Chapter 10: Angry Tristan

291 16 0
                                    

ALEX POV

Maaga akong gumising para magluto ng agahan. Ginawa ko na ang morning rituals ko at nagpunta na sa kusina. Iyong nangyari kahapon, I can't imagine na nagawa ko ang bagay na iyon. Hindi ko nga alam kung anong naisip ko at ginawa ko iyon.

Don't use your hands to fight. I will fight for you.

Tsk! Hindi ko talaga lubos maisip na nasabi ko at nagawa iyon. Ilang buwan na rin akong hindi nakikipag-away. Tumigil na kasi ako ilang buwan bago umalis sa probinsya. At tsaka, nakikipag-away lang naman ako kapag sila ang nauuna.

Agad kong binuksan ang ilaw ng kusina ngunit halos matumba ako sa gulat.

"Oh my gosh! Naku naman po," nasabi ko na lang. Hindi ko naman akalain na pagbukas ng ilaw makikita ko siya. Nakaupo  habang nakaub-ob sa mesa. Ano ba kasing ginagawa ng isang ito dito? Mamamatay ako sa gulat.

Mukang tulog. Pero bakit dito naman siya natulog? Tinopak na naman ata ang isang ito. Kinalabit ko pero hindi man lang gumalaw. Tulog nga.

Hindi ko na lang pinansin at nagsimula na akong magluto ng agahan namin. Napapasulyap naman ako sa kaniya paminsan-minsan, pero hindi man lang siya nagigising.

Anong bang ginawa nito? Ang alam ko ay natulog na siya pagkatapos kong gamutin ang sugat. Eh bakit nandito ito? Tsk!

Natapos ko na't lahat ang pagluluto ko hindi man lang siya nagigising. Ano bang ginawa pa nito kagabi at mukang puyat na puyat? Tsk!

"Oh hija! Bakit nandiyan ang batang iyan?" Napatingin naman ako kay Nanay Melba nang tanungin niya ako pagkapasok sa kusina. Lumapit ako kay may Tristan para sana gisingin.

"Ewan ko nga po. Pagkarating ko ay nandito na siya," sagot ko sa kanya at tinapik-tapik si Tristan.

"Hoy! Tristan!"

"Mmm," ungot lamang nito pero hindi gumising. Tsk!

"Naku hija. Gisingin mo na iyan at baka masermunan pa kapag nakitang diyan iyan natulog," sabi sa akin ni Nanay Melba at lumabas ng kusina. Eh paano ko naman ito gigisingin?

"Psst! Hoy! Gising na!"

"Tristan!"

"Hoy!"

Inuga-uga ko na pero hindi man lang nagising. Hmmm. Ano kayang magandang gawin? Nilibot ko ng tingin ang buong kusina at naglanding ang mga mata ko sa mga taklob ng kaldero at mga sandok. Pahihirapan mo pa akong gisingin ka. Kinuha ko ang mga iyon at ngingiti-ngiting lumapit sa tabi niya. Tingnan natin kung hindi ka pa magising dito. Evil smile.

Itinapat ko sa hindi kalayuan sa may tenga niya ang taklob ang kaldero at saka inihampas ang sandok dito na nakalikha ng malakas na ingay. Hindi naman maririnig ang ingay na iyon sa mga kwarto sapagkat nalaman ko na mga sound proof ang lahat ng kwarto dito pati na rin iyong sa amin.

"Shit! What's that fucking noise?!" Halos tumalon na siya sa kaniyang kinauupuan dahil sa gulat. Hindi naman ako matigil sa kakatawa. Ang epic ng muka niya. Hindi pa rin ako matigil sa kakatawa habang hawak ang aking tiyan. Grabe.

"Stop laughing, woman!" galit na sigaw nito sa akin pero dahil ako ito, hindi ako tumigil sa kakatawa. At sino ba naman ang makakapagpigil ng tawa kung makita mo na halos tumalon na sa sobrang gulat ang isang tao. Kung meron mang ganoon, I admire you. Pero hindi ako katulad mo.

"Stop laughing or else...." sabi nito na masamang nakatingin sa akin. Natigilan naman ako dahil doon at napataas ang kilay. Huminga muna ako ng malalim bago nagcross arm sa harap niya.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon