CHAPTER 69 - Love is Pain

3.9K 67 0
                                    

Neil Griffin's POV

Pagkatapos ng maikling pagkukwentuhan namin ni Seah, ay mali, medyo mahaba-habang kwentuhan namin ay pumasok na rin ako sa loob.

Medyo napatagal din ang pag-uusap namin habang hinihintay si Levi. Hindi ko nga alam kung bakit ang tagal nitong lumabas.

Nagpapogi pa siguro?

Bago ako pumunta sa kwarto ni Levi ay napadaan ako sa kwarto ni Almiah. Nakabukas onti ang pinto nito kaya napasilip ako sa loob.

Tiningnan kong mabuti ang lalaking nakaakbay sa kanya na natitiyak kong hindi si Dior. Nakasandal naman si Almiah sa balikat ng lalaki.

Tumango-tango ako nang mapagtantong si Seth ito. Isa sa mga matalik niyang kaibigan.

"Oy!" Muntikan na akong masubsob sa pinto sa gulat. Humarap ako ng may pagkainis.

"Ano ba, Colin?! Ba't ka ba nanggugulat?!"

"Ano bang ginagawa mo dyan? Ang chismoso mo naman? Don't tell me binobosohan mo si Almiah?" Wow! Makapanghusga naman 'tong mokong na 'to!

"Gago! Napadaan lang ako." Tinakpan ko na ang tenga ko dahil sa pang-aasar ni Colin. Noon palang ay inaasar na niya ako kay Almiah. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman type 'yon.

Isang beses kasi ay nagkayayaan kami ng inuman. Sakto namang problemado ako kay Seah at siya naman ay kay Dior. Nang malaman ito ni Colin ay hindi na siya tumigil sa kakaasar niya sa amin. Bakit daw hindi nalang kami. Parang ewan lang.

Nakarating na ako sa harapan ng kwarto ni Levi. Kumatok ako ng dalawang beses. Nang walang makuhang response, o kahit man lang ay buksan niya ito ay wala. Kaya muli akong kumatok. Ngunit wala pa rin kaya napagpasyahan ko ng pumasok.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong  kwarto niya ngunit kahit anino niya ay hindi ko makita.

Nakababa na siguro siya?

Lumalabas nalang muli ako at napadaan naman sa kwarto ni Spaxel.  Bukas ang pinto nito kaya kitang-kita ko ang mga nasa loob at kung ano ang ginagawa nila.

May tinuturok na karayom si Doc. kay Spaxel. Medyo nagulat pa nga ako nang makitang nandoon din si Madam Spayn katabi ni Boss.

Naalala ko tuloy si Boss nang magsimulang magkasakit si Spaxel. Sobrang grabe 'yung pag-aalala niya dito. Ngayon ko lang din siya nakitang mag-alaga ng aso. Kahit na hiwalay na sila ni Madam Spayn, hindi niya ito pinabayaan at inalagaang mabuti.

-Flashback-

Dali-dali naming dinala sa clinic ang aso nina Harvey at Kirvy na si Royu. Bigla nalang ito naging matamlay.  Ayon kay Kirvy, bigla nalang daw itong nagsuka kanina. Sabi ko nga ay baka buntis pero naalala ko na lalaki pala ito.

"Your dog has a Canine Distemper Virus. It's highly contagious virus caused by the paramyxovirus. It's affects the gastrointestinal, respiratory, skin, immune, and central nervous systems." Saad ng veterinarian doctor.

"Doc, paano naman siya nakakuha ng virus na 'to?" 'Di mapakaling sabi ni Kirvy.

"As I said, it's cused by the paramyxovirus virus. Animals get infected from contact with infected urine, blood, saliva, or respiratory droplets. Of these, transmission usually happens through droplets. It can be spread through coughing and sneezing or contaminated food and water bowls." Tinanong naman ng doctor kung may nakasama si Royu na aso na may sakit na ganito. At ayun nga, meron. 'Yung inanakan niyang chow chow din. Pero hindi alam nung kambal na may virus pala 'yung chow chow na 'yon.

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon