CHAPTER 45 - Grandmother last wish

3.6K 73 4
                                    

Raven Riveras' POV

-Flashback-

Hindi ko alam kung bakit kami pinatawag ni Axel ng ganitong oras. Madaling araw palang. Ano naman kaya ang trip ng mokong 'to?

Sabay na kaming bumabang lima. Mukhang nauna ng bumaba si Spayn dahil wala na siya sa kwarto niya ng silipin ko.

Pagkababa namin sa main living room. Kumpleto na ang Gargos pero... wala si Spayn. "She still sleeping." Nakakunot ang noo kong tumingin kay Axel.

"At bakit wala siya sa pagpupulong na ito?" Sambit ni Seah na may halong inis.

"Puyat siya," sagot ni Axel na ikinatawa namin.

"Ginagago mo ba kami?" Muling sambit ni Seah. Humawak ako sa balikat niya kaya napalingon siya sa 'kin. Umiling ako para sawayin siya. Inirapan niya lang ako. Takte!

Sinenyasan ko 'yung apat na maupo. Baka may mahalagang sasabihin si Axel. Pero hindi naman yata tama kung wala si Spayn. Pero mahirap talaga gisingin ang babaitang iyon.

"Heaven Serin is dead." Diretsong sabi ni Axel.

"Hahahahaha," tumawa ako ng malakas. "Anong klaseng biro 'yan, Axel?... Hindi kami nakikipagbiruan." Galit na galit na sabi ko pero ang mga luha ko ay nagsimula ng bumagsak.

"Don't mention it to Spayn anyway. Ako na ang bahala magsabi sa kanya." Iyon lang at umakyat na siya sa taas. Sumikip agad ang dibdib ko sa ibinalita niya.

-End of flashback-

Halos manghina ang tuhod ko nang sumilip sa kabaong. 'Grandma', wika ko ng walang tinig. Ang daming tanong sa isip ko. Paano? Bakit?

"Raven... tawagan mo na si Hans." Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Hans na wala na ang Lola niya. Maka-Lola pa naman silang dalawa ni Spayn.

Dinial ko ang number ni Hans. Nanginginig ang mga kamay ko habang ginagawa iyon. Napatingin ako kay Eya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Kaya mo 'yan," pagpapalakas ng loob niya sa 'kin. Ngumiti ako at tumango. Buti nalang at nandyan siya sa tabi ko.

[Kuya Raven? Napatawag ka?] Bungad agad ni Hans pagkasagot ng tawag ko. Napalunok ako at napakagat sa ibabang labi ko. Nagsimulang na namang tumulo ang mga luha ko. Sobrang nasasaktan ako kapag nakikitang umiiyak silang dalawang magkapatid. [Kuya... m-may nangyari ba?]

"H-Hans..." Mas nauunahan ako ng emosyon ko. "W-Wala na... si grandma." Sa wakas at nasabi ko na. Biglang namatay ang linya ng bitawan ko ang mga salitang iyon.

Napatayo ako nang makita si Spayn na naglalakad palapit sa kabaong ng kaniyang Lola. Nasa likod niya si Axel para alalayan siya. Hindi pa siya nakakalapit pero panay na ang iling niya. Napaupo ako sa upuan na kinauupuan ko kanina lang. Gusto kong lumapit sa kanya pero sobrang nanghihina ako.

"L-Lola." Mahinang usal ni Spayn nang makalapit at makasilip na. Hindi siya umiiyak pero ramdam ko ang galit at pagluluksa niya. Nakakuyom na rin ang mga palad niya.

Lumabas ako saglit para magpahangin. Hindi na ako nagpasama pa kay Eya dahil gusto kong mapag-isa.

Nakaupo ako sa may duyan. Natawa ako. Bakit naman may playground dito sa mansyon ni grandma? Haha. Nasa ganoon akong sitwasyon nang may marinig akong hikbi mula sa isang bata.

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon