ALEX POV
Ang buhay nga naman parang life. Dahil hindi ko rin natiis, nagluto rin ako ng fries. Feeling ko kinulam ako ng isang iyon para maipagluto siya ng fries.
"Tapos mo na bang lutuin ang lahat ng iyan?" tanong ni Nanay Melba.
"Opo. Ihahain ko na lang po ito," sagot ko sa kanya. Tinulungan naman nila akong maghain ng agahan. Mayamaya pa ay dumating na sila at sabay-sabay na kaming kumain.
At s'yempre, magkatabi kami ni Tristan. Hindi ko pa binibigay ang fries. Mamaya na lang o kaya naman hindi ko na lang ibibigay, ako na lang ang kakain.
"Kuya, saan nga pala kayo galing ni Ate Alex kanina? Nakita ko kayo na galing sa labas eh," tanong ni Amethyst. Nasami siya dahil doln. Buti na lang at ubos na ang pagkain ko sa bibig ko.
"Okay ka lang anak?" nag-aalalang tanong ni Sir Josh. Natigil rin sa pagkain sina Ma'am Sam pati na rin sina Nanay Melba at Elsa.
"Yeah. I'm okay," sagot nito matapos uminom ng tubig. Sinamaan naman nito ng tingin ang bunsong kapatid.
"Nagdate ba kayong dalawa?" nakangising tanong ulit nito at sa pagkakataong ito ay ako naman ang nasamid dahil kakasubo ko pa lang ng pagkain. Basta na lamang akong dumampot ng tubig at ininom ito habang nakahawak sa dibdib.
Hayss! Ang sakit noon sa dibdib. Bakit naman kasi ganoon ang mga pinagsasabi ng batang ito?
Napatingin naman ako sa kanila dahil nakatitig silang lahat sa akin pagkatapos kong uminom ng tubig. Tiningnan ko sila isa-isa. May problema ba? Bakit ganiyan sila makatingin?
"Indirect kiss 'yonn ah," usal ni Amethyst. Nanlalaki naman ang matang napatingin ako sa kaniya at saka sa basong hindi ko pa nabibitawan.
What?!
Agad ko itong nabitawanan ng marealize ko ang sinasabi nila. Kay Tristan pala na baso ang nagamit ko na ininuman n'ya rin kanina. Shit naman. Anong nagawa ko? Nakakahiya.
Nakagat ko ang labi ko at pakiramdam ko ay namumula na ang buo kong muka sa hiya. Kung bakit iyon pa kasi ang nadampot ko. Ang baso ko ay nasa kanang bahagi pero dahil nasa dibdib ko ang kanan kong kamay, kaliwa ang nagamit kong pangkuha ng baso ng tubig tapos iyong kay Tristan nga ang nadampot ko. Ano ba namang klaseng kahihiyan ito? Naman!
Naging tahimik na tuloy ang pagkain namin. Nakakahiya talaga. Sa harap pa naman ng pamilya niya. Nakakahiya.
Ang tanga mo naman kasi Alex. Hindi na tuloy ako makakakain ng maayos. Natapos ang agahan na tahimik ako. Hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa kanila lalo na sa Tristan na ito na kanina pa nakangisi. Bwisit! Paniguradong mang-aasar na naman ito
"Ate Alex, tahimik ka. Okay ka lang ba?" tanong ni Elsa habang naghuhugas kami ng pinagkainan.
"Okay lang ako. Huwag mo na akong pansinin," sagot ko na lang dito. Ayoko munang pag-usapan ang kahihiyang nagawa ko kanina.
"Tahimik ka eh. Siguro inisip mo iyong nangyari kanina, ano?" nang-aasar sa sabi nito. Sinabi na ngang ayaw kong pag-uapan.
"Hindi 'no. Hindi ko iyon iniisip. At bakit ko naman iisipin, aber?" taas-kilay na tanong ko sa kanya. Feeling ko namumula pa rin ako kapag naaalala ko.
"Weh! Eh bakit namumula ka? Oy, si Ate Alex, nagba-blush," nang-aasar na sabi nito. May pagsundot pa sa tagiliran ko.
"Hindi talaga. Promise," sabi ko sa kanya at tinaas ang kanang palad ko na animong nanunumpa.
"Talaga?!" Napalingon naman kami sa nang-aasar na tinig na iyon ni Tristan. Nakasandal ito sa pinto ng kusina habang nakacross arm. Sinasabi ko na nga ba at mang-aasar na naman ang isang ito. "Hindi mo iniisip iyon?" nakangising tanong nito habang tinataas-baba ang kilay. Hayss! Ngisi pa lang talaga ng lalaking ito, nakakaasar na.