ALEX POV
"Ate, kailangan ba talagang umalis ka pa dito? Pwede ka naman dito," malungkot na tanong ni Amethyst. Tinutulungan nila akong mag-impake ng mga damit ko.
"Ano ba naman Claire? S'ympre kailangan niyang pumunta sa bahay ng mga magulang niya. Matagal siyang nawalay sa kanila kaya kailangan bawiin ang mga oras na hindi sila nagkasama," sabi ni Tristan na nag-ayos din ng mga gamit ko. Napatingin ako sa kaniya. Seryoso sa ginagawa. Alam ko, malungkot din siya.
"Dadalaw din naman ako Amethyst," naiiyak kong sabi kaya niyakap ko siya pati na rin si Elsa. Mamimiss ko ang mga ito.
"Dalawin mo kami dito Ate," umiiyak na sabi ni Elsa. Tumango na lang ako dahil hindi na ako makapagsalita. Nagbabara na ang lalamunan ko. Humiwalay kami sa yakap at nagpatuloy sa pag-iimpake.
"Hala! Kaunti lang ang dala kong gamit ng dumating ako dito. Pero ngayong paalis ay anong dami ko ng dala," natatawa kong sabi para pagaanin ang nararamdaman. Nagtawanan rin naman sila.
"Ang hilig kasing magregalo ni Kuya," natatawa namang sagot ni Amethyst. Napangiti na lang ako dahil doon.
"Ay Ate, may ipapadala nga po pala kami sa iyo," sabi ni Elsa.
"Ay, oo nga pala. Saglit lang Ate, kukunin lang namin," paalam ni Amethyst at sabay na silang lumabas. Katahimikan ang namayani ng umalis ang dalawa. Hindi nagsasalita si Tristan. Seryoso lang sa pag-aayos ng mga gamit ko. Nagpatuloy din ako sa pag-aayos ng makita ko ang jersey na ipinahiram niya sa akin noon. Pinulot ko ito at lumapit sa kaniya.
"Oh. Hindi ko pa pala naiibabalik sa iyo iwyan," sabi ko habang iniaabot sa kaniya ang jersey short. Nakanguso lang itong umiling at yumakap sa akin. Haysst. Ang alaga ko na naging boyfriend ko. Naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko dahil nakapatong ang muka n'ya roon. Umiiyak ang Kinnie ko.
"Oh, bakit ka umiiyak?" natatawang tanong ko pero sa loob-loob ko ay naiiyak na rin ako. Umiling lang siya at lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin. "Tigil na. Para namang hindi na tayo magkikita," pagpapatahan ko dito. "Dadalawin mo naman ako, 'di ba? At saka lagi naman tayong magkikita sa school."
"Pero iba pa rin na dito ka umuuwi," umiiyak pa ring sabi nito.
"Wala tayong magagawa. Gusto ko mang dito magtigil ay gusto ko rin namang makasama ang pamilya ko," sabi ko. Ang hirap naman nito.
"Pakabait ka doon, hah? Ingatan mo sarili mo. Lagi kitang susunduin at ihahatid sa bahay n'yo," sabi nito at humiwalay sa yakap pero nakakapit pa rin sa balikat ko.
"Opo na po," nakangiti kong sabi. Eh kasi naman parang sobrang layo ng pupuntahan ko ay sa kabilang village lang naman ang bahay namin. Opo, sa kavilang village lang. Nalaman ko kahapon pero hindi pa ako nakakapunta doon. Sinabi lang sa akin tapos nalaman ko na sa kabila lang pala.
Kinabukasan ay sinundo na ako nina Mommy at Daddy kaya iyakan portion na naman kami bago ako nakaalis. Mamimiss ko talaga sila. Ang dami ko ring masasayang memories with them. Sila iyong mga taong makasama ko ng parehong nawalay ako sa dalawa kong pamilya. Walang sawang pasasalamat para sa kanila dahil kinupkop at inalagaan nila ako kahit katulong lang nila ako. Itinuring pa rin nila akong isang pamilya.
"Anak, nasa bahay na ang Ate mo. Hindi na nakasama dahil sa pagod sa byahe," sabi ni Mom ng nasa sasakyan na kami.
"Okay lang po. Actually po, nagkita na kami dati," sabi ko.
"Talaga? Where?" tanong ni mom.
"Ahmmm.... Sa mall po," sagot.
"Wow! I'm sure natutuwa ang Ate mo. Miss ka na noon," sabi ni Mommy at niyakap ako.