Chapter 10 - Shoot Spayn

5.3K 86 4
                                    

Aliyah Callisto's POV (Blitz)

Nandito ako sa Oxford University na pinapasukan ko. I'm taking a Bachelor of Science in Nursing. I'm graduating student bitch. Pababa na sana ako sa sasakyan nang mahagip ng mga mata ko ang isang motor. Ang motor ni Spayn. Siya ba 'yon?

Pumarada ito sa paradahan ng mga motor. Tinanggal niya ang helmet niya kaya tama nga ako, siya nga.

Bitch! Gotchu!

Pero saglit, ano naman ang ginagawa niya dito? Sino ang pupuntahan niya? Si Hans ba? Dito na ba nag-aaral ang kapatid niya? Makikita ko na ba ang gagong si Hans? 

Hans is my ex boyfriend. Long Distance Relationship or LDR kami since last year. Seven months lang naging kami and then nakipagbreak na ako sa kaniya.

Nagkakilala kami sa omegle. Noong una ay hindi ko naman alam na kapatid niya pala si Spayn dahil iba naman ang ginamit niyang pangalan sa omegle. Nalaman ko nalang ito noong nagbreak kami.

Natanaw ko si Spayn na pumasok sa lobby ng school. Syempre sinundan ko siya. Tinawagan ko na rin sila Eunice at pinaalam na nandito si Spayn. Papunta na sila dito. Ewan ko lang kung kasama nila si Boss Rachel.

Kaya kami nakikipagtulungan sa Mercenaries at lalong lalo na sa Butchers at kaya ako sumali sa Blitz. Dahil ang mga Lethals ang pumatay sa magulang ko. Mafia boss ang daddy ko. Dahil wala naman sa Rank 7 ang mafia group ng daddy ko. Madali nila itong napaslang at napabagsak. Kasama ang mga magulang ko. Kinuha nila ang lahat ng ari-arian namin upang mas maging makapangyarihan at makapasok sa Rank 7. Imbes na ako ang humalili o pumalit sa daddy ko. Hindi ko ito nagawa dahil wala akong sapat na pera upang muli itong ibangon. Kaya sumali nalang ako sa Blitz. At maswerte ako dahil nakapasok pa ako sa Warrior Five.

Isa rin sa dahilan kung bakit pinapatay nila ang daddy ko ay dahil may malaki raw itong atraso sa kanila.

Sa sobrang laki ng University at sa sobrang daming tao. Halo-halo ang mga estudyante at ang mga outsiders kaya nawala si Spayn sa paningin ko.

Napakabilis naman niya? Nasaan na 'yon?

Nagpalinga linga ako, nagbabakasakaling makita siya. Habang hinahanap siya, isang kamay ang humila sa braso ko at ipinasok ako sa isang madilim at lumang classroom. Napangisi ako nang makita kung sino ito. Bitch.

Spayn!

"Haelynn Spayn Serin. Sa wakas at nagkita na rin tayo." Nakangising sabi ko.

"Who are you? Bakit mo 'ko sinusundan?"

"Isa kang mafia boss, pero ang isang tulad ko ay hindi mo kilala?" Sarkatiskong sabi ko. Isang malakas na sampal ang ginawa niya sa akin kaya napaupo ako sa lupa. Nalasahan  ko kaagad ang dugo sa labi ko. Wala pa naman akong kahit na anong baril na dala!

"Bitch!" Tinaliman ko kaagad siya ng tingin.

"You don't know me. Kung isa ka sa mga member ng Blitz. Congratulations. Dahil ang isang tulad mo ay nakausap at nakalapit sa 'kin na sino man ay hindi magawa basta-basta. Pero ang nakakalungkot lang...." Ngumisi siya. Anong ibig-sabihin nito? "Hanggang dito ka nalang." Naglabas siya ng baril na may silencer at daretsong itinutok sa akin.

No! Not now! Kailangan ko pang makapagtapos dahil pinangako ko iyon sa mga magulang ko. At isa pa, hindi ko pa nakakausap si Hans.

Kakalabitin niya na sana ito kaya agad akong nagsalita.

_


Haelynn Spayn Serin's POV

"Saglit lang!" Kakalabitin ko na sana ang baril na hawak ko nang nagsalita siya. What the hell? "Hindi mo pa ko maaaring patayin." Natawa ako sa sinabi niya.

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon