Paulo Levisay's POV
Kanina pa ako nagpatawag ng ambulansya. Papunta palang kami rito ay tumawag na ako sa kanila at pinapunta na sila rito. Hindi ko kasi alam ang pwedeng mangyari.
Mabilis kaming nakalabas ng gubat ni Axel. Buhat namin ang kambal na naliligo na ngayon sa sarili nilang mga dugo.
Hiniga namin ang mga bata sa tig-isang stroller. Nilapitan naman agad sila ng nurse at doctor at sinuri ang kalagayan nila.
"Kami na ni Kent ang sasama sa hospital. Alam kong hindi mo maiiwan si Spayn dito," sabi ko kay Axel. Tumango lang siya habang ang paningin ay diretso lang sa kambal.
"Sige. Doon nalang tayo magkita." Sabi kong muli tsaka siya tinapik sa balikat. Sa ambulansya ako ni Harleigh sumakay. Si Kent naman ang kay Harris.
Hawak ko lang ang kamay ni Harleigh habang ginagamot siya ng doctor. Si Dra. Gaean ang gumagamot sa aming mga mafia kapag kami ay nasusugatan o sa tuwing nasasangkot sa mga ganitong bagay. Si Dr. Renz naman ang nasa kabilang ambulansya o ang gumagamot kay Harris ngayon. Mag-asawa sila at sila ang mga mafia doctors namin.
Bago ako umalis, binulong ko kay Axel na buntis si Spayn. Nagalit pa nga siya sa akin dahil bakit daw hindi ko kaagad sinabi sa kaniya. Eh, nakalimutan ko rin na sinabi 'yon sa akin kanina ni Seah. Sa sobrang daming nangyari kanina, nawala na sa isip ko na sabihin pa sa kaniya.
Safe naman kaming nakarating ng hospital. Nasa loob na ng operating room ang kambal, ginagamot na sila.
Nandito lang kami sa labas ng O.R ni Kent, naghihintay.Sobrang nag-aalala talaga ako, lalo na kay Harris. Sobrang daming dugo ang nawala sa kaniya. Malakas din ang pagkakahampas ng ulo niya sa lupa.
Sana lang ay walang mangyaring masama sa kanilang dalawa. Pati na rin sa mga natira pa sa gubat."Papunta na raw dito si Trixie at Ella kasama si Rainne," sabi ni Kent. Tumango lang ako. Hindi pa rin mapakali. Hindi ako ang ama pero sobrang kinakabahan ako at hindi mapakali. Paano pa kaya sina Axel at Spayn?
_
Sammy Langston's POV
Akay ko si Rainne palabas ng gubat. She had a shot on her stomach. Ako naman ay may daplis lang sa bandang balikat. It's not as bad as her.
Hiniga ko siya sa stroller so that her wound could be treated. Trixie and Ella will be with her papuntang hospital. I left to accompany others.
I want to go inside the forest again because until now the others still haven't come out.
Rhouisse entered again the forest to find Madam Spayn. And I want to find Johann too, I'm so nag-aalala na sa kaniya.
Akiro later came out, along with Mr. Smith and Mr. Jimuel. I'll ask sana where's Johann but I saw him na. He's with Almiah and Seth. When Almiah was taken to the stroller, he immediately come to me and examined my whole body.
"I'm fine." Pinangunahan ko na siya.
"Shemay, hindi kaya! May sugat ka, oh?! Ba't hindi ka pa nagpapagamot?" He looks so nang-aasar pa. Not nag-aalala.
"Well-"
"Ah, hinihintay mo ako? Anong gagawin ko dyan sa sugat mo? Sisipsipin ang dugo?"
"Get out of my sight! You're so annoying!" He's so nakakainis talaga! I hate him but fuck! Kahit ganoon siya, I really love him.
Johann immediately embraced me when a loud explosion emerged.
Sa sobrang lakas niyon ay halos napaupo kaming mga nandito.
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1)
RomanceIf they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to. She's very dangerous woman. That's why don't mess with her. Hanggang sa makahanap siya ng katapat n...