Epilouge

404 17 3
                                    

1 year later

"Ana, bilisan mo na diyan. Baka malate na tayo sa graduation ng mga Ate n'yo," pagmamadali ni Inay kay Ana.

"Eto na po Inay," sagot ni Ana na lumabas na sa kwarto niya. Kayganda talaga ng batang ito.

"Ayos na ba ang sasabihin mo anak?" tanong ni mom habang inaayos ang toga ko.

"Ayos na Mommy," nakangiti kong sagot.

"Congrats bunso," pagbati sa akin ni Ate at iniaabot ang regalo niya. Si Ate ay nakagraduate na noong isang araw kaya makakapunta silang lahat ngayon sa graduation ko.

"Thank you Ate," nakangiting pagpapasalamat ko at niyakap siya.

"Tara na, baka mahuli pa tayo. Sayang naman ang speech nitong si Alex," aya ni Dad kaya sumakay na kami sa van at nagpunta na sa school.

Haysst. Mamiss ko ang mag-aral. Mamimiss ko ang lahat ng ito. Halos dalawang taon din akong nag-aral dito sa RBU at hindi ko akalain na ang pagpunta ko dito sa Manila ay magiging dahilan para makita ko ang pamilya ko at tuluyang magbabago ang buhay ko.

Nagkita-kita kaming magkakaibigan  sa tapat ng kubo sa may likod ng gym. Hindi pa naman kasi magsisimula ang ceremony kaya may oras pa kami.

"Picture kayong lahat," sabi ni Mom na may dalang camera. Pumwesto kami sa tapat ng kubo at nagpapicture. Nagkaroon din ng family picture, kina Mom at Daddy at kina Inay at Itay. Meron din kaming dalawa lang ni ate tapos kaming tatlong magkakaibigan at kasama naman iyong dalawang bata. At s'yempre, hindi mawawala ang picture naming dalawa ni Tristan. Nagbigayan na rin kami ng kaniya-kannyang regalo at lahat ay masaya. Nakatapos na rin kami ng pag-aaral at magsisimula na ng panibagong buhay. Buhay kung saan gagampanan na namin ang propesyong aming napili.

"Alexandria Ash Castillo Min, Magna Cum Laude." Palakpakan at hiyawan ang maririnig ng tawagin ako para tawagin ang aking medalya at sabihing ang aking speech.

Matapos masabitan ng medalya ay nagpunta na ako para sabihin ang aking mensahe.

"Ngayon ay ang araw na tayo magtatapos tayo kung saan ang tapos sa yugto pag-aaral. Tapos na ang paggawa ng projects, assignments and lectures. Tapos na ang araw-araw nating pagsuot ng uniform ng eskwelahang ito. Tapos na ang pag-aaral natin at simula bukas ay panibagong mundo na ang hararapin natin. Panibagong buhay na ang ating tatahakin. Ang buhay kung saan gagampanan na natin ang propesyong ating napili..... Sa pananatili natin sa eskwelahang ito ay marami tayong naranasan. Some of us experience the things that we never expect to experience. I know all of us enjoyed our stay here in our Alma matter. Darating ang panahon na babalik tayong muli sa lugar na ito at muling aalalahanin ang mga naging karanasan natin sa lugar na ito. Magkakahiwa-hiwalay man tayo, malalayo sa ating mga kaibigan, maiiwan ang mga gurong naging kaibigan na rin natin. Kailangan natin itong maranasan para sa panibagong buhay natin. To all graduates, congratulations. We finished another chapter of our life," nakangiti kong pagtatapos ng akong speech. Hindi ko alam kong may kabuluhan pa iyong mga pinagsasabi ko pero iyon ang laman ng puso ko kay iyon ang sinabi ko.

Palakpakan, hiyawan, masaya ang bawat isa sa amin dahil isang yugto sa aming buhay ang aming nalagpasan. At bukas ay magsisimula na ulit kami ng panibagong yugto.

Sabay-sabay naming inihagis sa taas ang aming mga sombrero. Isang masayang karanasan para sa aming lahat.

"Congratulations My Queenie," nakangiting bati ni Tristan ng makasingit sa mga estudyante at gurong bumabati sa akin.

"Thank you My Kinnie. Congrats din sa 'yo," pagbati ko rin sa kaniya. May dinukot s'ya sa kanyang bulsa at nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. Ang mga tao ay naghihiyawan na sa paligid at mga kinikilig. Ang pamilya ko at mga kaibigan ay nagtanguan lang sa akin. Wait! Alam nila ito?

"I know this is too early but I want to make sure that you'll be forever mine. Will you marry me?" tanong nito sa harap ng lahat kaya napatakip ako sa bibig ko. Naiiyak na ako. My gosh! Lagi talagang may sorpresa ang lalaking ito. Muli ako tumingin sa pamilya at mga kaibigan ko at muli silang tumango. Muli akong lumingon kay Tristan na nakaluhod pa rin sa harap ko.

"Yes!" masayang-masaya kong sagot. I never expect na gagawin n'ya ito sa harap nilang lahat. I hug him tight. I love this man so much.

"Wooooooohhhh!!!!!"

"Yiiiieeeeeehhhhhhhh!!!!!"

Isinuot niya ang singsing sa daliri ko at muli akong niyakap. Tuwang-tuwa namang lumapit sa akin sina Ate, Cheska, France, Amethyst, Elsa and Ana. Nagtatalon na kami sa sobrang tuwa at nagyakapan.

"Congrats Sissy," tuwang-tuwang bati ni ate sa 'kin at muli akong niyapos.

"Congrats Alex. Grabe si Tristan ah, talagang ayaw ka ng pakawalan," sabi naman ni Cheska.

"Finally, magiging Ate na talaga kita," tumatalon-talon na sabi ni Amethyst na muli akong niyakap. Batian dito, batian doon. Kahit mga hindi ko kilala ay bumabati kami. Masaya ang lahat para sa amin.

I went to Manila to work for my family in province. I met this man and I never thought of having a relationship with him. I met a friends who always there for me. A friends that I can count on. And there's one kind person who help me to find my biological family. And now, I finally have my two family by my side who always there to support me. And maybe soon, I will have my own family.

Life is full of surprises. Minsan ang mga bagay na hindi natin inaasahan ay s'ya pang mangyayari. Expect the unexpected. We never know what will happen next in our life so keep with the flow of it. Enjoy every part of life so you have nothing to regret someday.

Now, this journey will end. And thank you for reading the story of my life.

I officially end this chapter.
Alexandria Ash Castillo Min
Soon to be a Mercado.

Vote and comment.

Thank you so much for reading my story. I hope to see you on my other story. And also, thank you for reading this story until the end. Thank you so much reader. Keep safe everyone.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon