Trixie Lopez's POV
Tumutulo ang mga luha ko habang nag-aayos ng mga gamit. Masaya ako dahil makikita ko na si Tita Mia. Pero may lungkot pa rin dahil aalis ako. Maiiwan ko ang mga naging pamilya ko dito.
Pumasok sina Seah at Ella sa kwarto namin. Tinulungan nila akong mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko.
"Mamimiss ka namin, Trixie." Malungkot na sabi ni Ella.
"Mamimiss ko rin kayo."
"Hihintayin namin ang pagbabalik mo." Saad naman ni Seah. Ngumiti ako at tumango.
Lumabas na ako sa may salas sa kwartong tinutuluyan namin. Nandoon sila madam at 'yung dalawa. Nasaan si Kuya Raven?
"Hinatid niya si Eya." Mukhang nabasa naman ni Akiro 'yon. Nasabi sa akin ni madam kanina ang nangyari. Na-guilty pa nga ako dahil kung hindi dahil sa akin, hindi sana mangyayari iyon.
"Ihahatid ka ni Akiro at Johann sa airport. Hindi ka na namin maihahatid lahat. Madami pa kaming gagawin."
"Okay lang po, madam." Mas gusto ko nga 'yon. Baka lalo pa 'kong hindi makaalis kapag hinatid pa nila akong lahat.
Hindi na ako nakapagpaalam sa mga Gargos at lalo na kay Kent. Wala na kasi kaming oras. Si madam na raw ang bahalang magsabi sa kanila.
"Mag-iingat ka do'n, Trixie." Niyakap ako ng mahigpit ni Akiro. Sunod naman ay si Johann.
"Mamimiss ka namin. Ingat."
"Kayo rin. Paalam muna sa ngayon. Babalik din ako kaagad." Sabi ko nang nakangiti. Pumasok na ako sa loob ng airport.
Babalik ako, pangako.
_
Haelynn Spayn Serin's POV
"Nakabalik na ba si Raven?" Tanong ko. Ilang minuto nalang at tapos na ang oras niya.
"May limang minuto pa, madam," ani Seah. Alam kong tulad ko, nag-aalala na rin sila kay Raven.
Napapikit ako at napaluha nang makitang paparating na si Raven. Agad kong pinunasan ang mga luha kong bumagsak.
Tumakbo agad si Ella kay Raven para tanggalin at i-defuse ang mga bomba na nakasabit sa kaniya. Psh. Plano namin 'to ni Axel, eh.
-Flashback-
"Kailangan ba talaga nating gawin 'yon?" Tanong ko sa planong sinabi ni Axel.
"Yeah. We don't know his plan, Spayn. Baka takasan niya tayo." Alam ko namang hindi gagawin iyon ni Raven. Alam kong babalik siya once na maihatid niya na si Eya. Marunong siyang tumupad sa napagkasunduan. "I'm sorry, Spayn. But this is my final decision. I hope that you agree with it. I'm not only doing this for Gargos, but also to Lethals." Dagdag na sabi niya. Sumang-ayon nalang ako. Dahil tama naman ang mga sinabi niya. Pero humihingi ako ng tawad kay Raven for not trusting him.
-End of flashback-
Nang masiguro kong ayos na si Raven. Pumasok na ako sa loob at umakyat na sa taas. Dumeretso ako sa kwarto ko at nagkulong.
Nagising ako ng madilim na. Uminom muna ako ng tubig saka bumaba sa baba. Nakasalubong ko naman si Axel. Psh. Bakit ba kapag nakikita ko siya ay gusto kong magtago? Bakit parang nahihiya ako? Psh.
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1)
RomanceIf they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to. She's very dangerous woman. That's why don't mess with her. Hanggang sa makahanap siya ng katapat n...