip-bata kasi. Pero hindi ko siya aatrasan. Matira matibay sa aming dalawa.

Pagkatapos kong magpalit, nagpunta ako sa salas nila para magwalis. Wala kasi akong magawa. Napansin ko rin na ma-alikabok sa salas nila kaya magwawalis na lang ako. May magawa man lang ako hindi iyong nakatambay lang ako dito.

Sinimulan ko na ang pagwawalis sa mga sulok-sulok. Ang ganda talaga ng bahay na ito. Hindi lang bahay, mansion na.

Malapit na akong matapos sa pagwawalis ng bumaba si Tristan na sobrang sama ng tingin sa akin. Namumula ang labi niya pati na rin ang ilong at tenga. Naparami ata talaga ang pagkakalagay ko ng chilli powder. Pero okay na rin iyon, atleast nakaganti ako sa pambu-bully niya sa akin.

Naupo siya sa sofa at binuksan ang t.v. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at hindi na siya pinansin. Hindi naman kasi kapansin-pansin.

"Kuhaan mo nga ako ng juice at cookies. And don't you dare to put something," cold na sabi neto.

Owkey!

Iniwan ko ang ginagawa ko at nagpunta sa kusina. Kinuha ko ang juice at cookies saka nilagay sa isang lagayan. 'Wag daw lalagyan ng kung ano. Mabait naman ako kaya hindi ko lalagyan.

Pero parang nagdadalawang-isip ako. Parang gusto kong lagyan uli ng chilli powder. Hahaha.

Dinala ko na sa salas ang pagkain niya at halos mabitawan ko ang dala ko dahil sa nakita ko.

May dumaan bang bagyo? O kaya naman ipo-ipo? O kaya naman ay may minassacre dito.

Bwisit! Ang kaninang mga naka-ayos na magazine sa ibabaw ng table, kung saan-saan na napunta. Parang ipinagtatapon. Itinapon talaga, hindi parang. May gusumot pang papel. Bwisit! Kitang-kota na talaga siya sa akin.

Napatingin naman ako sa damuho kong alaga at parang wala itong nakikita. Deritso lang ang tingin sa t.v. Bwisit talaga. Dapat talaga nilagyan ko ulit ng chilli powder itong cookies niya. Kung alam ko lang na mangyayari ito. Bwisit!

"Anong ginawa mo?" inis na tanong ko sa kanya. Mas matindi pa siya sa bata.

"Nothing. Masyado lang talaga malakas ang hangin," sagot nito at kinuha ang cookies. Takte naman. Saan manggagaling ang malakas na hangin? Sarado naman ang pinto at wala namang electric fan dito.

"Nang-aasar ka na naman. Kahit malakas ang hangin dito, hindi mapapadpad sa kung saan-saan ang mga magazine na iyan at hindi naman siguro kayang gusumutin ng hangin ang mga papel." Para akong nagsasaway sa isang one year old baby.

"Wala ka naman dito kanina kaya hindi mo nakita ang nangyari," seryosong sabi niya at binuhat ang cookies at juice saka umakyat sa kwarto niya. Iniwan pang bukas ang t.v. Gago talaga.

"Bwisit ka talaga. Alam mo 'yon?" bwisit na sigaw ko sa kanya.

"I know. Pero mas bwisit ka," sagot nito at padabog na sinarado ang pinto ng kwarto niya. Bwisit talaga.

'GGGRRRRRRRRR!!!!'

Bwisit! Bwisit talaga.

Nakakainis!

Sinimulan ko na lang ang pag-aayos dahil kung iisipin ko pa ang ginawa ng damuhong iyon, baka hindi ako makatapos dito sa inis.

Pinatay ko ang t.v at pinagsisimot ang mga magazine at muling nagwalis. Makakaganti rin ako sa iyong damuho ka. Humanda ka kapag ako gumanti ako sa iyo. Akala mo papayag ako ng na i-bully mo ako. Never!

AS IN NEVER!!!!!

BWISIT KA TALAGA!!

Vote and comment.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon