Haelynn Spayn Serin's POV
Umaga na kaming nakarating ni Johann sa mansyon ko dahil umaga na rin nang idischarge siya ng doctor niya. May hawak siyang isang crutches na nagsisilbing gabay niya para makapaglakad.
Agad na nagsitunguan sina Seah nang makita kami na papasok na ng mansyon. Nakita kong binigyan nila ng masamang tingin si Johann kaya nagsalita na ako. "Akiro, alalayan mo na si Johann sa kwarto niya."
"Yes, madam." Bago sila umakyat ay nilingon muna ako ni Johann.
"Salamat, madam." Tumango lang ako at ngumiti.
Bago ako umakyat. Tinawagan ko muna si Seth na hindi ako makakapasok ngayon at siya na muna ang bahala sa mga meetings namin ngayon.
Gabi na nang magising ako. Naligo lang ako at nagbihis ng comfortable dress. Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa labas ng RamBar ngayon. Posibleng may makakita sa akin at sabihin pa kay Axel na nandito ako. Pero bahala na.
Umupo ako sa tabi ng pamilyar na lalaki. Don't tell me araw-araw siyang nandito? Tumikhim ako kaya napunta ang atensyon niya sa akin.
"Madam Spayn?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Lemonade," sabi ko do'n sa bartender. Hindi naman ako pwedeng uminom ng alak dahil sa sitwasyon ko ngayon.
"Still can't move on?" I asked him and laugh a little.
"Hindi gano'n kadali 'yon, Madam Spayn. Mahabang proseso 'yon."
"Thanks," sabi ko nang makuha ko na 'yung inorder kong juice. Daretso ko itong tinungga. Iniisip na alak 'yon.
"Lemonade lang? Ang hina mo naman, Madam Spayn," natatawang sabi niya at iiling-iling pa.
"I'm pregnant." Daretsong sabi ko. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong gulat na gulat siya sa sinabi ko.
"S-seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong niya at parang nagdadalawang isip pa kung nagsasabi ako ng totoo or nagbibiro lang.
"Mm... Secret lang natin, ha?" sabi ko sabay tingin sa kanya. Siya naman ay gulat na gulat pa rin. Psh.
"H-hindi pa a-alam ni Boss?"
"Hindi pa... Subukan mong sabihin sa kanya at hindi kana sisikatan pa ng araw." Pananakot ko saka tumingin sa basong iniinuman niya. Nakita ko naman na napalunok siya.
"B-bakit?"
"Dahil break na kami?" Sabi ko at saka ulit umorder ng isa pang basong juice.
"Break na kayo ni Boss?!" Psh. Napatayo pa siya sa inuupuan niya. Panay ba ang punta niya dito sa RamBar kaya wala na siyang balita?
"Mm." May sasabihin pa sana siya ngunit hinila ko na siya papuntang stage dahil nakita ako ni Elmo. Matic na yata na kapag nandito ako ay hindi pwedeng hindi ako kakanta.
"Hindi ako magaling kumanta, Madam Spayn," bulong niya sa akin habang naglalakad kami papuntang stage.
Hindi ko siya sinagot at kinuha na ang gitarang inaabot sa akin ni Elmo. Umupo kami sa tig-isang mataas na upuan at humarap sa mic.
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1)
RomanceIf they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to. She's very dangerous woman. That's why don't mess with her. Hanggang sa makahanap siya ng katapat n...