CHAPTER 82 - Crawford International School

4K 58 1
                                    

Haelynn Spayn Serin's POV

Humiwalay ako sa dalawang kong kapatid pagkapasok namin ng National Book Store. Ang sabi ko ay sa cashier nalang kami magkita-kita mamaya.

Kumuha lang ako ng mga notebooks, crayons, pencils, at ng kung ano-ano pang mga kailangan ng mga anak ko sa school. Binilhan ko na rin si Harris ng mga panibagong librong babasahin niya. Minsan naman ang mga libro niya ay galing pa sa iba't ibang bansa. 

May isa akong papel na hawak. Bigay iyon ng registrar, iyon daw ang kailangan kong bilhin para sa darating na pasukan or ang school supplies.

Pagkatapos kong kumuha ng mga gamit para sa anak ko. Kumuha naman ako ng mga simple school supplies na ipapamigay ko sa charity. Nagpatulong nalang ako sa isang staff para kunin ang mga kailangan ko.

Nasa cashier na ako at hinihintay nalang 'yung dalawa. Nauna pa ako sa sa kanila.

Pagkalapit nila sa akin ay punong-puno ng gamit ang cart nila.
"Magbebenta ba kayo ng school supplies?!" Baling ko sa sobrang dami nilang kinuha.

"Halos kay Kirvy ang lahat ng n'yan." Sabi ni Harvey, may hawak pang mga notebooks.

"Para hindi na tayo bibili next time." Pagtatangol naman ni Kirvy sa sarili niya. Psh.

Kumain lang kami pagkatapos namin mamimili. Saka namin napagdesisyunang umuwi. Sinundo pa kami ni Axel. Hindi kasi nagkasya 'yong mga pinamili namin sa sobrang dami. Van pala dapat ang dinala namin.

Magkahiwalay kami ng sasakyan. Kasama ni Axel si Harvey, ako naman ay si Kirvy. Bawal pa silang magmaneho. Wala pa sila sa legal age.

Halos sabay lang din kaming nakarating sa Hacienda. Sa mga tauhan ko na inutos ang mga pinamili ko. Sila na bahalang mag-pasok niyon sa loob.

Magkahawak kamay kaming pumasok ni Axel sa loob. Pero agad din akong napabitaw nang makitang umiiyak ang anak ko. Karga-karga ito ni Seah.

Hindi lang iyon pangkaraniwang iyak. Halos marinig na nga iyon sa buong pasilyong ito sa sobrang lakas ng iyak niya.

Nang makita ako ng anak ko ay kaagad siyang bumaba sa Tita niya at patakbong lumapit sa akin.

Niyakap niya ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Hinimas ko ang likod niya pero hindi ko rin napigilan ang matawa.

Lumipat naman ang anak ko kay Axel. Dito naman siya yumakap dahil pinagtatawanan ko siya.

Mas lalo tuloy akong natawa. Sinamaan tuloy ako ni Axel ng tingin. Hindi ko lang talaga maiwasan. Ngayon ko lamang nakita si Harris na umiyak ng ganito. Lagi kasi siyang masungit at seryoso.

Tumingin naman ako kina Akiro at Johann na kakalabas lang ng kusina. Nag-iwas agad sila ng tingin, ayaw salubingin ang tingin ko.

"Who made my son cry?!" Galit na sabi ni Axel habang pinapatahan ang anak.

Pumasok naman si Harleigh, kasama si Tito Jimuel. Kahit si Lolo ay napababa rin, narinig niya siguro ang iyak ng apo mula sa itaas.

"Answer me!" Ako naman ay nagpipigil ng tawa. Hindi ko talaga maiwasan. Siniko ko tuloy si Seah at bumulong.

"What happened?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya saka sumagot. "Pinaasa ni Akiro at Johann si Harris na may ice cream silang binili sa kaniya. May kinuha silang isang galon ng selecta sa freezer, pero pagbukas n'yon ni Harris, isda ang laman," pinigilan niya rin ang matawa. Ako naman ay natawa na naman. Pero agad ding tumahik nang matalim na ang tingin ni Axel sa akin. Psh.

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon