CHAPTER 9 - Magandang Dilag

5.8K 84 3
                                    

Evianna Yasmine Gardner's POV (Eya)

Naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom ng first class ko ngayong umaga. Onting kembot nalang at ga-graduate na ako. Habang naglalakad ay tumitingin tingin pa ako sa loob ng bawat classroom na nadadaanan ko. Hanggang sa nabangga ako ng isang babae dahilan upang malaglag ang mga dala kong libro.

"Hala! Sorry," pagpapaumanhin niya.

Ngumiti naman ako. "Ayos lang, miss." Pinulot namin ang mga libro ko na nahulog. Inabot niya naman sa akin ang mga libro na nakuha niya.

"Pasensya ka na talaga. Nag-tetext kasi ako. Hindi kita napansin." 

"Ayos lang. Mag-iingat ka." Tumatango-tango lang siya at ngumiti tsaka ako nilagpasan. May kasalanan rin naman ako dahil nasa mga classroom ang paningin ko. 

Pagkatapos ng first class at second class ko. Dumeretso ako sa cafeteria ng University na pinapasukan ko. Lunch time na kasi. Pagkapasok ko sa cafeteria, bumungad sa akin ang napakadaming estudyante. 

Bumili ako ng pagkain at saka naghanap ng mauupuan. Hindi ko kasama si Mika dahil absent siya. 'Yung iba ko namang mga kaibigan ay nauna ng kumain kanina. May nakita akong babae, bakante ang upuan na nasa harapan niya. Lumapit ako doon saka siya tinanong.

"Hi, may nakaupo ba?... Oh, hi!" Nagulat ako nang makita 'yung babae na nakabangga sa akin kanina. 

"Wow, nagkita tayo ulit! Walang nakaupo." Nakangiti niyang sabi. 

"Salamat." Ngumiti ako sa kaniya saka umupo. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa may tumawag sa kaniya sa cellphone. Hindi naman sa chismosa ako pero nakarinig ako ng isang pamilyar na pangalan. 

-Flashback-

Maaga akong pumasok sa RamBar ngayon dahil puro late ako noong mga nakaraang araw. Baka mapagalitan na ako ng manager namin. Mayamaya lang ay nagsidatingan na rin ang mga kustomer. Sa pagkuha ng order ako nakatoka ngayong araw na ito. Minsan sa cashier ako o sa pagkanta. 

May nagpindot ng button sa isang VIP Table kaya agad akong lumapit doon. Muli ko na naman siyang nakita. Isang lalaking madalas tumambay dito noong mga nakaraang buwan, pero ngayon ay madalang nalang siya kung pumunta dito sa RamBar. May kasama siyang dalawang lalaki. Dati kasi ay isang babae lang ang lagi niyang kasama pero ngayon ay hindi niya ito kasama. Madalas silang kumakanta nung babae kapag nandito sila. Laging jamming. Maganda parehas ang mga boses nila. Kinukuha nga sila rito ng banda kaso tumanggi sila. Pero pinangako naman nila na magiging guest nalang sila sa tuwing pupunta sila rito.

Tumikhim naman siya bago nagsalita. "Uhm hi...'yung dati pa rin." Saad niya. Tumango lang ako sa kaniya at naglakad na palayo para kuhanin na ang order nila. Pero hindi pa man din ako nakakalayo nang marinig ko pa ang dalawa niyang kasama na nagsalita.

"Pucha! Type mo 'yon, Raven?"

"Oo nga. Iba 'yung tinginan mo, e!"

Kinuha ko na ang mga order nila pati na rin ang mga order ng ibang table. Tsaka ko ito hinatid sa mga table nila.

"Thank you. Binibini, pwede ba 'kong kumanta?" Tanong niya. Ilang buwan na rin noong huling beses ko siyang narinig na kumanta.

"Sige. Sasabihin ko sa banda."

"Sige, salamat." Hindi ko alam pero may kakaiba sa mga tingin niya.

Pagkasabi ko sa banda na kakanta siya ay pumayag kaagad ang mga ito. At tinawag na siya bilang guest ngayong gabi.

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon