Joella Celis' POV (Ella)
Pauwi na kami sa mansyon kasama ang dalawang myembro ng Blitz. Sina Julianna Luz at Denice Aberra. Kasalukuyan naman akong ginagamot ni Akiro sa binti ko dahil sa natamo kong sugat kanina.
-Flashback-
Nahiwalay sa amin sina Raven at Seah. Kaming tatlo naman nina Akiro at Johann ay sa kabilang hallway ng second floor dumaan para hanapin si madam. Nagkatinginan kaming tatlo nang makita namin ang isa sa mga myembro ng Blitz. Si Julianna Luz.
"Maganda at sexy sana siya, kaso ayoko sa ahas." Mahinang usal ni Johann.
"Pucha! Puro ka talaga kalokohan." Siniko ko lang silang dalawa at sinamaan ng tingin. Hindi ito ang tamang oras para sa mga kalokohan nila.
Palapit na sana kami kay Julianna nang humarap siya sa amin at tutukan kami ng baril. Ang iingay kasi nung dalawa!
"Pucha! Teka naman miss. Ayaw mo ba sa 'kin? Mayaman din naman ako tulad ng mga foreigner na nalinlang mo." Usal dito ni Akiro. Pinaputukan niya kami kaya mabilis kaming napailag at nagtago sa mga pader. Kinuha ko ang baril ko at pinaputukan din siya. Mabilis siyang nagtago sa pader. Muli kaming nagputukan hanggang sa nadaplisan niya ako sa binti.
"Shit!" Mabilis na lumapit sa akin si Akiro para alalayan ako.
"Ayos ka lang?" Tanong niya. Tumango lang ako. Muli kaming nagpalitan ng putukan ngunit mabilis siyang nakakaiwas. Aaminin kong mabilis siya. Para talagang ahas.
Hanggang sa matamaan ko siya sa binti. Bitch! Hindi kaagad siya nakapagtago sa pader dahil napaluhod siya kaya natamaan siya ni Akiro sa braso. Mabilis na naglakad kami papunta sa kanya at tinutukan siya ng baril sa ulo. Tinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko."Bitch!" Hinampas ko ang hawak kong baril sa ulo niya kaya nawalan siya ng malay.
"Buhatin niyo na siya." Utos ko sa kanilang dalawa.
"Ba't hindi pa natin siya tuluyan?" Takang tanong ni Johann.
"Pucha, tara na. May naririnig akong mga kaluskos ng paa."
-End of flashback-
"Dahan-dahan naman!" Reklamo ko kay Akiro. Bumaling naman ang tingin ko sa likod kung nasaan 'yung dalawang myembro ng Blitz. Tulog pa rin sila at wala pa ring mga malay.
_
Amaseah Andres' POV (Seah)
Hindi ko alam kung bakit nakisabay pa sa akin si Neil. May dala naman silang sasakyan tsaka ayoko ng maingay. Napakadaldal pa naman niya at parang hindi nauubusan ng salita. Peste!
"Ahmm, Seah." Kingina! Ayan na naman siya. Magsasalita na naman kahit walang kwenta ang sasabihin.
"Seah..."
Kingina! "Ano?!"
"Bakit ba ang sungit mo?"
"Bakit ba ang daldal mo?!"
"Hahahahahaha..." Sinamaan ko siya ng tingin kaya napahinto siya sa pagtawa. "Hehe.."
"Gusto mo bang pababain kita?!"
"Whoa, nagbibiro lang naman ako. Hindi kana mabiro."
"Tumahimik ka na nga!" Rinding rindi na ako sa kanya. Paano ba naman, kanina pa siya salita ng salita. Dinaig pa ang babae kingina!
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1)
RomanceIf they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to. She's very dangerous woman. That's why don't mess with her. Hanggang sa makahanap siya ng katapat n...