CHAPTER 25 - Surprise

4.3K 88 0
                                    

Haelynn Spayn Serin's POV

Dalawang araw na ang lumipas at wala pa rin kaming kibuan ni Axel. Well, madalas naman akong wala sa mansyon niya dahil busy ako sa opisina, at mukhang gano'n din naman siya. At saka ano bang pake ko sa kanya? Psh.

Lumabas ako sa kwarto ko at nakita si Trixie na nasa may salas dito sa kwartong tinutuluyan namin. Nakaupo siya sa sahig habang may sinusulat sa isang notebook na nakapatong sa lamesa.

Simula no'ng nabuntis siya. Hindi ko na siya pinapasok sa office. Ang sabi ko ay mag focus na muna siya sa pag-aaral niya habang hindi pa malaki ang tiyan niya.

Malapit na rin ang pasko. Sana wala na munang gulo. Siguro ay kailangan na naming bumalik sa mansyon ko. Mas maganda kung doon namin sasalubungin ang pasko at ang bagong taon ngunit may isa pa kaming misyon dito.

Nakakalungkot lang dahil wala si Hans. Nandito nga siya sa pilipinas ngunit hindi ko naman alam kung nasaan siya. Pinahanap ko na siya sa mga tauhan ko, ngunit hindi talaga sila mahagilap ni Aliyah. Psh.

Lumapit ako kay Trixie at umupo sa isang sofa. Napatingin naman siya sa 'kin.

"Goodmorning, madam," masayang bati niya. Tumango lang ako. Nagpatuloy lang siya sa sinusulat niya. Sunday ngayon, wala akong pasok. Well, ako naman ang nagdedecide kung ayaw kong pumasok or hindi. Psh. Nilabas ko ang cellphone ko at naglaro nalang. Wala naman akong magawa. Ang aga aga pa.

Kumunot ang noo ko nang may umalingaw-ngaw na pabango. Psh. Agad namang nagtakip ng ilong si Trixie. "Ang baho naman ng pabango mo, Kuya Raven!" Reklamo niya. Gusto ko tuloy matawa.

"Takte! Nakiki-amoy ka na nga la—"

"Baka nakakalimutan mong buntis siya, Raven," malditang sabi ko saka siya inirapan. Pumasok nalang ulit si Trixie sa kwarto nilang tatlo nina Seah at Ella. Doon niya nalang daw tatapusin ang ginagawa niya.

Umupo naman si Raven sa tabi ko at binuksan ang TV. Napaka OA naman magpabango nito. Psh.

"Lumayo ka nga sa 'kin, Raven!" Paano ba naman, sobrang dikit niya sa 'kin. Nakakainis.

"Na miss kita bestfriend. Ilang araw din tayong hindi nakapag bonding."

"Bonding mo mukha mo! Busy ka kasi lagi kay Eya." Tumawa lang siya ng mahina at siniksik ang dalawang kamay sa kanang braso ko.

"Sorry na, bestfriend. Kaya nga babawi ako sa'yo ngayon, e. Wala naman tayong parehas na pasok," malambing na sabi niya sabay wink sa akin. Psh.

"Ano ng status niyo ni Axel?" Biglang tanong niya na ikinanoot ng noo ko.

"Status?"

"Nanliligaw na ba siya sa'yo?" Mabilis ko siyang binatukan pero tumawa lang siya ng malakas, nakahawak pa ang isa kamay niya sa tiyan. Psh.

"Siraulo ka ba, ha?!"

"Takte! Nagtatanong lang naman ako, e!" Inirapan ko na lang siya. Psh. Parang gago.

Pumasok naman 'yung apat. As usual, nagbabangayan na naman 'yung dalawa.

"Pucha naman, pre, alam mong ako ang nauna do'n!"

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon